Chapter 13

3.1K 82 1
                                    

Abot ang hininga na maghiwalay ang mga labi namin ni Lester sa pinagsaluhang halikan kani-kanina lang.

"You kissed and hug me.. Ibig bang sabihin nito," Huminto muna ito sabay ngiti bago ulit nagsalita. "Mahal mo na ako.?" Tanong sa kanya ni Lester na may makahulugang ngiti na akala mo nanalo sa lottery. Hindi niya sinagot ang binata bagkus ay muli niya ito'ng hinalikan sa labi na ikina-ngiti naman ni Lester.

"I knew it. You still love me." Pagmamayabang sa kanya ni Lester at hinapit siya nito sa bewang at siniil ng maalab na halik sa labi.

"Oo na mahal kita. Pero galit ako sayo." Aniya sa naiinis na boses.

Ngiti lang ang iginante nito sa kanya at muli siyang hinalikan sa labi. "Mahal mo ako pero galit ka sa 'kin. Hmmm.... Naglilihi ka na ba.?" Tanong sa kanya ni Lester na ikinahalakhak lang nito at hindi niya mapigilan hindi pamulahan sa mukha. Kaya na hampas niya tuloy 'to sa balikat.

"Iwan ko sayo. Bahala ka nga jan." Inis ko 'tong tinalikuran pero bigla nalang ako nito hinawakan sa kamay dahilan para mapasusob ako sa dibdib nito ng wala sa oras.

"Ikaw naman. Di na mabiro. Sorry na alam mo naman na mahal lang kita," Paliwanag nito sa kanya kaya hindi niya mapigilan na hindi kiligin. "Kung puwede lang buntisin kita ng hindi na ako matakot." Sabay kindat nito sa kanya.

"Saan ka naman matatakot.?" Tanong ko dito.

Nagbuga muna ito ng hangin bago nagkamot sa ulo na akala mo sobrang kati. "Diba sabi mo kanina sa loob ng hospital mas gugustuhin mo pang sa matandang mayaman,  Madaling, mamatay ka mapapabuntis kaysa sa akin. Sabi mo rin kanina sa 'kin na maghahanap ka ng matandang bubuntis sa iyo." Paliwanag nito tila nahihiya pa. Kaya hindi niya mapigilan na hindi mapangiti.

"So kaya mo ba ako sinundan dito para hindi ako maghanap ng matandang lalaki na bubuntis sa 'kin.?" Tanong niya dito na tango naman ang isinagot sa kanya ni Lester at hinila siya nito at niyakap ng sobrang higpit na akala mo mawawala ako sa tabi nito.

"Oo, mababaliw ako kung ibang lalaki ang hahawak sa kamay mo, mababaliw ako kung ibang lalaki ang hahaplos sa pisngi mo, mababaliw ako kung may ibang lalaking hahalik sa labi mo, mababaliw ako kung may ibang lalaki ang aangkin sayo na puwede naman ako, mababaliw ako kung iba ang lalaking magbibigay sayo ng anak  kung puwede naman ako. Kaya ko lahat pero hindi ko kakayanin kung iba ang lalaking gagawa ng lahat na iyon kung kaya ko naman." Paliwanag nito sa kanya na ikinabilis ng tibok ng puso niya ng maisip niya kung ano ang nangyari kanina kay Scarlet Lim ng pumasok siya sa loob ng simbahan.

"Nga pala nong pumasok ako sa loob ng simbahan. Ano ang nangyari sa inyo ni Scarlet bakit hindi ko siya nakita kanina sa Reception.?" Tanong ko kay Lester ng makita ko itong maypilyong ngiti sa labi.

"Pina-alis ko." Sabi nito sa 'kin.

"What.!? Bakit mo 'yon ginawa!?" Pasigaw na tanong ko kay Lester.

"Isturbo kasi alam mong may ginagawa tayong moment kanina tapos susulpot nalang basta-basta. Alam mo namang tatlong buwan kita hindi nakita tapos may sisingit bigla kaya ayon pina-alis ko nalang. No one can disturb us." Inis na paliwanag nito sa 'kin.

"Kaya pina-alis mo siya,?" Tanong ko na may ngiti sa labi na tumango naman ito sa 'kin. Kaya mabilis ko itong hinalikan sa labi. "Mabuti at pina-alis mo ang babaeng iyon. Akin ka lang Lester Buenavista at walang sino mang babae ang puwedeng umagaw sayo. Dahil simula palang 'kin ka na." Sabay hawak ko sa necktie ni Lester at mabilis ko ito'ng hinila at walang ano-ano'y hinalikan ko ito sa labi.


TO BE KONTENYO
#Unedited
#vote
#comment
#share
#FollowMe @ClericalError

My Choosy Crazy One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon