Chapter 18 : Admit

2 2 0
                                    

<\ Kim Nam Joon's POV />

Habang nasa daan ako, iniisip ko lang ang nangyayari. May mga nagpakalat ng litrato ni Jisoo at mga paninira pa tungkol kanya ang nagaganap ngayon.

Pagdating ko sa street nila, tanaw na malayo ang napakaraming Press at Fansites na naka-abang sa labas ng bahay nila

Mabuti at sakto itong sinuot kong damit. Yung dating props na costume sa may dati naming performance.  May suot rin akong mask at shades. Balot na balot ako.

Bago ako tutuloy sa gagawin ko, naisipan kong tawagan muna si Mrs. Seo para makapasok ako

" Na-namjoon? " bungad ni Mrs. Seo

" Nalaman ko po ang balita, maari ko po bang malaman kung anong kalagayan ni Jisoo ngayon? "

" Nandito lang sya sa kwarto nya, nakakulong lang sya roon " naiiyak na sabi

" Pupunta po ako dyaan " sabi ko

" Pa-pano? Ang daming..."

" Alam ko po, nakikita ko nga po "

" Na-nasan ka? "

" Malapit lang po ako "

" Sa.... likod ka na pumunta. Dun kita pagbubuksan "

" Si-sige po "

Hinanap ko ang likod ng bahay nila mula sa kabilang street,  wala ngang tao sa labas.

Marahil ay hindi ito alam ng  mga press o kung sino man

" Pa-pasok ka " dali dali akong hinigit ni Mrs. Seo paloob

" Buti at pinayag kang- "

" Tumakas lang po ako " at agad na ngumiti

" Wala ka na sa katinuang bata ka " nahampas pa tuloy ako sa braso, di naman malakas.

Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto nya

Kumatok ako ng tatlong beses

" Seo Ji Soo!! Buksan mo itong pinto!! " sigaw ko mula sa labas

Maya pa ay bumukas ang pinto na hindi ko inasahan

Nakita ko ang maamo nyanh mukha ngumit bakas sa mukha nya ang lungkot

" Maari ba akong pumasok? " tinignan nya ako

Umatras sya

Humakbang naman ako

" Ji Soo " bigkas ko

May mga namumuong luha mula sa gilid ng kanyang mga mata

" Di ka pa nga nade-debut may issue ka na agad. Tsk tsk " umiling iling pa ako

" Ayoko na nga eh. Hindi ko na gustong maging Idol " yumuko sya at humikbi

" Eh bakit ka nag-audition at naging trainee? "

" Da-dahil.... kase sa iyo "

Hindi ko alam at napangiti na pala ako

" Ka-kasalanan ko pa? "

" Oo, kasalanan mo " tinaliman nya ang tingin nya sa akin

" Akala ko ba, ayaw mong maging Idol? "

" Sinundan lang naman kase kita "

Ngayon ay parehas kaming nakatitig sa mata ng isa't isa

" A-ano? "

" Naisip ko kase na Idol ka na at malabo na kita nung maabot " nakikinig lang ako " Sinubukan ko lang naman para kahit papano alam mong nagbalik na ako at para....  onti na lang ang agwat ko sayo " umiwas sya ng tingin

" Dahil pala talaga sa akin, akala ko... dahil hiling sa iyo  ni Suga eh " binigyan ko sya ng pang-asar na ngiti

" Argh! Sinabi ko na nga na dahil sa iyo diba?! "

" Oo na oo na. Kamusta ka na ba ngayon? "

" Maayos na ako kahit papaano, kase.... nandito ka "

Nilapitan ko sya at niyakap. Marahil ay nagulat sya sa ginawa ko

" A-anong ginagawa mo?! " sabi nya sa pagitan ng yakap ko sa kanya

" May aaminin ako sa iyo "

" Ano yun? "

Ramdam ko ang hinga nya

" Dahil rin sa iyo... kaya ako pumayak na makipag-sundo nun kay MiJoo "

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon