5 (Isay)

658 161 51
                                    


"Isay, magkano ba 'tong cellphone na 'to?" Tanong ni Chance sa kaniya sabay turo noong naka-display sa harapan.

Umangat ang isang kilay niya. "Bibili ka ng cellphone? Weh? 'Di nga?" 'di-makapaniwalang sabi niya rito. Kahit kailan kasi ay hindi nakahiligan ni Chance ang kahit na anong gadgets.

Napakamot ito sa batok. "Oo. Kailangan ko na kasi eh. Sinesermonan na 'ko ni Gabriella. Palagi ko raw siyang pinag-aalala," sabi nito.

Ah. Kaya naman pala.

Dakilang under kasi ang bestfriend niya kay Gabriella. Minsan nga ay hindi pa rin niya maisip kung paanong nagkagusto ang mga ito sa isa't-isa. Magkaibang-magkaiba kasi talaga ang dalawa. Sa estado sa buhay, langit si Gabriella, dukha naman ang bestfriend niya. Pero sa ugali, langit si Chance, impiyerno naman si Gabriella.

"Kahit 500 na lang Chance. Kasama na ang sim card doon," sabi niya rito.

"Hindi ka ba lugi roon?" tanong nito.

"O sige, 10k na," biro niya rito.

Natawa ito. "Sige, 500 na lang." Sabi nito at kumuha na ng pera sa wallet.

Ibinigay niya na rito ang phone at sim card. "Maganda ang pagkakagawa ko sa phone na 'yan. Pero kapag nagka-aberya, dalhin mo na lang kaagad sa'kin," sabi niya rito.

Tumango ito. "Isay, attend ka sa church sa sunday. Hinahanap ka na rin nila Pastor Roy," sabi nito sa kaniya.

Nagsisimba naman siya noon. Kaya nga lang ay mas pinili niyang kumita. Kaya kahit linggo ay kumakayod pa rin siya. Pero wala namang nagbago sa buhay niya. Kahit nagtatrabaho na siya ng linggo, wala namang pag-unlad ang buhay niya.

"Titignan ko," simpleng sagot niya rito.

"Hihintayin kita," nakangiting sabi nito.

"Hoy hindi pa 'ko pumapayag ha!" sabi niya rito.

Matagal-tagal na rin noong hindi na siya naka-attend ng sunday service. At nahihiya na rin siya sa Diyos. Ang dami niyang hinihingi rito, samantalang ang magsimba lang ay hindi niya magawa.



-----



Wala siyang masyadong customer nang araw na iyon. Iyon ang kalaban niya sa hanap-buhay niya. Hindi naman kasi palaging may mga nagpapagawa sa kaniya.

Hindi talaga madali ang kumita ng pera.

Inayos niya na lang ulit ang cell phone niya. Nanghihinayang din kasi talaga siya sa ipinambili nito, kahit pa sabihing lumang-luma naman na ito.

"Isay!" Napatingin siya sa tumawag sa kaniya.

Napangiti siya nang makita si Maria. "Oh, napadaan ka?" tanong niya rito.

"Bibili lang sana ng cellphone ang kasama ko. Kahit 'yong pinakamura lang," sabi nito.

Agad siyang napatingin sa lalaking katabi nito. Si Lorenz. Isang kilalang adik at basagulero sa kanila. Nakulong na nga ito.

"Hindi naman siguro siya ang sinasabi mong kasama mo?" Tanong niya rito at itinuro ang lalaki.

"Siya ang kasama ko," sagot nito.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Masamang tao 'yan, Maria! Kriminal 'yan!" pabulong ngunit may diin na sabi niya rito.

"Nagbabago ang tao, Isay. 'Wag kang manghusga base sa nakaraan ng isang tao," pangaral nito sa kaniya.

The Not So Charming Prince (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon