2 (Gabriel)

915 186 107
                                    


Kahit isang araw na ang lumipas ay nararamdaman pa rin niya ang pananakit ng pagkalalaki niya. Kung hindi lang babae 'yon ay ipapa-salvage niya na 'yon.

Who am I kidding?

Hindi siya ang tipo ng tao na nakikisali sa gulo. At mas lalong hindi niya ugaling magsimula ng away. Baka bigwasan pa siya ng kapatid niya kapag ginawa niya iyon.

Napatingin siya kay Gabriella nang makitang paalis na ito. Naka-uniform ito at handa nang pumasok sa university sa San Martin.

Gusto sana nitong pumasok sa Pamantasan na pinapasukan ni Chance, pero kahit si Chance ay hindi pumayag. Mas maganda naman kasi talaga na mag-aral ito sa isang magandang university, lalo na at may pambayad naman sila. Katakot-takot na diskusyon at bangayan ang nangyari para lang mapapayag si Gabriella. Buti na lang talaga at kampi rin sa kanila si Chance sa usaping iyon.

"Saan ang punta mo? Papasok ka ba talaga o rarampa?" sita niya rito nang makita ito.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Naka-uniform ako 'di ba? Saan sa tingin mo ako pupunta?" sagot nito.

"Uniform ba 'yan? Akala ko underwear mo. Ang ikli na naman ng skirt mo. Tapos masyadong fitted 'yang blouse mo. Hoy babae, may inaakit ka ba sa university ha?" sabi niya rito.

"Ano ba'ng mali sa suot ko? Maganda naman ako ah!" reklamo nito. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at pinicturan si Gabriella.

"Sige. Ipapakita ko 'to kay Chance. Tanungin natin kung maganda ka nga sa suot mo," sabi niya rito.

Nanlilisik ang mga mata na nakatingin ito sa kaniya. "Delete it," pagbabanta nito.

"Oh, bakit? Gusto mo 'yang itsura mo 'di ba? Dapat proud ka sa sarili mo," pang-iinis niya rito.

"I-delete mo!" sabi ulit nito.

"No. Worried din 'yon sa'yo si Chance. Lalo na't lapitin ka rin ng gulo," sabi niya rito.

Noong nakaraang buwan kasi ay nagsuntukan ang dalawang kaklase ni Gabriella dahil nag-aagawan dito. Nagkapikunan, kaya 'yon, nagbasagan ng mukha. At walang pakialam ang kapatid niya sa mga ito. Noong nakaraang linggo naman ay may isang engineering at nursing student na nagtapat dito, ganoon din ang nangyari. Nag-away din ang dalawa. Kaya nag-aalala sila rito.

"I-delete mo na o magsisisi ka?" pagbabanta pa nito.

"Pumasok ka na," sabi niya rito.

Nagulat siya nang biglang inagaw ni Gabriella ang cellphone niya. Sinubukan niya itong kuhanin dito. Nag-aagawan na sila nang hindi sinasadyang maihagis palayo ang cellphone niya.

"My cellphone!" Nagpa-panic na dinampot niya ito. Basag ang screen at hindi niya ito mabuksan.

"Sabi ko sa'yo i-delete mo. 'Yan tuloy!" paninisi rin nito sa kaniya.

"Sira na!" sabi niya rito.

Inikutan lang siya nito ng mata. "Wala kang pasok?" tanong ni Gabriella sa kaniya.

"Hindi ako papasok ngayon. Masakit pa ang kuwan ko," balewalang sagot niya rito.

Nangunot ang noo nito. "Your what?" naguguluhang tanong nito.

"Ulo ko. Masakit ang ulo ko."

"Okay. Uminom ka ng gamot. Just rest," sabi nito.

"Iyong cellphone ko," sabi niya ulit dito.

"Bahala ka riyan! Kasalanan mo 'yan. Alis na 'ko. Bye!" Sabi nito at umalis na.


-----


The Not So Charming Prince (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon