"Badtrip talaga," bulong niya. Naiinis talaga siya sa nangyari sa shop. Nautakan kasi siya ng baluga na babaeng iyon.
"Ang kapal ng mukha niya!" inis na sambit niya. Paano ba naman ay hiningian pa siya nito ng pang-meryenda.
"Feelingera. Feeling maganda," bulong pa niya. Halos masuka siya nang sabihan niya itong maganda. Pero kailangan niyang lunukin ang pride niya para ayusin nito ang cellphone niya.
"May araw ka rin sa'king pangit ka!" gigil na bulong niya. Gustung-gusto niya nang ipalapa ito sa aso ng kapatid niya na si Glenn. Topakin pa man din ito. Manang-mana sa kapatid niya.
Natigil siya sa pag-iisip sa kampon ng kadiliman nang tawagin ng isa sa mga classmates niya ang pangalan niya.
"Are you okay, man?" tanong ni Lee.
"Yeah. Why?" tanong niya rito.
"You're spacing out, dude. And you are talking to yourself," sabi pa ng isa. Si Mondy. Mga ka-group niya ang mga ito sa research.
"Nah. I'm fine," sagot niya sa mga ito.
"You don't look fine to me. You look like you're ready to murder someone," sabi ulit ni Mondy sa kaniya.
"I'm okay. It's just someone has pissed me off," sagot niya rito.
"Anyway, how's your sister, dude?" tanong naman noong isa pa. Si Jin. Tumingin siya rito. Type kasi nito ang kapatid niya.
"She's in a very happy relationship now. Stop fantasizing about my sister, bro. It's disgusting," sagot niya rito.
"Not my fault. She's hot though," balewalang sabi nito. Nagkatawanan ang mga kasama niya. Tila lalong uminit ang ulo niya.
"Shut your mouth or I'm going to shut it for you," seryosong sabi niya rito. Nagtaas ito ng dalawang kamay.
"Sorry. Chill," sabi pa nito. Hindi na lang niya ito sinagot.
"Okay. Stop messing around. We need to focus on our research now," seryosong sabi na ni Lee. Siguro ay napapansin na rin nito na wala na talaga siya sa mood para makipaglokohan pa sa mga ito. Tumango na lang sila bilang sagot sa sinabi nito.
Habang abala sa ginagawa nila ay bumalik na naman sa babaeng nanuhod sa kaibigan niya ang isip niya. Napailing na lang siya.
Natapos na kaya 'yong cellphone ko?
-----
Dumiretso kaagad siya sa shop pagkatapos nila sa research nila. Nakita niyang busy ito sa pag-aayos ng laptop. Habang nag-aayos ito ay parang may sarili itong mundo. Halatang-halata na seryoso ito sa ginagawa.
Lumapit kaagad siya rito at tumikhim. Napatingin naman kaagad ito sa kaniya.
"Ano na? Naayos mo?" tanong niya kaagad dito. Inikutan lang siya nito ng mata at binuksan ang drawer sa tapat nito at kinuha roon ang cellphone niya.
"Tapos na. Okay na 'yan." Sabi nito at inabot iyon sa kaniya. He checked the phone for assurance. Mahirap na. Mamaya ay niloloko lang pala siya nito.
"Maayos 'yan. Ginagawa ko nang mabuti ang trabaho ko," tila na-offend na sabi nito dahil sa ginagawa niya.
"Gusto ko lang makasiguro," sabi niya rito.
"Fine. 8k ang bayad. Bayaran mo na 'ko nang makaalis ka na. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo," sabi nito sa kaniya. Dinukot niya ang wallet sa bulsa at kumuha ng walong libo. Ibinayad niya kaagad iyon dito.
BINABASA MO ANG
The Not So Charming Prince (completed)
Romance-COMPLETED- Yes, there's a white horse. Yes, there's an extremely goodlooking guy. Yes, there's an ordinary girl. But he didn't come running to her rescue. Dahil ito mismo ang nagdala ng problema sa kanya... Or so she thought. ----- This is a RomCom...