Kanina pa nakaalis sila Chance at Gabriella. Ayaw pa nga siyang iwan ng kapatid niya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Mukhang worried ito sa kaniya. Dahil ba nakatulog din siya katulad nang mayabang na pinatulog niya? Nalulungkot din siya dahil hindi man lang niya maalala kung paano niya ito napatulog. Mas masaya siguro kung nakita niya ang pagbagsak nito sa sahig. Hindi niya gusto ang pang-iinis na ginagawa nito kay Dalisay.
Grabe. Isang suntok ko lang tulog kaagad. Tss. Ang lakas talaga ng muscles ko.
Napatingin siya kay Dalisay nang mapansing tahimik ito. Nakatingin ito sa shop nang mayabang na iyon. Halos matagal din itong nakatulog. Ganoon kalakas ang suntok niya.
Napansin niyang pinapanuod ni Dalisay ang nagkukumpulang customer doon. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang lungkot sa mga mata nito.
Napabuntong-hininga siya.
Mga hindi alam ang salitang loyalty. Nagkaroon lang ng bagong technician, nakalimutan kaagad nila ang mga nagawa ni Dalisay para sa kanila.
Naiinis siyang makitang ganoon si Dalisay. Na para bang unti-unting nawawalan ng pag-asa. Na nawawalan na ng tiwala sa sarili niya. Ayaw niyang makita itong ganoon.
"Huwag ka nang malungkot diyan. Sa tingin ko naman mas magaling ka sa kaniya. Magaling lang siya sa salita. At madali namang maniwala ang mga tao rito," sabi niya rito.
"Malapit na 'kong magsara. Mga ilang araw na lang, Gabriel. Paano na ang pamilya ko? Si Tatay matanda na. Hindi na nga dapat siya nagtatrabaho," mahinang sabi nito.
"Huwag ka kaagad mawalan ng pag-asa. Parang sumusuko ka na kaagad eh. Magpapatalo ka ba sa bisugo na 'yan?" sabi niya rito. Napangiti ito sa sinabi niya.
Ganyan nga. Ngumiti ka lang. Maganda ka kapag nakangiti.
Pinagmasdan niya lang si Dalisay. Mukha lang itong matapang, pero ang totoo, natatakot din ito. Wala nga lang nakakapansin. Hindi kasi si Dalisay ang tipo ng tao na ipapaalam sa iba na namomroblema siya. Siguro nga ay nasanay itong walang ibang inaasahan maliban sa sarili niya.
"Siyempre naman lalabanan ko siya. Ako pa ba?" sagot nito. Napangiti siya. Atleast buhay pa rin kahit paano ang fighting spirit nito.
"Nandito naman kami eh. Tutulungan ka namin hanggang sa makakaya namin," sabi niya rito.
"Salamat, Gabriel. Salamat din sa madalas na pagdamay sa'kin. Atsaka salamat din sa epic fail mong pagtatanggol sa'kin," nakangiting sabi nito.
"Wala 'yon. Para saan pa 'tong muscles ko kung hindi ko rin magagamit 'di ba?" Sabi niya rito at nag-flex pa siya ng biceps niya. Natawa nang malakas si Dalisay. Parang natawa ito sa sinabi niya.
"Oo na. Sige na. Hindi ko babasagin ang eggs mo, este, ang trip mo pala," tumatawang sabi nito.
"Hoy, Dalisay ha!" sita niya rito. Natawa na lang ito.
Lumipas pa ang halos isang oras pero wala pa ring nagiging customer si Dalisay. Malungkot na nakapangalumbaba na nga ito.
"Lord, kahit isang customer lang po," narinig niyang bulong nito. Tinignan niya ito. Malungkot ang mukha nito. Napabuntong-hininga na lang siya. Ano ba'ng puwede niyang gawin para rito?
Sumayaw kaya ako?
Napailing siya sa naisip. Sabi nga sa kaniya ng kapatid niya noon, "Para kang tanga, Kuya." So obviously hindi puwede. Baka ma-badtrip pa ito sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/77170186-288-k801380.jpg)
BINABASA MO ANG
The Not So Charming Prince (completed)
Romance-COMPLETED- Yes, there's a white horse. Yes, there's an extremely goodlooking guy. Yes, there's an ordinary girl. But he didn't come running to her rescue. Dahil ito mismo ang nagdala ng problema sa kanya... Or so she thought. ----- This is a RomCom...