"Sobrang ganda mo naman Shumcy. Bagay na bagay sayo ang kulay ng suot mong gown. Lutang na lutang ang kagandahan mo kahit sobrang simple lang ng suot mo. Panigurado madaming lalaking aaligid sayo mamaya sa pupuntahan ninyo na kasiyahan"
"Naku. Salamat po sa papuri nanay Fe. Basta ikaw nagsabi maniniwala talaga ako"
"So pag-ako nagsabi sayo. Hindi maganda?" Tanong ni Clinton sa kanya. Kanina pa kasi siya nito pinupuri pero hindi siya naniniwala. Kasi pag-ito na ang nagsabi na maganda siya. Panigurado na may kasama yung joke sa huli. Kaya hindi na siya naniniwala sa mga pinagsasabi ni Clinton kahit totoo naman.
"Oo. Basta ikaw hindi ako na niniwala. Dahil alam ko na ang likaw ng bituka mo may kasama iyong joke lang sa huli. Kaya manahimik ka nalang jan. Okay."
"Tsk. Nakaraan nayun. Iba na itong lalaking nasaharapan mo"
"Kaya nga e. Nakaraan na nga 'yun pero alam kung hindi ka pa rin nagbabago. Clinton Lenox will always be a Clinton Lenox. Ang mabuti pa umalis na tayo para maka-balik agad tayo" Sabay tingin ko ulit sa salamin sa huling pagkakataon ng biglang niyapos ni Clinton ang braso nito sa bewang ko.
"Alam ko ayaw mo maniwala sa sinasabi ko pero hindi ako nagbibiro insan. Your so gorgeous. Iwan ko nalang kung hindi siya magselos" Sabay hila ni Clinton sa kanya at nagpaalam na sa dalawang matanda. Ano ang ibig sabihin nito na iwan ko nalang kung hindi siya magselos. Ang wierd naman ngayon ni Clinton at hindi ko naman mapigilang hindi kabahan sa mangyayari ngayong gabi.
"Where here!" Imporma ni Clinton ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
"Pwede ba wag ka ngang sumigaw" Asik ko kay Clinton.
"Excuse im not shouting. For you information my gorgeous cousin tulala ka simula ng umalis tayo kanina sa bahay niyo. Tell me ano naman ang drama mo at tulala ka?" Tanong sa 'kin ni Clinton.
Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "Bababa ba tayo o tatanungin mo ako dito. Kasi kung tatanungin mo lang ako ang mabuti pa umuuwi nalang tayo" Pagtataray ko kay Clinton. Kung hindi ko lang alam na lalaki ito at may nagugustuhan na babae mapagkakamalan ko itong bakla.
" Fine! Hindi na kita tatanungin. Mabuti pa nga bumaba na tayo ng sasakyan dahil ang alam ko may susuntok sa akin ngayong gabi ng dahil sayo" Sabay ngiti sa 'kin ni Clinton bat naman ito masusuntok ngayon gabi. Tsk.
"Bat ka naman masusuntok? May naka-away ka ba na andito rin sa party?" Tanong ko dito.
"Feel ko lang maysusuntok sa 'kin ngayon. Guy instinct" Saka lumabas ito ng sasakyan at umikot sa side ko si Clinton sabay bukas ng passenger set kung saan ako naka-upo.
I just rolled my eyes ng makababa ako ng sasakyan ni Clinton. "Alam mo magpatingin ka nga sa Doctor at baka lumuwag na iyang turnilyo sa utak mo at kung ano-ano na ang mga naiisip mo na di naman mangyayari" Sabi ko dito. Sabay kapit sa nakalahad na braso ni Clinton sa 'kin, bago Ibinigay ang susi sa isang guardia.
"Hindi mo ako masisisi my gorgeous cousin. Aminin mo man o hindi. Kahit sobrang Simple lang ng suot mong gown ay lutang parin ang kagandahan mo kaya feel ko may susuntok talaga sa 'kin mamaya," Sabay tawa nito sa 'kin. "Kung wala man will maganda hindi ma da-damage ang Mamahalin kung mukha na pinag-aagawan ng mga kababaihan o binabae." Pagmamayabang nito sa 'kin kaya nakurot ko ito sa tagiliran na ikinatawa namin pareho.
"Iwan ko sayo puro ka biro. Hindi ka nga masusuntok"
"Malay mo nga. Sa ganda mo at inu-ulit ko ulit sa simply mong suot lahat ng kalalakihan dito," Sabay tingin ni Clinton sa palibot kung saan ginagawa ang party ngayon. Sabay bulong nito sa 'kin. "Sayo lahat naka-tinggin" Kaya ipinalibot ko rin ang aking tinggin sa buong paligid at tama nga si Clinton sa kanya naka tingin ang lahat ng lalaki sa party nato. Tsk. Ano bang merun sa 'kin naka suot lang naman ako ng kulay blue na gown na parang may butas-butas at kita na kunti ang kaluluwa ko.
💋
Iwan hindi naman kasi ako mahilig sa fashion fashion basta naka suot lang ako ng mini dress na bagay sa 'kin isusuot ko ay okay na yun. Maputi naman kasi ako kaya kahit gaano pa ka pangit na damit ay bagay sa 'kin. Naalala ko pa nga dati yung may role play kami sa high school at kailangan ko pang magdamit na mahirap bagay pa rin daw sa 'kin kahit madumi na daw mukha ko. Iba daw talaga ang advantage ng mayayaman dahil kahit pagsuotin mo daw ng basahan magmumukha pa rin daw mayaman. Tsk. At ang dissadvantage naman wala ako masyadong naging kaibigan dahil daw baka mataray ako. Mabuti na ngalang nagtitiis sa kanya si Irene. Syempre mayaman din yun. Napabuntong-hininga nalang ako ng mapadako ang tingin ko sa isang tao pero hindi ko makita masyado ang mukha dahil naka side view lang ito. Pero hindi ko alam. Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. So weird. Bago ako napatingin kay Clinton na nagsalita ulit."Basta my gorgeous cousin pagnasuntok ako ngayon. Ako yung kampihan mo. Okay"
"Oo na nga para matapos na, at maka upo na tayo hindi naman ako masyadong naasiwa. Lahat nga sila sa 'kin nakatingin" Narinig ko nalang ang mahinang pagtawa ni Clinton sa 'kin bago ako hinila sa isang bakanting mesa.
"Mr. Lenox" Tawag ng boses babae sa apilyedo ng pinsan niya na sabay pa namin ikinatingin. At nakita ko isang matandng babae ang lumapit sa amin ni Clinton na parang nasa Fifties at may kasama itong lalaki na parang hindi nalalayo ang edad sa babae.
"Donya Beunavista. Hello" Sabay beso naman ni Clinton sa matandang babae at kinawayan naman ng pinsan niya ang lalaki. Bago ulit lumapit sa 'kin. Pero ka-ano-ano ito ni Lester Beunavista. Ay hindi Syempre ka apilyedo lang. Madami kayang ka apilyedo nito. At imposibleng kamag-anak nila si Lester dahil masama ang ugali nito. Mababait naman itong nasa harapan niya. Sobrang layo talaga.
"Sino ang Magandang dilag na ito?" Tanong ng lalaking matanda kay Clinton pero hindi kay Clinton ito naka tingin kundi sa 'kin.
"oh! By the way this is my Girlfriend slash my Fiancee. Shumcy Cordova" Pakilala ni Clinton sa kanya na agad din naman niya inilahad ang kamay niya sa dalawang matanda ng maramdaman niya ang pagpisil ni Clinton sa braso niya. Ibig sabihin do'n just go with the flow. Tsk. Lagot ka talaga sa kin pag uwi sa bahay look.
"Sayang naman. May fiancee na pala ang magandang dilag nato. Gusto ko pa sana i rito sa anak ko" Sabay ngiti ng matandang babae sa kanya. Okay babawiin ko na ang paghihiganti ko kay Clinton dahil naunawaan ko na na gusto ako nitong protektahan.
"Thank you" Sabi ko dito ng maka-alis na ang dalawang matanda.
"No need to say thank you my lovely cousin. Baka kasi hindi mo magustuhan ang iririto nila sayo. Baka mainis ka lang" Sabay kindat nito sa 'kin. So ganun na talaga kapangit ang anak ng dalawang matanda.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko dito ng bigla nalang itong tumayo.
"May tatawagan lang akon just stay here" Yun lang ang lumabas na ito sa venue kung saan ang ginaganap ang party. Inilibot niya ulit ang paningin ng may biglang nagsalita sa kanyang likuran na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. At dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likod at parang napatid siya ng napakalakas na kabayo ng makilala niya ang lalaki.
TO BE KONTENYO
#Unedited
#Vote
#share
#comment
#follow me @clericalErrorThnk you
BINABASA MO ANG
My Choosy Crazy One (COMPLETED)
General FictionSi Shumcy Cordova ang babaeng walang pakundangan pinapahayag ang kanyang nararamdaman pagmamahal sa nag-iisang Lester Buenavista ang lalaking wala atang paki-alam sa kanyang nararamdaman. Paano kung isang araw ay ayaw na niya pero mahal na pala siya...