10 (Gabriel)

574 149 28
                                    



Ano na kaya ang ginagawa ni Dalisay ngayon?

Nakapangalumbaba siya sa table sa garden nila. Nasa harap niya ang dad niya. It's their father and son day. Si Gabriella naman at ang mom niya ay nasa spa. They are having their mother and daughter day.

May customer kaya siya? Baka nabo-bored na 'yon?

"Gabriel."

'Wag lang ulit magkakamali ang mayabang na bisugo na 'yon. Kundi papatulugin ko ulit siya gamit ang muscles ko.

"Gabriel."

Okay na kaya siya matapos 'yong nangyari sa kanong manyakis na 'yon?

Ang sabihing gulpi ang manyakis na 'yon ay understatement. Binasag na yata ng mga kuya ni Dalisay ang lahat ng puwedeng mabasag sa dayuhan na iyon.

Buti nga sa kaniya.

"Gabriel!" sigaw ng dad niya. Napalundag siya sa gulat. Napatingin siya sa dad niya.

"Your move. Kanina pa kita tinatawag, tulala ka lang diyan," sabi nito.

Napatingin siya sa chess board sa table at napakamot sa ulo. "Saan ulit ang move mo, Dad?" tanong niya rito.

Napailing ito. "Do you have a problem? May problema ka ba sa studies mo? You know, hindi ka naman namin pine-pressure 'di ba?" sabi nito sa kaniya.

"Wala po akong problema sa studies ko, Dad," sagot niya rito.

"Then what is your problem?" tanong nito sa kaniya.

"Wala naman po, Dad. May iniisip lang ako," sagot niya rito.

"Ano 'yon? Babae ba?" tanong nito.

Napatingin siya rito. "How did you know? May binanggit ba si Gabriella sa inyo?" tanong niya rito.

Natatawang napailing lang sa kaniya ang Dad niya. "Lalaki rin ako, Anak. Hindi ganoon kahirap hulaan 'yon. I know you," sabi nito sa kaniya.

Napahawak siya sa batok niya at napayuko sa hiya. "Yeah. Babae po ang iniisip ko," pag-amin niya rito.

"So, what seems to be the problem?" tanong ng dad niya.

"Hindi ko rin po alam. Paano ba nalalaman kapag special na sa'tin 'yong girl, Dad?" tanong niya rito.

"Naka-tatlong girlfriend ka na, hindi mo pa rin alam?" sagot nito sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko naman kasi naramdaman 'to sa past girlfriends ko," sagot niya rito.

Tumango-tango ito. "Anong klaseng pakiramdam ba?" tanong nito sa kaniya.

"Iyong naiinis at nasusura ako sa kaniya, pero hindi ko naman siya mahindian. Gusto ko siyang inaasar, pero gusto ko rin siyang protektahan. It's kind of hard to explain, Dad," seryosong sabi niya rito.

"Sa'yo na mismo nanggaling. Hindi mo pa 'yon nararamdaman sa past relationships mo. Sa tingin mo, what makes her different from others?" sabi nito sa kaniya.

"I don't know. Everything about her is special. She's different," sagot niya rito.

"Nalaman ko lang na ang Mom mo na ang para sa'kin noong kahit ano pa'ng away namin, ayaw ko pa rin siyang mawala sa buhay ko. Hindi ko rin kayang i-explain. Pero nararamdaman ko. At ako lang ang makakaintindi noon. Hindi mo naman kailangang ipaliwanag sa iba kung bakit mahal mo ang isang tao. Hindi nila kailangang maintindihan. Minsan kahit ikaw, hindi mo rin kayang maintindihan. Basta alam mo lang. Kasi nararamdaman mo," seryosong sabi nito.



The Not So Charming Prince (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon