13 (Isay)

594 142 11
                                    



Simula ng pinatuloy sya ng mga Arellano ay naging maayos ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Kung tutuusin, nahihiya naman talaga sya. Kaya lang, kailangan nya ng kapalan ng sobra ang mukha nya. Wala na syang mapupuntahan pa.

"Isay, Anak. May naghahanap sayo." Sabi ni Nanay Mildred. Nanay ni Chance. Alam nito ang nangyari sa kanya. Sumugod nga agad si Chance sa bahay ng mga Arellano dahil sa pag-aalala sa kanya. Masyadong maaalalahanin ang unggoy na yun. Wala na syang mahahanap na bestfriend katulad ni Chance.

"Sino po, Nay?" Nagtatakang tanong nya rito. Hindi naman sya nag-iimbita ng kaibigan doon. Hindi nya naman bahay iyon.

"Pumunta ka na lang sa sala, Anak. Nandun na sila." Sabi nito.

"Sige po, Nay. Salamat po." Sabi nya rito. Iniligpit nya ang mga tools nya pati na rin ang cellphone na kinukumpuni nya at nagpunta sa sala. Naningkit ang mga mata nya ng makita kung sino ang mga 'bisita' nya.

"Anong ginagawa nyo rito?" Mataray na tanong nya sa mga ito. Napaupo ng tuwid ang mga ito.

"Bunso." Sabi ng Kuya Uno nya.

"Hindi ko na kayo kapatid di ba?" Sabi nya sa mga ito.

"Patawarin mo na kami, Dalisay. Nagsisisi na kami." Sabi ng Kuya Dos nya.

"Umalis na kayo." Sabi pa nya.

"May trabaho na kami." Sabi ng Kuya Tres nya.

"Tatlong araw na kaming pumapasok sa trabaho." Dagdag pa ng Kuya Cuatro nya. Nag-iilusyon na ba ang mga ito?

"Nag-aadik na ba kayo?" Tanong nya sa mga ito.

"Dalisay naman. Pinipilit na nga naming magbago para sayo. Para hindi ka tuluyang mawala samin. Ikaw na lang ang pinaka-mahalagang babae sa buhay namin. Patawarin mo na kami." Sincere na sabi ng Kuya Uno nya. Nanatili lang syang tahimik.

"Janitor ako sa hospital ng mga Arellano." Sabi ng Kuya Dos nya.

"Kami ni Uno nagta-trabaho sa contraction." Sabi ng Kuya Tres nya.

"Construction, Kuya." Pagtatama nya rito. Nahahawa na sya kay Gabriella.

"Sa bukid ako. Para may kasama si Tatay. O kaya may kapalit sya." Sabi ng Kuya Cuatro nya. Mukha namang hindi lang nag-iilusyon ang mga ito.

"May trabaho na talaga kayo?" Di-makapaniwalang tanong nya.

"Oo. Tinulungan kami ni Gabriel." Sagot ng Kuya Uno nya.

Haaayy Gabriel. Konti na lang iisipin ko na talagang may gusto ka na sakin.

"Dalisay, hindi na kami mangangako, pero gagawin namin ang lahat para maging mabuting kuya sayo. Umuwi ka na satin please." Naiiyak na sabi ng Kuya Dos nya.

"Nami-miss na namin ang pagiging bungangera mo." Umiiyak na sabi ng Kuya Tres nya.

"Nami-miss na namin ang pambubugbog mo samin." Sumisinghot na sabi ng Kuya Cuatro nya.

"Nami-miss ka na namin, bunso. Uwi ka na satin please. Kami naman ang magsisilbi sayo." Nagpupunas ng luha na sabi ng Kuya Uno nya. Napabuntong-hininga sya.

Pero mahal mo pa rin sila. Pamilya mo sila.

Naalala nya bigla ang sinabi sa kanya ni Gabriel. Tama ito.

"Sige na. Uuwi na ko. Siguraduhin nyo lang na magtitino na talaga kayo."




-----




The Not So Charming Prince (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon