9 (Isay)

553 152 34
                                    


"Bunso, hindi mo ba manliligaw si pogi?" tanong ng Kuya Uno niya.

"Hindi," sagot niya. Nag-aadik na rin ba ang kuya niya? Kung anu-ano ang pumapasok sa isip eh.

"Ang bagal naman noon. Hindi ba siya natatakot na baka maunahan siya?" sabi ng Kuya Dos niya.

"Umamin nga kayo sa'kin. Nagda-drugs na rin ba kayo?" tanong niya sa mga ito.

"Hindi ah," mabilis na sagot ng Kuya Tres niya.

"Siguraduhin niyo lang. Kung anu-ano kasi ang pinagsasasabi niyo," sabi niya rito.

"Pero hindi pa nga siya nanliligaw sa'yo? Parang ang dalas niyo kasing magkasama?" sabi naman ng Kuya Cuatro niya.

"Kalalaki niyong tao ang tsismoso niyo. Kayo, mahiya nga kayo roon. Kung anu-ano ang sinasabi niyo," pangaral niya sa mga ito.

"Bagay naman kayo ah. Ang ganda-ganda mo kaya," sabi pa ng Kuya Cuatro niya.

"Alam kong maganda ako, pero tigilan niyo si Gabriel. Mahiya kayo. Arellano 'yon," sabi niya sa mga ito.

"Bakit si Chance naman. Nabingwit niya si Señorita Gabriella. Plano ko pa man ding ligawan 'yon. Naunahan lang ako," sabi ng Kuya Uno niya.

"Wow. Tingin mo naman may pag-asa ka roon? Supalpal ka roon. Kinikilabutan ako sa'yo, Kuya. Si Gabriella pa talaga ang pinangarap mo? Ni hindi mo nga kayang kumita para mapakain ang sarili mo," sabi niya rito.

"Ang sakit mo naman magsalita," sabi nito.

"Masakit talaga ang katotohanan, Kuya," sabi niya rito.

"Bubuksan mo ba bukas 'yong shop?" tanong ng Kuya Tres niya.

"Hindi. Darating 'yong ka-chat na kano ni Salve. Ipapakilala niya raw sa'kin eh," sagot niya rito.

"Alam mo, hindi ligtas 'yang pakikipag-chat niyo," sabi ng Kuya Dos niya.

"Iyon lang ang malaki kong chance na makabingwit ng mayaman," sagot niya rito.

"Mayaman naman si Señorito Gabriel ah," sabi ng Kuya Cuatro niya.

"Ewan ko sa inyo. Bukas nga pala dalhin niyo sa Hospital ng mga Arellano si Tatay. Si Gabriel daw ang bahala sa'tin. Napansin niyang may sakit si Tatay," bilin niya sa mga ito.

"Tapos 'yong ganoong klase pa ng lalaki ang ayaw mong bingwitin?" sabi ng Kuya Uno niya.

Imposible naman kasing mangyari ang gusto ng mga ito. Kahit pa sabihin na unti-unting nahuhulog na ang loob niya kay Gabriel.



-----



"Isay, meet Hans. Hans meet my prind Isay," pag-i-introduce ng kaibigan niya sa kanila.

"Nice meeting you, Isay." Sabi nito at naglahad pa ng kamay. Kinamayan niya ito. Kung siya ang tatanungin, papasa sa listahan ng mga manyak ang itsura nito.

"Nice meeting you too," sabi niya rito.

Lumapit siya sa kaibigan niya at bumulong. "Duduguin ako kaka-english dito," sabi niya rito.

"Kaya nga isinama kita. Kasi mas magaling ka namang mag-english kaysa sa'kin," bulong din nito.

"Anong magaling mag-english ka riyan! Minsan nga lang tumama ang english ko!" bulong niya ulit dito.

"Is everything okay?" tanong ni Hans. Ngumiti sila ng pilit dito.

"Yeah. Ebriting okay," nakangiting sabi ng kaibigan niya.

The Not So Charming Prince (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon