EPILOGUE

599 139 10
                                    



"Nawawala na naman ang anak mo. Nagpunta na naman yun sa tita nya." Sabi ng asawa nya sa kanya. Napangiti sya rito.

"Sige na magpahinga ka na. Ako na ang susundo." Sabi nya rito. Napailing ito.

"Sasama ko. May bibilhin din ako pag-uwi." Sabi nito.

Habang naglalakad ay nadaanan nila si Maria at ang asawa nito. Who would have thought na ang dating adik at basagulero noon, pastor na ngayon?

"Maria!" Sigaw ng asawa nya. Nakangiting lumapit ang mag-asawa sa kanila. Simple lang ang buhay nila Maria. Pero makikita mo ang contentment sa mga ito.

"Isay, Gabriel." Bati nito sa kanila. Naka-alalay rito ang asawa nito.

"Dahan-dahan lang. Baka mapano ka." Pangaral nito kay Maria. Napahawak si Maria sa umbok na nitong tiyan.

"Malapit ka ng manganak. Be extra careful." Sabi nya rito. Ngumiti ang mag-asawa sa kanya.

"Yes Doc." Nakangiting sagot nito.

"Salamat nga pala sa libreng check-up sa hospital, Gabriel." Sabi ni Lorenz. Tinanguan nya ito. Lorenz is a changed man. Isa na itong Pastor sa simbahan nila. May bali-balitang magre-resign na si Pastor Roy at sya ang papalit.

"Wala yon." Sabi nya rito.

"San ba ang punta nyo?" Tanong ni Maria.

"Susunduin namin ang anak naming bulakbol. Nandun na naman sa tita nya. Lagi kaming tinatakasan." Sagot ni Dalisay. Natawa ang mag-asawa.

"Kung bakit ba kasi ayaw pa nilang magka-anak?" Natatawang sabi ni Maria.

"Maniwala ka. Gusto na ni Chance." Sagot ni Dalisay. Napailing na lang sya.

"We need to move. Baka maabutan pa kami ng ulan." Paalam nya sa mga ito. Nagpaalam na rin ang mag-asawa sa kanila. Nang marating ang bahay nila Gabriella ay pumasok na lang sila agad. Narinig agad nila ang tawanan ng mga ito.

"Tinuturuan mo na naman ng kamalditahan ang anak ko." Sabi ng asawa nya sa kapatid nya.

"Mommy!" Tili ng anak nila at nagmamadaling sinalubong ang ina. Agad naman itong niyakap ni Dalisay.

"Hello? Daddy is here too. Remember me anak? Tatay mo ko." Sabi nya rito. Inikutan sya ng mata ni Gabriella. Natawa ang anak nya at niyakap din sya.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong nito sa kanila. Marahil ay kanina pa nandito ang anak nila.

"Dahil wala pa kami kanina?" Pilosopong sagot ng asawa nya.

"Negra, wag mo kong simulan." Sabi ni Gabriella rito.

"Hoy maldita ka, gumagamit na ko ng glutitanium." Sagot nito.

"It's glutathione mom." Sagot ng anak nila. Humagalpak ng tawa ang kapatid nya. Nagpipigil naman sya ng tawa. Pinandilatin sya ng mata ng asawa nya.

"Ayan! Kakasama sayo ng anak ko nahahawa na sya sayo! Ba't di na lang kasi kayo gumawa ni Chance ng baby nyo ng hindi mo pag-diskitahan ang anak ko." Litanya ng misis nya kay Gabriella.

"I don't want to share him yet." Sagot naman nito.

"Adik. Mamaya nyan gusto na pala ni Chance magka-anak. Ikaw din. Ipagpapalit ka non." Pananakot nito sa kapatid nya. Inirapan lang ito ni Gabriella. Hindi yon kayang gawin ni Chance. Alam nilang lahat iyon.

The Not So Charming Prince (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon