< Seo Ji Soo POV >
Pagkatapos naming mag ayos ni mama ay nagbalak na akong mamasyal sa MyeongDong
Ang dami paring mga tao rito
Pumunta ako sa dating paborito ko na coffee shop dito
Para makapag telax
Ang nakakainis lang
Maingay rin pala rito
Tatlong mga babaeng teenager ang nasa katabi kong table na malakas na nag uusap
" HALA!! MAMAYA NA NGA PALA DEBUT NG BANGTAN!! " pagwawala ng unang babae
" Oo nga eh. AY GUSTO KO ROON SI JUNGKOOK!! " sabat ng pangalawang babae
" Ako feeling ko magiging bias ko yung Rap Monster?! " kalmadong sali ng pangatlong babae
" Ay alam nyo ba!? Dating underground rapper yun?! Omaygatt Idol na sya!! " di mapakali sa upuan yung unang babae
" Wala akong pake-alam noh. Basta ang gwapo nung Jungkook! Akin lang sya~ "
" Grabe excited na ako mamaya. Gusto ko ren makita na silang lahat!! "
" Ay naku. Bias ko na nga pala doon si Jimin!! "
Pagkatapos ay nagngingisian sila na parang ewan. Kinikilg na parang mga bulateng inasinan
Pero natatawa ako sa kanila
Parang ewan yung pangalan ng isa sa mga nabanggit nila
'Rap Monster' ba yun??
Grabe ang daming alam na kaartehan sa pangalan.
Paglabas ko roon sa coffee shop, napadaan ako sa isang department store
Ang gaganda ng mga damit. Hirap pumili. Naglibot libot ako rito hanggang sa may nakatabi ako na pamilyar ang mukha kahit naka cap at mask
Siguro naramdaman nyang tinitigan ko sya kaya napalingon sya sa akin
" Hi " nagtaka ako at bigla syang nagsalita. Umatras ako at binigyan siya ng 'Do I Know You?' na look.
Tinanggal nya ang mask at ngumiti
Nanlaki naman yung mata ko kase kilala ko nga sya.
Naalala nyo ba yung lalakeng naka headphones?
Si Min Yoon Gi
Eto sya. Kaharap ko
" Naalala mo pa ba ako? " sabay turo nya sa sarili nya
" O-oo?! Lalakeng naka-headphone!! " nahihiya kong sabi
" Suga na ang itawag mo saken " pabulong at mahina nyang sabi
" Huh? Baket naman? Ang cute kaya ng Yoon Gi- "
" Sssshhhhh!!! " pagpigil nya
" Ano bang meron? " lumingon lingon sya sa paligid
" Madedebut na kami mamaya! "
" ANO?? MAGIGING IDOL KA NA??!! " wala eh. Kase nabigla lang ako.
" Psstt Oiii ano ba! Wag ka nga maingay! "
" Pasensya na. Di lang ako makapaniwala. Ahehehe~ "
" Bangtan nga pala ang pangalan ng group namin " paliwanag nya
BINABASA MO ANG
Like A Star
FanfictionLike A Star (Ft. Rap Monster of BTS and Ji Soo of Lovelyz) Nais ko munang sabihin na "HI" sa mga ARMY at fans ng Lovelyz dyan.... Hindi ako magling sa shipping pero sana magustohan nyu parin ang gawa ko... At dedicated ko tosa kapatid kong lalaki na...