Chapter 10

3.2K 84 0
                                    

"A-anong ginagawa mo?" Tanong ko ulit kay Lester ng hindi man lang ako nito sinasagot sa aking tanong. Bagkus hinalikan lang nito ang aking labi.

Nong una hindi ako nag response sa halik nito. Tinulak ko pa ito dahil nga nababaliw na ako sa munting halik at haplos nito sa 'kin.

"I want you." Pagmamaka-awa sa'kin ni Lester. Sabay halik nito ulit sa'kin labi. Pero mayamaya bigla nalang itong bumunghalik ng tawa dahilan para maitulak ko ito pero sing tigas ata ng monoblocks ang katawan nito at hindi matinag-tinag sa pwesto nito ng siya namang bukas ng pintuan kung saan may tatlong tao ang iniluwa ng pintuan. Hindi ko mapigilang hindi mahiya sa posisyon nilang dalawa ni Lester ng marinig ko nalang ang mga mahihinang salita na nanggaling sa tatlong tao.

"Dyos na mahabagin." Sabi ni Nanay Fe na nakahawak pa sa sariling bibig nito si Tatay Berto naman may ngiti sa labi na tumalikod. Pero mas nabaliw ako sa reaksyon ng Pinsan kung si Clinton parang may pina-plano nanaman itong hindi maganda.

"What are you both doing.?" Tanong sa 'min ni Clinton pero hindi ko naman makita sa mukha nito na galit tsk. Sarap sakalin ng pinsan niya ng bigla nalang nagsalita si Lester habang hindi parin ito uma-alis sa pagkaibabaw sa 'kin.

"Make love." Sagot ni Lester sa pinsan niya na may ngiti sa labi. Kaya hindi niya mapigilan na hindi pamulahan ng mukha sa sinabi ni Lester sa Pinsan niya at sigurado rin akong narinig ni Nanay Fe ang sinabi ni Lester ng wala ano ano'y lumapit samin si Clinton at hinila ako patayo ng maka-alis sa ibabaw ko si Lester.

Nang bigla naman akong hinila ni Lester ng makatayo na ito katulad ko at nabitawan naman ni Clinton ang kamay ko dahilan para mapa sobsob ako sa matigas na dibdib ni Lester ng bigla na naman akong hinila ni Clinton so ang peg ko ngayon pareho nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko at papalit-palit ako ng tingin sa dalawa. Tuningon ako kay Lester nakatiim bagang ito at madilim ang mukha at sobrang seryoso na nakatingin sa pinsan ko. Tapos tumingin naman ako sa pinsan ko hindi ko alam seryoso ito pero hindi katulad ng mukha ni Lester ang mukha nito parang gustong matawa na ano mang oras napabuntong hininga nalang ako. Mga isip bata talaga. Pero hindi naman sa dalawang ito ang concern ko kundi doon sa dalawang nakakita ng nangyari kani-kanina lang. Ano nalang ang iisipin ni Nanay Fe at Tatay Berto. Mag-i-explain ako mamaya pagnatapos na itong teleserye sa harapan ko.

"Sino ka ba.?" Tanong ni Clinton kay Lester na madilim pa rin ang mukha.

"Sino ka rin at ano ang ginagawa mo rito sa bahay ni Shumcy.?" Sa naiinis na boses na Tanong rin ni Lester ang isinagot sa tanong ni Clinton.

"As far as i know. Boyfriend slash fiancee ako ni Shumcy so may karapatan akong pumunta rito dahil girlfriend ko ang hinahawakan mo at three weeks from now ay ikakasal na kami." Sagot ni Clinton sa tanong ni Lester na itirik ko nalang ang mga mata ko sa pinsan ko dahil alam ko naman na ini-inis lang nito si Lester at naramdaman ko iyon dahil sa higpit ng hawak nito sa 'kin kamay.

Napa-irap muna si Lester bago ito nagsalita. " Look who's talking. Wag kang mangarap na ikakasal kayo ni Shumcy dahil alam ko ako at itaga mo ito sa bato ako ang pwedeng magmahal kay Shumcy hindi sila, maslalong hindi ikaw kundi ako lang."

"Paano ka nakakasigurado? E hindi mo nga kayang mahalin si Shumcy at unang-una iniwan mo siya pinagtabuyan mo siya na parang aso tapos sasabihin mo na ikaw lang ang pwedeng magmahal sa kanya wag kang selfish. Dahil kahit wala ka kaya kung mahalin at ibigay kay Shumcy ang hindi mo kayang ibigay sa kanya dati." Inis na boses ni Clinton. Kaya agad na siyang pumagitna ng akmang susuntukin ni Lester ang pinsan ko.

"Tama na!," Sigaw ko sa dalawa na nagbabangayan pa rin. "Pwede ba Lester umalis ka nalang ayaw ko ng gulo." Inis kung sabi kay Lester.

"Bakit ako. Bakit hindi nalang siya.?" Inis na Tanong nito sa 'kin na itinuro pa si Clinton.

"Dahil fiancee ko siya at ikaw dating kaibigan ko lang." Walang gana kung sagot dito pero sa totoo lang ayaw kung sabihin iyon. Pero kailangan kung ipakita dito na hindi na siya ang mahal ko.

"Fine!." Inis na pasigaw ni Lester bago lumabas ng 'king silid at binangga pa nito ang pinsan ko bago tuluyang lumabas ng aking silid. At ako hindi ko mapigilan na hindi mapa-upo habang iyak ako ng ikaw.

"Tapos na nakaganti ka na pinsan." Masayang nakangiti na sabi ni Clinton sa 'kin at nilingon ko ito.

"Bakit hindi ako masay.? Tanong ko rito habang hinihimas ko ang aking dibdib na nasasaktan ngayon sa ginawa ko.

"Don't tell me gusto mo pa rin siya? Mahal mo pa rin siya.?," Sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Clinton na tango naman ang isinagot ko sa tanong nito. "Ang mabuti pa habulin mo na baka wala ka na namang Forever." Suhestyon sa kanya ni Clinton kaya agad siyang tumakbo para habulin si Lester pero ng lumo nalang siya bigla ng paglabas niya ay wala na ang sasakyan nito kaya napa upo nalang siya sa sidewalk at walang tigil na pag-iyak ang kanyang ginawa ng may biglang lumapit sa kanya bigla si Nanay Fe at mahigpit siyang niyakap at gumanti rin siya sa matanda ng yakap.

TO BE KONTENYO.
#Unedited
#Vote
#comment
#Share
#FollowMe @ClericalError

My Choosy Crazy One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon