Chapter 14

5 3 0
                                    

Ay! Si Jungkook pala yung nasa mm? 😂😂






< Seo Ji Soo's POV >

Umalis na nga yung si Jungkook

Hindi naman talaga ako naiinis o kung ano man, basta ang nararamdaman ko ngayon ay saya.

Masaya ako dahil sa nalaman ko

Nalaman kong tinupad nya ang binilin ko sa kanya bago ako umalis.

Idol na sya ngayon.

Pero may isa pang sumagi sa isip ko, naalala ko, kung BTS rin si Suga at BTS rin si NamJoon, ibig sabihin magkagrupo sila!

Oo nga,mag kagrupo sila! Tanong ko rin sa sarili ko kung close na ba sila ngayon?

< Makalipas ang tatlong araw >

Eto na ang araw na papasok na ako bilang trainee. Naka handa na ang mga gamit ko, maging ang sarili ko. Inaantay na lang namin ni Mama ang tawag kung anong oras ako susunduin.

Nanunuod muna ako ng T.V habang si Mama ay naghahanda ng makakain para sa tanghalian.

M countdown, at naroon ang Bangtan. Oo, andun si Suga, si Namjoon. Pineperform ng debut song nila na No More Dream ang title. Sigurado akong papatok sa mga kabataan ang ibig sabihin ng kanta nila.

Hindi ko namalayan na napapangiti ako kaya bigla kong pinatay ang T.V.

" Anak baket mo naman pinatay? " sabi ni Mama. Nakasilip sya mula sa kusina

" Wa-wala po. Ang panget ng palabas " sige kaya mo yan JiSoo.

" Nanonood ako " tapos ngumiti si Mama ng nakakaloko

" Kailan pa po kayo nanonood ng mga Kpop performances? " ngumiti rin ako ng nakakaloko kay Mama

" Ngayon lang. Naroon kase si NamJoon oh! " ngumuso nguso pa si Mama. Napapailing na lang ako

Hindi na ako makapagsalita sa sinabi ni Mama. Baket alam nya? Nakilala nya rin si NamJoon?

" Oh baket anak? Tama ba ako? "

Binuksan ko na lang ang T.V ulet at naabutan namin na pang top 5 ang kanta nila.

Namangha ako kase, rookie palang sila at ang laki agad ng inakyat ng kanta nila

" Woah! Ang galing nila " kahit di ko na tignan si Mama, halata talagang napaka-saya nya

Mas lalong lumaki ang ngiti ko

" Siguro naman, kahit lumayo ka, may nararamdaman ka pa rin para sa kanya diba? " napalingon ako kay Mama

" Ma, kahit meron man, sobrang layo na namin sa isa't isa. Idol na sya "

" Anak, mali ka. Magiging idol ka na rin naman diba? "

Sabay na nagring ang phone ko. Tawag mula sa talent scout ng Woolliment.

Nginitian lang ako ni Mama, at muling pinagpatuloy ang pagluluto.

Sinagot ko ang tawag at nakinig sa mga instructions sa akin. Ang tumawag sa akin ang aming magiging manager. Mabait naman sya kaya palagay ko ay magiging panatag ako sa kanya agad.

Pagbaba ko ng tawag ay huminga na ako ng malalim. Hinawakan ko ang dibdib ko at sobrang bilis ng tibok nito. Iba na ang pakiramdam ko.

Nagayos na ako ng mga gamit ko at umupo sa sofa habang hinihintay na sunduin ng aming manager.

Nagulat kami ni Mama ng umuwi si Papa sa bahay.

" Oh? Pa? "  sabi ni Mama na halata talagang hindi inaasahan ang pagdating nya

" Tama ba ang nabalitaan ko? Ang anak ko ay naka-pasa sa Audition sa Woolliment? " tanong sa aming dalawa ni Mama

" O-opo " ngumiti sya ng malaki at lumapit sa akin

" Ipinagmamalaki kita anak " sabay yakap sa akin

Hindi ko alam pero parang natuwa ako sa pagyakap nya sa akin. Iba ang pakiramdam, ramdam kong sobrang saya nya para sa akin. Ngayon nya lang ako niyakap ng ganito. Ngayon ko lang naramdaman na may tatay pala akong nagtitiwala sa akin.

Sa galak ko ay niyakap ko na rin si Papa. Buong buhay ko ay hindi ko sya naturing na ama dahil hindi ko rin maramdaman na anak ang turing nya sa akin

Napakasaya ko ngayon.

Pakiramdam ko ay magiging maganda ang kapalaran ko bilang trainee

Nang dumating na ang sundo ko, ay nag paalam na ako sa mga magulang ko. Isa sila sa magiging inspirasyon ko at huhugutan ko ng lakas sa loob ng building na iyon.

" Nandito na tayo! " sabi ng manager at binuksan ang pinto bilang gabay sa paglabas ko ng van

Pagbaba ko ay tinitigan ko ang building

Huminga ng malalim at naglakad na papasok

Habang ako'y lumalakad ay may tanong na tumakbo sa utak ko

Sa oras ng pagdating ng debut ko, maaabutan ko pa kaya sya?

||___||___||___||___||___||___||___||___||___

Annyeong!

Antagal na nga nag-update ang lame pa noh? Tapos ang ikli pa?  Ahak.

Pero may update pa na next chapter. Kala nyo ha. Kahit busy si Dora,nagsusulat pa den, sa draft nga lang nakasave. Para sunod sunod update ganun.

Nakakaloka na ang mag-aral kase.

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon