Chapter 16: They Meet Again

20 3 0
                                    

< Kim NamJoon POV >

Para akong batang nakikinig sa isang FairTale ngayon

Masaya akong nakikinig at intersadong interasado sa kuwento

Ngayon ay naiintindihan ko na rin sa wakas kung bakit umalis sya noon. Nakakatuwang marinig na hindi nya pala rin pala ako kinalimutan. Bagkos ay naging insiprasyon nya rin ako nung naroon sya L.A.

Lagi nya raw inaalala ang mga masasayang araw na magkasama kami. Lagi nya rin akong kinukuwento sa mga naging kaibigan nya roon.

Sinabi rin ng Mama nya na, naroon talaga sya sa araw ng aming Showcase noon upang masaksihan ang naabot kong pangarap nya para sa akin.

Wala akong ibang maramdaman kundi saya. Sobrang luwag at magaan ang pakiramdam ko ngayon.

" Gusto mo ba syang makita ulet? " biglang tanong ni Mrs. Seo sa akin na nagpabaramdam sa akin ng bilis ng tibok ng puso

" Po-po? "

Ngumiti si Mrs. Seo at nataranta ako ng bigla syang nahimatay sa harap ko

// Sa Ospital //

" NASAN SI MAMA!! " bigla akong nabuhayan ng dugo ng marinig ko ang pamilyar na boses ng nagsalita

" Nasan na si- " napatigil sya ng makapasok sya sa kuwarto kung nasan ang Mama nya

Lumingon sya sa akin at nanlaki ang mga mata nya. Pakiramdam ko ay naging yelo ako sa kinauupuan ko

" Anong ginagawa mo rito? " tanong nya at agad na iniwas ang tingin nya

Tiningnan ko lang sya. Talagang si JiSoo nga sya.

" Anong nangyari kay Mama? " at binalik ang tingin nya sa akin

" Nahimatay kase sya bigla " ngayon ay nakatingin kami sa isa't isa

" Baket ka narito? Baket ikaw ang kasama nya? "

" Dinala ko sya rito. Nasa...... bahay nyo kase ako nun "

" Anong pinunta mo roon? "

" Hindi 'ano' ang pinunta ko roon, hindi bagay. Nalaman ko kaseng bumalik ka na..... "

Muli ay iniwas nanaman nya ang tingin nya sa akin

Saktong pumasok na rin ang doktor at kinausap sya tungkol sa nangyari sa Mama nya. Narito lang ako at nakikinig.

" Nahimatay ang Mama mo, at masaya akong sabihin sa inyo na ayos lang sya dahil agad rin syang naitakbo rito " lumingon si JiSoo sa akin at binalik sa doktor

" Ano po bang dahilan kung bakit sya nahimatay? "

" Mahina ang puso nya para maka-ramdam ngatinding emosyon "

" Emosyon? Ano pong ibig nyong sabihin? "

" Marahil ay nakaramdam sya ng matinding lungkot o saya "

Umalis na ang doktor at halata sa mukha nyang naguguluhan sya sa mga sinabi ng nito

" Maam, maari ko po bang itanong sa inyo kung anong relasyon nyo sa nag-dala sa pasyente? " tanong ng nurse matapos i-check si Mrs. Seo

Tumingin sa akin si Ji Soo at nilipat sa Nurse

" Ba-baket mo natanong? "

" Pwede po ba akong kumuha ng litrato kasama sya? "

Naku, kilala ata ako ng Nurse ah!

" Huh? " nagtatakang tanong nya

" Diba po sya si RapMonster?! "  nagbago ang timpla ng mukha nya at  napangiti naman ako

" Baket saken ka nagpapaalam- "

" Oo, sige pwede~ " sabat ko

" KKYYAAAHHH!! NAKU, thank you po! " agad na nilabas ng Nurse ang phone. Tumayo ako at lumapit sya at kumuha ng litrato naming dalawa

Pagkatapos ay lumabas na itong may ngiti sa labi nya

" Siguro ang saya mo noh? " tanong nya na may mataray na boses

" Huh? " matipid kong sagot

" Tss. Idol ka na kaya mabilis nyo nang mapalapit ang mga babae sa inyo! "

" Wala akong sinabing lumapit sya ah! Di ko naman alam na makilala nya ako "

" Kaya nga. Kasi sikat ka, kahit di ka na magsalita "

" May, masama ba sa pagpapakuha ng litrato? " tanong ko na may pang asar na tono

" Wala! "

" Nagagalit ka ba? "

" Hindi! "

" Nagseselos ka ba?! " pasensya na

" A-ano? Baket naman ako magseselos noh??!! " halatang naiirita na sya

" Kase ako nagseselos ako " nagbago nanaman ang timpla ng mukha nya at agad na tiningnan ako sa mata

" Ano? "

" Nagseselos ako kase ngayon lang nalaman na nakabalik ka na. Nagseselos ako kase ngayon lang ulit kita nakita. Nagseselos ako kina Suga at Jimin kase naka-usap ka na nila dalawang taon na ang nakakalipas " nagtitinginan lang ulit kami sa isa't isa " Baket ka naging Trainee? Akala ko ba ayaw mong maging Idol? "

" Aalis na ako " iniwas nanaman nya ang tingin nya

" Sagutin mo ang tanong ko- "

" Inaantay ako ng manager ko sa labas. Sabi ko saglit lang ako, si Mama naman talaga ang pinunta ko rito. Salamat sa pagdala sa kanya rito ah " at agad na nga syang umalis

Sakto rin na nagkamalay na si Mrs. Seo

" Kamusta po ang pakiramdam nyo"

" Maayos na ako. Ikaw? Kamusta ang pakiramdam mo? " nagtaka ako sa tinanong ni Mrs. Seo

" Po? "

" Ayos ka na ba na nakita at nakausap mo na ulit sya? "

" Sinadya nyo po ba ito Mrs. Seo? " natatawa kong tanong

Masayang ngiti lang ang binigay ni Mrs. Seo sa akin




||___||___||___||___||___||___||___||___||___

Oi, may ishe-share si Dora sa inyo.

Did you know that, na ang story na ito ay dalawang beses kong binago. Nasa notebook kase ito nakasulat. Dalawang notebook sya. Yung una, hanggang 12 parts lang pero bawat chapter maikli at lame ang scenes at convos. Kaya inulit ko sya, bali sa pangalawang notebook naging 20 chapters na sya kase pinahaba at inayos ko ang conversations ng bawat scenes. Ang gusto ko talagang sabihin is, itong mga scenes sa bawat chapters ay binago ko nanaman ang takbo ng storya. Oo, may mga binago nanaman akong scenes at convos. May iniba akong takbo ng usapan at may binawas ren.

Syempre mahal ko kayo kaya gusto ko syang mapaganda. Hindi sa sinasabi kong pangit yung mga naunang versions na nakasulat sa notebook, inayos ko talaga sya. Ginagawa ko ang makakaya ko na sana di ito maging boring at hindi maging OA. Ayun lang.

Ang drama ko ba?! 😂😂 Oo, alam ko na yan. Sa spazzing kilala ako sa pagiging madrama ko. Ahak. Ge bye na.

Ps. Kinikilig pala ako nung tinatype ko na yung scene na nagkita na sila sa Ospital!! Ayyyiiee~

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon