PROLOGUE

8.6K 155 0
                                    

"I told you stop following me. Hindi kaba nakaka-intindi!?" Pasigaw na tanong ni Lester kay Shumcy dahil kanina pa sunod ng sunod ang dalaga sa kanya. Kahit sa'n siya magpunta. At, yung ang kina-iinisan niya sa dalaga o sa kahit kaninong babae na naghahabol sa kanya.

"Ano naman ngayon sayo kung gusto kitang sundan. Buhay ko to. Cant you see. I really like you. Gusto kita kaya kita sinusundan"

"Ano naman sa 'kin ngayon. Wala akong paki sa feelings mo sakin. For Godness sick Shumcy. Hindi ka ba napapagod. Kasi kung ako ang tatanungin mo pagod na ako sayo," Sabay turo niya kay Shumcy na naka yuko. "Na araw-araw nalang nakikita ko iyang pagmumukha mo. Para kang aso for godness sick hindi ako buto. Look at yourself. Hindi ikaw yung tipo ko sa babae" Tinignan siya ni Lester mula ulo hanggang paa.

Hindi napigilan ni Shumcy ang pag-agos na kanyang luha sa harapan ni Lester. Mabilis niyang pinahid ang kanyang nagmamalibis na luha at masamang tinignan niya si Lester.

"O-Oo siguro nga para akong aso na sunod ng sunod sayo. Pero itong asong ito. Ang babaeng baliw sayo. Pero simula sa araw nato. Ito na ang huling araw na makikita mo ang mukhang ito" Tatalikod na sana siya ng bigla siyang hilahin ni Lester at walang ano-anoy hinalikan siya ni Lester sa labi. Kaya tinugon niya ang halik ni Lester. Pero bigla nalang siya nanlamig ng itulak siya ni Lester. Sabay sabing " Baon ko na sayo. Bago ka umalis sa buhay ko." Tinalikuran nalang siya ni Lester.

3 MONTHS LATER

Pagod na umupo si Shumcy sa pangdalawahang upuan sa isang Italian Restaurant. Habang ibinaba niya ang mga shopping bags na may mga mamahaling bag, sapatos at damit at swim wear na binili pa niya ang ilan sa Forever Style. Napagdesisyunan nalang niyang mamasyal kaysa tumanga-nga sa condo unit niya at iyakan ang taong hindi kayang suklian ang kanyang pagmamahal. Tatlong buwan na rin na hindi siya umu-uwi sa isa niya pang condominium kung saan kapitbahay lang niya si Lester Buenavista ang lalaking tumawag sa kanyang aso. Tama naman ito mukha siyang aso na sunod ng sunod kung saan man magpunta ang binata pero hindi na ngayon. Sisiguraduhin niya kung magkikita sila ay hindi na siya ang Shumcy na sunod ng sunod na parang aso dito. Pero ngayon mag-mo-move na muna siya at aalis sa bansa kung saan siya unang nagmahal at nasaktan. But for now kakain muna ako bago lovelife dahil gutom na ang mga bulati ko sa tiyan. Tawa niya sa kanyang isip ng mapadako ang kanyang mga mata sa dalawang paris ng tao na naka tingin sa kanya ngayon. Si Lester at si Scarlet kilala niya ito dahil ito ngayon ang babaeng napapabalita na di-ni-date nang isang Lester Buenavista and i dont care. Kaya agad niyang tinawag ang waiter na lumapit sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa waiter, ng matapos makuha ng waiter ang kanyang order ay tumayo na muna siya at pumunta sa restroom. Pero bago pa siya maka tayo ay may biglang humila sa kanya paupo ulit sa kanyang upuan. At nanigas nalang siya ng nasa harapan niya si Lester na naka upo sa kabilang silya. Na madilim ang tingin sakin. Ano na naman ang drama ng lalaking ito.

"Yes?" Walang gana kung tanong kay Lester.

"Are you following me?" Tanong ni Lester sa akin na may ngiti sa labi.

Tumaas ang kilay ko sa tanong nito sa akin. Kaya ngumiti ako nito at ipinatong ko ang aking dalawang siko sa lamesa. "Hindi ko alam na binili mo na pala itong restuarant," Pagtataray ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "FYI! Hindi kita sinusundan. Masama na pala ang pumasok sa restuarant kung nagugutom dahil napagkakamalan na sinusundan kita. Too bad. Baka ikaw ang sumusunod sa akin?" Tanong ko dito.

"Why would i do that?" Tanong rin ni Lester sa akin.

"Malay ko sayo. Hindi naman ako yung assuming sa ating dalawa"

My Choosy Crazy One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon