<\ Kim Nam Joon's POV />
" Baket dahil sa akin? " tanong nya na may pagtataka
" Gusto kasi talaga kitang paselosin eh "
Tinulak nya ako mula sa yakap
" Anong sabi mo? " ang talim ng tingin nya
" Gusto ko kaseng malaman kung may gusto ko rin sa akin... "
" Kung.... gusto kita? " inulit nya pa
" Simula pa lang may gusto na ako sa iyo, kaya nga kita kinaibigan eh " nginitian ko sya
" Pe-pero paanong- "
" Akala mo ba hindi mamapansin dahil hindi ka naman kapansin pansin noon? " tinignan nya ako
" Ngayon, tatanungin kita " napalunok muna ako " Meron ka rin bang nararamdaman para sa akin...." tinitigan ko sya " O kaibigan lang talaga? "
Yumuko sya at muling binaling ang tingin sa akin " Alam mo yung plano mong yun... gumana " namula ang pisngi nya " Na-nagselos naman talaga ako nun... kaya nga umaalis pag magkasama kayo kasi hindi ko kayang nakikitang may kasama kang iba " nilalaro nya na ang kamay nya
" Bakit ka umalis? "
" Inunahan kase ako ng takot ko, kaya pinanghinaan ako ng loob, hanggang sa wala ng oras para masabi sa iyo yun " parang kumilislap ang mata nya sa pagtitig nya sa akin " Pero bumalik naman ako diba? ... dahil sayo "
Ngumiti sya sa akin, isang napakagandang ngiti
Bzzz... Bzz.. Bz.
" Sandali lang ah " bastos naman tong tumatawag " Hello? "
" Namjoon " matamlay na pagtawag ni Suga-ssi sa pangalan ko
" Oh, baket? "
" Nasan ka ba? "
" Nakina- "
" Nariyan ka ba kina Jisoo? " paano nya nalaman?
" Ah.... Oo "
" Namjoon, may naghahanap sa iyo " sigaw ni Mrs. Seo mula sa lanas ng kwarto ni Jisoo
" Narito na kami " wika nya at agad na binaba ang linya
" Sino ang tumawag? " agad na tanong ni Jisoo
" Si Suga "
" Ano raw ang sabi? "
" Narito sila, nandiyan sa sala nyo "
" Pwede ko bang.... makausap si Suga? " kinagat nya ang lower lip nya
" Bakit? " tanong ko
" Basta " wika nya habang nakatingin sa baba
" Bakit nga- "
" Basta nga "
Lumabas ako ng kwarto nya at hinarap si- teka, narito rin pala si Jin
" Oh? Buti di kayo- "
" Sa likod rin kami dumaan " nakangiting sabi ni Jin
" Tumakas kami sa dorm " sabi naman ni Suga " Kamusta si Jisoo? "
" Nasa kwarto nya, at gusto ka nyang makausap "
Di na nagsalita si Suga at agad na dumiretso sa kwarto ni Jisoo
" Ano bang nangyayari? " tanong bigla sa akin ni Jin
"Mahabang kwento Hyung "
" Basta kapag pinagalitan tayo, ikaw na ang magpaliwanag ah! " sinisiko pa ako
" Haayyy Hyung naman " napasapo na lang ako sa noo ko
<\ Seo Ji Soo's POV />
Tininignan ko ang pabukas na pintuan habang naka-upo muna ako sa kama ko
" Yoongi- Suga! " napatayo ako nang makapasok sya
" Kamusta ka? " malamig nyang tanong sa akin
" Maayos naman ako " niyakap ko ang braso ko
" Nakikita ko nga. Lalo na at narito naman si Namjoon, bakit mo nga pala ako gustong makausap? " tinignan nya ako
" Patawarin mo ako " tinitigan ko rin sya " Mukhang di ko matutupad yung gusto mong mangyari para sa akin na maging Idol rin ako "
" Ayos lang... nakilala naman na kita " tapos ay ngumiti sya
" Naalala mo pa ba yung sinabi ko sa iyo noon... na ang manhid ni Namjoon dahil hindi nya mahalatang may gusto ako sa kanya? "
" Oo... Anong meron "
" Mas manhid pa pala ako, kase simula palang noong una... may gusto na sya sa akin "
" Umamin na sya sa iyo? "
" Uhum... at ganun rin ako "
" Yun lang ba ang... gusto mong sabihin? "
" H-huh? " iniwas nya ang tingin nya sa akin
" Alam mo na noon pa na gusto kita diba?... Pero ayos lang ako kung si Namjoon talaga ang gusto mo, magiging masaya na lang ako para sa iyo. Naging inspirasyon kita sa mahabang panahon at... " tinignan nya akong muli " .... sa tingin ko hanggang doon na lang talaga yun " yumuko sya
Nilapitan ko naman sya at niyakap. Tanging yakap lang ang kaya kong ibigay kay Suga ngayon. Kahit nalulungkot ako sa kalagayan nya, ibang klase rin naman sya. Napasuwerte ng babaeng magugustuhan nito sa hinaharap.
Matapos ang yakap ay lumabas na sya, agad rin namang pumasok ulit si Namjoon.
" Anong pinagusapan nyo? " bungad nya
" Wala ka na dun " napangiti ako
" Gagantihan ko ang gumawa nito sa iyo " napawi ang ngiti ko sa sinabi nya, napakalamig at seryoso ang tono nya
" Anong sabi mo? " binigyan ko sya ng nagtatakang tingin
" Sa pamamagitan ng kanta ang ibig kong sabihin "
" Talaga? "
" Asahan mong may mga salitang di kaaya aya doon ah " napakamot sya sa batok nya
" Mas maganda rin kung tagos hanggang sa buto ah! " napangiti ulit ako
" Oo ba! "
" Susuportahan kita "
" Salamat " tapos ay lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo at nagpaalam ng umalis.

BINABASA MO ANG
Like A Star
FanfictionLike A Star (Ft. Rap Monster of BTS and Ji Soo of Lovelyz) Nais ko munang sabihin na "HI" sa mga ARMY at fans ng Lovelyz dyan.... Hindi ako magling sa shipping pero sana magustohan nyu parin ang gawa ko... At dedicated ko tosa kapatid kong lalaki na...