1 (Isay)

1.1K 195 115
                                    


"Tawad naman, Isay. Dalawang-daan na lang," pakiusap ng customer niya sa kaniya.

"Hoy Berto, ano ang tingin mo sa shop ko? Palengke? Repair shop 'to. Kung gusto mong tumawad, doon mo dapat ipinagawa sa palengke 'yang cellphone mo," sagot niya rito.

Napakamot ito sa ulo. "Sige na, Isay. Dalawang-daan na lang. Para may pang-date pa kami ng bebe ko," sabi pa nito.

"Aba't! Hoy, tatlong-daan na nga lang ang singil ko sa'yo, tapos babaratin mo pa 'ko? Utot mo! Akin na 'yong bayad bago pa may hindi magandang mangyari sa'yo. Ganitong badtrip ako!" masungit na sabi niya rito.

"Sungit." Bulong nito at nag-abot ng tatlong-daan sa kaniya.

"Sa susunod ay 'wag mo nang ipaayos 'yang cellphone mo. Utang na loob, wala ka nang mahahanap na piyesa ng 3310 ngayon. Kaysa ipang-date mo, ibili mo ng cellphone," pangaral niya rito.

"Kaya wala kang nobyo. Ang pangit mo na nga, ang sungit mo pa!" sagot nito sa kaniya.

Aba't loko to ah!

"Hoy, bago mo 'ko pintasan magsipilyo ka muna. Pupunta kang date tapos pamatay 'yang hininga mo! Layas! Leche ka! Mamalasin ako sa'yo! Tsupi!" pagtataboy niya rito.

Masasabi niyang ang malas niya ng araw na iyon. Nagsimula ang kamalasan niya nang dahil sa hambog na lalaki na hinahabol ng puting kabayo.

"Guwapo sana, hambog lang. Tss," bulong niya.

Tinignan niya ang cellphone niya. Sobra ang damage ng third-hand na yata na iPhone6 niya. Pangatlo na kasi siyang naging may-ari ng cellphone na 'yon. Binili niya ito sa kapitbahay niya. Hindi pa nga niya ito tapos bayaran.

Naba-badtrip talaga siya.

"Ang yabang-yabang! Akala mo kung sino! Kapag nalaman ko lang kung sino ka, mata mo lang ang walang latay!" nanggigigil na sabi niya.

Hindi siya takot sa mga lalaki. Lumaki siya na puro lalaki ang kasama niya. Ang tatay niya, ang apat na kuya niya, at si Chance na bestfriend niya. Kaya hindi uubra sa kaniya ang mga pang-aalaska sa kaniya ng lahi ni Adan.

"Sana nabasag ang eggs mo! Pangit ka!" bulong niya ulit.

"Isay!" Napatingin siya sa tumawag sa kaniya. Si Salve. Isa sa mga itinuturing niya na malapit niyang kaibigan.

"Oh? Bakit?" tanong niya rito.

"May ka-chat na 'kong kano. Bakla, baka ito na ang mag-ahon sa'kin sa kahirapan. Pupuntahan niya raw ako rito sa Pilipinas!" tili nito.

Nanlaki ang mata niya. "Talaga? Buti ka pa. Ako kasi wala pa ring mahanap," sabi niya rito.

Nakikipag-chat kasi sila sa mga taga-ibang bansa. Nagbabakasakali na may makilala sila at maiahon sila sa kahirapan. Desperada mang pakinggan, pero may mas madali pa bang paraan bukod sa pag-aasawa ng mayaman?

"Grabe. Excited na akong makita siya! Sana magustuhan niya ako," sabi nito.

"Magugustuhan ka noon. Gandang-ganda sa mga filipina 'yon eh," sagot niya rito.

"Sana nga. O siya, ibabalita ko pa sa iba. Maiwan na kita ha. Babush!" At iniwan na nga siya nito.

Bumalik siya sa trabaho niya. Vocational lang ang natapos niya. Pero nag-iipon siya ng pera para makapag-aral din sa kolehiyo.



-----



"Isay!" Narinig niyang may tumawag sa kaniya.

Nakita niya ang kotse ni Gabriella sa likuran niya. Si Chance naman ay bukas ang bintana at kinakawayan siya. Lumapit siya sa mga ito.

The Not So Charming Prince (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon