Chapter 15

6 3 0
                                    

Ay, alam nyo ba ang pogi ni Rap Mon.

[ Makalipas ang dalawang taon ]

< Kim Nam Joon POV >

Nandito na kami ngayon sa Backstage, nagpapahinga na sa kakatapos lang na Special Stage namin

Nilingon ko ang member ko na si Suga. Alam nyo ba na sa tuwing makikita ko sya ay hawak nya ang cellphone nya.

At ngayon, ano pa nga ba kundi hawak nanaman nya iyon. Sa sobrang pagtataka ko, nilapitan ko sya.

" Suga, napapansin ko netong nagdadaang araw ay lagi mo na lang hawak yang phone mo ah! "

" Aaahhhh. May made-debut kase na bagong girl group galing Woolliment. Binabantayan ko kase baka may update sa mga magiging members nun " cool na boses nya akong sinagot

Bigla akong napa-isip. Napaka cool nya talaga tignan, di ko akalaing may malambot na side pala itong si Suga at nagkakainterest sa mga girl group. May dugong Fanboy na dumadaloy at nananalaytay sa  dugo nya.

" Ikaw ah. Fanboy ka pala " napangiti ako sa nasabi ko,  samantalang sya seryoso pa din.

" Wala akong kinahuhumalingan  May inaantay kase akong tao. Magiging Fanboy lang ako kapag nalaman kong magiging Idol rin sya "

Dahil sa sinabi nya ay may naalala akong tao.

Kamusta na kaya sya ngayon. Ano na kaya ang buhay nya? Alam nya na kaya na Idol na rin ako?

Argh. Tanging pumasok sa isip ko na malalaman ko ang mga sagot sa mga tanong ko kapag maging Idol rin sya.

Pero imposible yun. Ayaw nya kaya sa mga ganito.

Natapos ang araw na iyon at muli, kakatapos nanaman ng Special Stage namin. Eto, nagpapahinga nanaman sa backstage.

Muli ko nanamang napansin si Suga na hawak ang phone nya

" Hyung! " nagulat ako sa taong nagsalita, si Jungkook pala.

" Oh baket ba? " may pinakita sya sa aking litrato

" Diba po, si Noona yan?! "

Para akong binuhusan ng yelo at ginigising ako nito sa katotohanan kung totoo ba ang nakikita ko.

Hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. Pilit ko pang binabalik ang utak ko sa tamang takbo nito.

Bigla na lang akong tumakbo palabas ng Studio. Nagulat ang ilang mga staff at tinangka akong pigilan, wala akong paki kahit may susunod pa pala kaming performance.

Tumakbo lang ako ng tumakbo papunta sa bahay nila. Nang marating ko ang tapat ng bahay nila ay may mga tanong na naglalaro sa isipan ko.

Kailan pa sya naka-balik rito?!

Alam nya ba kung nasan na ako ngayon? Alam na ba nya na tinupad ko ang gusto nya para sa akin?!

/ Flash Back /

" HOY! TINATAWAG KO KAYO DIBA!! "

" Baket Hyung? May kailangan ka ba? " tanong ni Jimin ng makalapit ako sa kanila

" Wa-wala naman. Sino ba yung kausap niyo? "

" Si Ji- "

" Wala lang den yun hyung. Fan lang " di natuloy ang sasabihin ni Suga sa biglaan ring pagsagot ni Jimin

" Ano ba kayo? Bawal tayong makipag usap sa mga Fans. Blahh blahh blahh blahh ~  " napapailing na lang si Suga


" Oo na hyung. Sinundan ko lang naman kase si Suga hyung eh " nakayukong paglilinaw  ni Jimin

" Oh sya, tara na at magbihis na. Magpapahinga pa tayo. Simula na ng buhay K-artist natin " tumango naman ang dalawa

Sa loob loob ko, habang nagaganap kanina ang Showcase. Nahagip ng paningin ko ang mukha ng isang pamilyar na babae.

Hindi ako naniwalang siya iyon.

Binaling ko  ang sarili sa Showcase at hindi na lang inisip iyon.

Ngunit may nagsasabi sa akin na siya talaga iyon. Nang makita ko  sina Suga at Jimin na may kausap na babae, bumilis ang tibok ng puso ko sa inaakala kong  siya na nga iyon.

Ngunit bigla itong umalis na sya ring aking pagkakataon para lapitan ang dalawa at tanungin tungkol doon. Bago ako makalapit ay pinagmasdan kong mabuti ang nakatalikod na babae. Talagang malakas ang pakiramdam kong  pamilyar ang babae

/ End Of FlashBack /





SABI KO NA NGA BA!!

Sobrang lakas ng pakiramdam ko na si JiSoo yun, at hindi nga ako nagkamali dahil sigurado akong sya yun!

Di na ako mapakali at agad na kamatok

Bumukas ang pinto at sumalubong ang Mama nya. Halatang nagulat siya sa bigla kong pagpunta rito

" Na-namJoon!? Anong ginagawa mo rito anak? "

" Kamusta po " ngumiti ako " May gusto lang po sana akong malaman, tungkol po kay JiSoo "

" Alam mo na pala, tara sa loob at sasagutin ko lahat ng gusto mong malaman "

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon