"Oh, bakit ganyan ang mukha ni Kuya Uno?" tanong niya sa mga kapatid.
"Paano ay may bumato ng putik sa kaniya," sagot ng Kuya Dos niya.
"May bumato ng putik sa kaniya?" pag-uulit niya sa sagot nito.
Minsan kasi ay may pagka-eksaherado ang mga kuya niya. Natutunan niya ring 'wag basta maniwala sa sinasabi ng mga ito. Kadalasan kasi ay naghahanap lang ang mga ito ng dahilan.
Sa edad niyang twenty, pakiramdam niya ay mahigit fifty na siya dahil sa sobrang konsumisyon na ibinibigay sa kaniya ng mga kuya niya.
"Binato nga siya tapos tinakbuhan kami," nakasimangot na sagot ng Kuya Tres niya.
"Nasaan ba kayo kanina?" tanong niya sa mga ito. Nakita niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga ito. "Nakipag-inuman na naman kayo sa mga trabahador 'no?"
"Kaunti lang naman, bunso," sagot ng Kuya Cuatro niya.
Sabi na nga ba niya. Wala talagang kuwenta ang pangako ng mga ito.
"Bahala na kayo. Pagod na ako sa kakapaalala sa inyo. Asikasuhin niyo na lang si Tatay pag-uwi niya. Pagod 'yon. Kahit 'yon na lang ang gawin niyo." Sabi niya sa mga ito at pumunta na sa maliit na kuwarto niya.
Napagawa niya ang kuwarto niyang iyon dahil sa bayad ni Gabriella sa kaniya noon. Kung ganoon lang sana kagalante lahat ng customer niya, eh 'di sana ay mayaman na siya ngayon.
Sa sobrang pagod sa buong araw na iyon ay dumiretso na siya sa pagtulog.
Sana naman bukas ay may maganda ng mangyari sa'kin. Suwertehin na sana 'ko.
Iyon ang mga huling bagay na pumasok sa isip niya bago siya tuluyang hilahin ng pagod at makatulog.
-----
"Hoy bakla, may yummy na papa na kanina pa naghihintay sa'yo. Saan ka ba galing?" bungad sa kaniya ni Salve.
Napatingin siya rito. "Bumili ako ng pandesal. Nagugutom na 'ko. Hindi maasahan sila kuya eh," sagot niya rito.
"Kahit kailan talaga 'yang mga kuya mo. Type ko pa man din ang Kuya Uno mo," kinikilig pang sabi nito.
Kinilabutan siya bigla sa sinabi nito. "Huwag mo na pangarapin ang kahit na sino sa mga kuya ko, bakla. Mga walang pangarap 'yon," sabi niya rito.
"Grabe ka naman sa mga kuya mo," sagot nito.
"Adik. Naaawa lang ako sa'yo. Pero kung pangarap mong may palamunin buong buhay mo, aba'y mamili ka na sa mga kuya ko," sabi niya rito.
"Grabe ka talaga. Ganoon ba sila kalala?" tanong nito.
"Sobrang malala na, bakla," sagot niya bago may biglang naalala. "teka, ano nga ulit 'yong sabi mo kanina? May naghihintay sa'kin?" tanong niya rito.
Biglang kumislap ang mga mata nito. "Oo. 'Yon oh. Nasa tapat ng shop mo." Sabay turo sa lalaking sinasabi nito.
Nakatalikod ito sa kanila, pero parang pamilyar ito. Hindi niya lang maalala.
"Baka customer na 'yan. Sige na, pupuntahan ko na. Mamaya sa halip na pera na, maging bato pa." Sabi niya rito at iniwan na ito.
Habang naglalakad siya papunta rito ay bigla itong humarap. Nagulat siya nang makita ang mukha nito. Halatang nagulat din ito nang makita siya.
"Ikaw?!" sabay nilang nabanggit.
Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Nandito ngayon sa harapan niya ang dahilan kung bakit nasira ang hindi pa niya bayad na third hand na iPhone6 niya.
BINABASA MO ANG
The Not So Charming Prince (completed)
Romance-COMPLETED- Yes, there's a white horse. Yes, there's an extremely goodlooking guy. Yes, there's an ordinary girl. But he didn't come running to her rescue. Dahil ito mismo ang nagdala ng problema sa kanya... Or so she thought. ----- This is a RomCom...