Chapter 10 : Telling

17 3 2
                                    

< Seo Ji Soo POV >

" Mas kilala mo pa ako kesa sa sarili kong best friend "  binigyan ko sya ng pilit na ngiti

" Hindi ko alam ang pangalan mo " biro nya

" Nagpapatawa ka diba? "

" Hahahaha " tumawa sya, ngayon ko lang napansin na sobrang liwanag ng katauhan nya ang gilagid nya

///😂😂😂 Joke lang yun ni Dora. Suga's gums is brighter than your future. Sorna ///

" Pansin ko lang, lagi ka na lang naka headphone. Mahal na mahal mo talaga ang music ah " sabi ko

" Sabihin na rin nating oo. Baket? Di ba bagay saken? "

" Ang cool mo kaseng tignan "

Kasama ko sya buong araw. Hindi pa nga sya makapaniwala na ako pa itong nagyaya na makasama sya.

Kahit alam kong alam nya na may gusto ako kay Nam Joon, ang mahalaga pa nga raw ay pinapansin ko sya at kinakausap. Madalang na lang kase ang mga taong ganun ayon sa kanya.

( Isang Linggo bago ang araw ng pag alis ni Ji Soo)

" Kailan mo ako ipapakilala sa Mama mo Ji Soo? " tanong ni Nam Joon habang naglalakad kami

" Sa Friday. Last day ng semester para di ka busy "

" May pinapamukha ka ba sa akin? " nag pout sya

" Wala. Nakakahiya kase sa napaka sipag, napaka talino kong kaibigan eh "

" Kaibigan lang?? " ngumiti ako

" Oo na, matalik na kaibigan. Masaya ka na?? "

" May concert party ang ' The Beat Band'. Nanalo ako ng dalawang ticket, samahan mo ako!! "

" Ayoko sa party "

Papunta kaming library ngayon

" Nam Joon, ako na lang ang papasok. Dito ka lang sa labas "

" Baket!!?? "

" Maingay ka eh. Bawal ang tulad mo sa loob "

" Ganun??!! "

" Wag ka na magalit dyan kase totoo naman. At babalik rin ako "

" Bilisan mo ah "

" Opo "

Pumasok na ako, at habang naghahanap ako ng libro nakabangga ako ng tao.

Yung lalakeng.... Alam nyo na

" Oh. Andito ka rin? Sinusundan mo ba ako? " sabi nya

" Hoy magtigil ka nga. Baka ikaw yun noh " biro ko

" Nakikita mo ba ito? " may hawak syang ticket na katulad kay Nam Joon

" Anong gagawin mo dyan? "

" Wala. Ayoko ngang pumunta. Kaya iiipit ko na lang toh dito sa libro "

" Baket ayaw mo? "

" Mas pipiliin ko pang matulog. Baket ikaw? Hindi ka pupunta? "

" Wala akong ticket noh "

" Huh? Libre kaya yan. Pinamigay yan kanina sa gate kaya imposibleng di ka mabigyan "

" Eh sa wala- " bigla akong may naisip na plano " Gusto ko pumunta, kaso wala nga ako natanggap eh " plastic akong ngumiti

" Eto. Sa iyo na lang " kinuha ko naman iyon

" Salamat ahhhh "

" Walang ano man "

" Una na ako ha?! "

Binilisan ko na. Kinuha ko agad yung librong hinahanap ko at inipit doon sa libro ang ticket at lumabas na

" Baket ang tagal mo??!! " pagmamaktol ni Nam Joon

" Sorry na. Anlamig kase ng aircon eh. Masarap sa loob ang lamig "

" Anlasa? Masarap? Di naman kinakain ang hangin ah "

" Ewan ko sa iyo tara na bilis"

Naiisip nyo rin ba ang plano ko?

( Friday )

" Nam Joon, mahahanap mo ba ako pag nagtago ako? " panimula ko

" Ha? Hanapin saan? Maglalaro tayo? "

" Ewan ko sayo "

" Anong oras ba pupunta sa inyo? "

" 7 pm "

" Okey. Baket hindi pa ngayon? "

" Magaayos pa kami. Tutulungan ko si Mama kaya mauna na ako ha. Bye!! " agad akong tumakbo at iniwan sya

( 7 pm )

Nandito ako sa party

Maraming tao at patay sindi ang mga ilaw

Maingay

Alam ko, hindi talaga ako mahilig sa party pero kailangan kong gawin ito

Ito ang plano ko

Nag ayos ako para kay Nam Joon. Ito na rin ang tamang oras para sabihin ko na aalis ako

( Sa kabilang banda ) /Third Person POV/

" Ikaw siguro si Nam Joon? " ngumiti ang Mama ni Ji Soo kay Nam Joon. Samantalang sya naguguluhan pa

" Ano pong ibig nyong sabihin na nandoon sya sa school? "

" Puntahan mo na sya. Mas magandang sya ang magsabi ng lahat sa iyo " sabi ng Mama ni Ji soo na punong puno ng tiwala kay Nam Joon

< Seo Ji Soo POV >

Nag aalala na ako kay Nam Joon. Pupunta kaya sya dito?

Mahahanap nya kaya ako?

Pero tulad ng inaasahan ko, nakarating sya at nakatayo sya sa harap ko

" SEO JI SOO??!! ANO BANG GINAGAWA MO?? AKALA KO BA HINDI KA MAHILIG SA - " hindi ko na sya papatapusin pa. Didiretso na ako sa plano ko

" Kim Nam Joon, may importante akong gustong sabihin sa iyo..... "


⬇⬇⬇⬇

Nagbigay ng suggestion si Frendship.  Gumawa raw ako ng isa pang One Shot story

I was planning na  SEVENTEEN One Shot- I mean The8 One Shot / kaway kaway. Akin lang ang asawa ko de joke /

Since naadik ako magbasa ng one shot den. Hi sa mga author ng mga The8 stories na binabasa ko pala. Haha sorry mahilig talaga ako mangflood

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon