< Seo Ji Soo POV >
" Ano bang sasabihin mo? " bakas kay Nam Joon na kinakabahan sya
" Eto na ang huling beses na maguusap tayo " ngumiti sya kaya nag taka ako
" Tss. Ewan ko sa iyo Ji Soo "
" Seryoso ako Nam Joon, pupunta na akong L.A " binigyan nya lang ako ng seryosong tingin
" Baket ka aalis? Baket ngayon mo lang sinabi sa akin " sabi nya na parang gusto nyang magwala
" Na-natatakot kase ako. At kung sabihin ko man sa iyo wala na tayong magagawa " binigyan ko sya ng pilit na ngiti " Maganda ba ako? "
" Hu- huh? " bigla ko kaseng tinanong
" Bagay ba ang suot ko? Maganda ba? " natatawa kong tanong ulet
" O-oo "
Ngumiti ako at niyakap ko sya. Malamang nagulat sya sa ginawa ko, maski rin naman ako
" Hindi mo manlang sinabi sa akin na magaling kang mag composed ng kanta. Huwag mong sayangin ang talent mo ah. Sana pagbalik ko ulet dito, malaman kong sikat ka na"
" Tss. Nangaasar ka ba? " sabi nya pagkatapos kong humiwalay sa yakap
" Hindi "
" Ji Soo~ "
Yan ang huling beses na narinig kong binanggit nya ang pangalan ko dahil ng gabing iyon ako limipad ng eroplano papuntang L.A
Alam ni mama ang hinanda kong plano para kay Nam Joon
Nagulat sya na ang gwapo pala ni Nam Joon. Marunong naman raw pala akong pumili eh. Sabi ni Mama bago ako umalis.
Masaya naman pala dito sa L.A
Mababait naman pala ang mga tao
Dito ko na rin nga pinagpatuloy ang pag aaral ko kaya madali rin akong naka-adjust
Pero araw araw, parang may kulang. Walang Nam Joon na kukulit sa akin bago pumasok, tuwing recess at uwian.
Lagi kong hinihiling na sana ay bumilis na ang takbo ng oras at araw
< After 4 Years >
Nabalitaan kong nagkaroon ng karamdaman si Mama
Tumatanda sya at humihina. Wala syang naging katuwang dahil si Papa ay busy talaga sa trabaho nya
Napagplanuhan ko na umuwi na, para maalagaan si Mama at muli syang makasama
Nasa airport na ako at wala akong inaasahang susundo at sasalubong sa akin. Malamang dahil ay walang may alam na darating ako. Biglaan rin kase.
Habang naglalakad na ako sa kalye papuntang bahay, may lalaking kumausap sa akin
" Hello miss " bati nya. Pero agad akong lumayo ng onti sa kanya
" Ano pong kailangan nyo? "
" Huwag kang matakot. Isa akong talent scout ng Woollim Entertainment. Gusto sana kitang imbitahan sa magaganap na Audition " may binigay syang parang na nakasulat kung saan at kailan iyon " Sana makapunta ka,aasahan kita "
Tinanggap ko ang card dahil mukha naman syang mabait
Tinago ko sa bulsa ko at nagpatuloy na sa paglakad papuntang bahay
Kumatok ako at ng tatlong beses.
Pagbukas ng pinto ay binigyan ko si Mama ng malaking ngiti.
" Hi Ma " bati ko.
Agad akong niyakap ni Mama ng mahigpit at ramdam ko na ang paghina ng kanyang katawan.
Hindi nya ininda ang sakit at tuwa ang nakikita ko sa mga mata nya.
" Kamusta ka na anak ko " agad kong pinunasan ang luha sa mga mata nya.
" Eto po. Maayos pa den at lalong gumanda " agad ring napangiti si Mama
" Syempre kanino ka ba magmamana anak? " sabay kaming tumawa
Pumasok na kami sa loob at pinagpatuloy ang kwentohan
" Baket di ka naman nagsabi na uuwi ka,edi sana nasundo kita " sabi ni mama habang tinutulangan ako sa mga gamit ko
" Ma hindi na kailangan. Andito na po ako oh "
" Anak namiss kita ng sobra "
" Ako rin po " sabay ngiti " Ay Ma! Alam nyo po ba na may talent scout kanina na kumausap sa akin"
" Anong sabi? "
" Kung gusto raw bang mag audition "
" Anong sabi no? Gusto mo ba? "
" Wala po. Ayoko nga po "
" Hay nako anak. Ewan ko ba sa iyo. Buhay mo naman yan "
" Ahihihi. Ma. Pagkatapos po nating mag ayos ng mga gamit ko, mamasyal lang po ako "
BINABASA MO ANG
Like A Star
ФанфикLike A Star (Ft. Rap Monster of BTS and Ji Soo of Lovelyz) Nais ko munang sabihin na "HI" sa mga ARMY at fans ng Lovelyz dyan.... Hindi ako magling sa shipping pero sana magustohan nyu parin ang gawa ko... At dedicated ko tosa kapatid kong lalaki na...