Special Chapter:
"SPG ala Dalisay Edition"
---
"Sa wakas! Nasolo rin kita!" Madramang sigaw ni Gabriel na sinunggaban kaagad siya ng halik.
Ang mga bata ay tulog na rin sa kuwarto ng mga ito.
Kasalukuyan silang nasa isang Beach Resort sa Batangas. Dahil Christmas vacation na ay naisip nilang magbakasyon na lang.
Gusto sana niya sa ibang bansa dahil gusto niyang makakita ulit ng snow, pero ang pamilya niya ay gusto ng beach. Kung tutuusin, madali lang para sa kaniyang kumbinsihin si Gabriel na sa ibang bansa na lang sila, pero siyempre, mas mahalaga pa rin sa kaniya kung saan mag-e-enjoy ang pamilya niya.
Kung yelo lang din naman ang gusto niya, magkakayod na lang siya ng yelo sa ref at ibubudbod sa ulo niya.
Basta ang mahalaga, masaya sila. Lalong-lalo na ang mga anak nila.
Kahit pa kaugali na ni Gabriella ang panganay nilang si Mayumi ay mahal na mahal niya pa rin ito. Kahit pa minsan ay gusto niya nang ibitin patiwarik ang anak.
Masyado kasing na-spoiled ni Gabriel. At nakunsinti naman ng Tita Gabriella nito. Buti na lang at nandiyan ang bestfriend niyang si Chance na likas ang pagiging mabuting ehemplo sa mga bata.
Hinarap niya si Gabriel na panay na ang singhot sa leeg niya.
"Maligo ka na muna. Iaayos ko pa ang mga gamit," sabi niya rito.
Nagprotesta pa ito no'ng una pero nakumbinsi rin niya.
Isa pa, magpapalit din siya ng sexy na damit 'no! Kailangang maakit niya nang sobra ang asawa dahil mahirap na.
Maraming linta at ahas sa mundo.
Mamaya ay makapitan o matuklaw pa si Gabriel. Maputulan pa niya ito nang wala sa oras.
Kaagad niyang kinuha sa bag ang lingerie na iniregalo ni Gabriella sa kaniya. Masama lang ang ugali nito, pero hindi naman madamot.
Kahit pa hindi niya maintindihan kung paanong umabot ng halos limang-libo ang presyo ng lingerie na ibinigay nito gayong wala rin naman yatang matatakpan ang tela nito.
Aba. Gahaman yata masyado sa pera ang nagbebenta no'ng damit na 'yon. Kapiranggot na tela, gano'n kamahal?
Pinakinggan niya saglit si Gabriel. Sumisipol-sipol pa ito habang naliligo.
Napangisi siya.
Tingnan ko lang kung hindi ka maglaway sa akin.
Nagmadali siyang maghubad ng damit at pantalon nang biglang bumukas ang pinto ng C.R.
Lumabas si Gabriel na tuwalya lang sa ibaba ang nakatapis dito.
Napatitig siya sa asawa at pakiramdam niya ay nalaglag ang panty niya.
Kumunot ang noo niya.
Pakiramdam nga niya ay nalaglag ang panty niya... napatingin siya sa baba.
Literal ngang nalaglag ang panty niya.
Napatingin siya kay Gabriel na nanlalaki ang mga mata na napatitig sa kaniya.
Sandali silang nagkatitigan. Bigla ay nag-init ang pisngi niya. Hindi naman dahil sa nahihiya siyang nakitaan ni Gabriel, come on. Dalawa na ang anak nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/77170186-288-k801380.jpg)
BINABASA MO ANG
The Not So Charming Prince (completed)
Romance-COMPLETED- Yes, there's a white horse. Yes, there's an extremely goodlooking guy. Yes, there's an ordinary girl. But he didn't come running to her rescue. Dahil ito mismo ang nagdala ng problema sa kanya... Or so she thought. ----- This is a RomCom...