Chapter 9 : He is D-boy

13 3 3
                                    

<Seo Ji Soo POV>

" Hindi ko hahayaang mangyari iyon " sabay kaming napatingin ng lalakeng naka headphone sa biglang nagsalita

Si Nam Joon nanaman...

" Namjoon? Paano mo nalaman na nandito- "

" Hindi ka nga pumuntang school fountain, pero kinausap mo pa rin yang lalaking yan! " sumabat sya na parang walang pake sa sinabi ko.

" Ka-kanina ka pa ba nandyan? "

" Hindi naman. Pero dapat mas inagahan ko pa nga eh. AT IKAW!? " bigla nyang tinuro yung lalakeng naka headphone. Binigyan lang nya si NamJoon ng walang ekspresyon.

" Ano bang kailangan mo sa kaibigan ko?!! " akma naman syang lalapit sa lalake pero pinigilan ko sya.

" Umalis ka na. Pagpasensyahan mo na si Nam Joon ah. Salamat pala kase sinasamahan mo ko palagi " sabi ko sa lalake at ngumiti sya at umalis na

" Baket mo ba ako sinundan? "

" Ji Soo, may gusto akong sabihin sa iyo "

" Ako rin. Pwede bang, ako muna "

" Ako na "

" Si-sige na nga " kulit.

" Sabi ko naman sa iyo diba, huwag mong pansinin si Mi Joo. Wala ka namang dapat ika-selos " tinitigan ko lang sya " Walang namamagitan sa amin ni Mi Joo, lahat ng iyon, palabas lang. Gusto lang nya na tulungan ko syang maka pasa ngayong semester " napayuko sya

" Nam Joon, gusto kang makilala ni Mama. Ayos lang ba sa iyo? "

Agad nyang inangat muli ang ulo nya at ngumiti ng malaki sa akin

Nakahinga na ako ng maayos kahit papaano dahil sa wakas ay sinabi nya na ang totoo, pero hindi pa rin sapat. Hindi nya sinabi kung baket sya pumayag at kung ano ang pabor nya.

Ano ka ba Nam Joon. Nagtatampo na ako sa iyo ha!!

————————

Ang bilis talagang tumakbo ng araw

Ngayon ay Sabado at naisipan kong maglakad lakad sa parke

Baket ba sa dinami rami pa ng tao na pwede kong masalubong ay sya pa

"  Oh Nam Joon's bestfriend " bati ni Mi Joo

" Wala akong oras para- "

" Malamang sinabi nya na sa iyo ang totoo tama ba ako? Oo, nagpapatulong ako sa kanya. Hinihingi nya ren naman ang tulong ko. Pasensya na kung wala syang oras para sa iyo ha "

" Sa tuwing magkasama kayo, umaalis ako. Di ko namamalayan na bigla bigla syang dumarating, nandyan sa likod ko. Paano mo nasabi na wala syang oras para sa akin?! "

" Alam mo ba kung ano ang pabor na hiningi nya sa akin?? "

Hindi ako nakasagot at umiwas ako ng tingin

" Malamang hinde. Ahahaha, mas may alam pa pala ako kaysa sa 'Best Friend' nya " Onti na lang talaga, punong puno na talaga ako sa kanya.

" Wala na akong paki alam kung ano man iyon. Sapat na sa akin na nalaman kong walang namamagitan sa inyo " at nagpatuloy na ako sa paglalakad

Sa hindi ulit inaasahang pagkakataon, nakasalubong ko rin yung lalakeng naka headphone

" Hi " bati ko

" Oh? Ikaw pala " tapos ngumiti nanaman sya

" Ahhh. Wag ka sanang magagalit kase ' Lalakeng naka Headphone ang tawag ko sa iyo kase- "

" Min Yoon Gi " from out of nowhere sinabi nya yun

" Huh? " yun na lang ang naging reaksyon ko

" Min Yoo Gi ang pangalan ko "

" Ako naman si-"

" HUWAG!! " pagpigil nya

" Ba-baket? "

" Huwag mong sabihin ang pangalan mo. Balang araw magiging sikat na Idol ako at makikilala nila " tapos tumingin sya bigla sa akin " Magiging Idol ka ren, tsaka kita makilala "

Nagtataka naman ako dahil kung gugustuhin nya pwede naman nya malaman ang pangalan ko. Maraming paraan. Pwedeng marinig nya sa iba ganun, baket-

" Baket, wala ka bang masabi? " natatawa na sabi nya " Ayaw mo bang maniwala na magiging sikat ako? "

" Hindi naman sa ganun. Ang akin lang, hindi ko pinangarap maging sikat "

" Hindi ako nananiniwala sa iyo. Sinasabi mo lang yan ngayon "

" Hindi naman talaga mangyayari yun dahil aalis na ako "

" Hah?? Lilipat ka ng school? "

" Kung school lang sana, ayos lang " unti unti akong napapayuko

" Pupunta ka ng ibang... bansa? "

" Oo " mahina kong sabi

" Alam na ba ito ni Nam Joon? "

Napabuntong hininga na lang ako.

🎉🎉🎉🎉🎉

YEHET sa classmate ko na Best Friend ko na ngayon. Sya kase nag inspire saken mag sulat ulet. Hakhak

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon