Epilogue

4 2 0
                                    

<\ Seo Ji Soo's POV />

Ilang araw ang lumipas at na-debut na ang Lovelyz kahit wala ako. Part pa rin ako ng grupo, tuloy pa rin kase ang kaso sa issue ko, tinutulungan pa nga ako ng kompanya.

Nagpapasalamat nga ako dahil may mga taong naniniwala na babalik ako at tinutulungan akong maipanalo ang kaso.

Tungkol sa amin ni Namjoon? Pasaway pa rin sya dahil palihim nya akong dinadalaw. Alam nyo ba yung pangako nya sa akin, tinotoo nga nya yun! Nitong March 2015 lang ay naglabas sya ng First Mix Tape nya. Iyon raw ang mga kantang sinulat nya para mapaghiganti ako at para na rin sa mga haters nya.

Si Suga? Natutuwa pa rin syang makita ako. Kahit yun lang raw, ang makita ako ay sapat na sa kanya.

Lalo na ng malaman nya nagbalik na ako sa Lovelyz, ilang buwan rin yun. Natupad ko rin naman pala ang gustong mangyari ni Suga para sa akin eh. Tsaka, malapit na malapit na rin ako kay Namjoon.

Palihim ang relasyon namin ni Namjoon at walang fans na nakakaalam.

Kaya kung binasa mo ang storyang ito mula sa simula, napaka-suwerte mo kase ikaw pa lang ang fan na naka-alam nito.

Ayos lang ba kung may hihilingin ako sa iyo?

Tulungan mo naman kaming itago ito. Oo, huwag kang maingay sa iba ha? Secret lang natin ito ah!

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon