Simula

210 43 55
                                    

Simula (Sarah)

"Saralyn!" Rinig kong sigaw ng kung sino bago biglang sumakit ang aking ulo.

Napaluhod ako sa gymnasium at napangiwi nang marahas na bumagsak ang aking tuhod sa matigas na gym floor.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa school jogging pants na suot ko ngayon o ano.

Nakaawang ang mga labi na tumingala ako habang nararamdaman ang nag babadyang pagtulo ng kung anong likido sa aking ilong.

Ramdam ko ang init sa buong mukha ko at siguradong namumula na ako ngayon.

Kahit hindi ako lumingon sigurado akong napatingin na sa akin ang ilang mga estudyante. Sobrang tahimik pa naman din dito, walang ibang maririnig kundi ang mga talbog ng mga bola at tunog ng mga nagkikiskisan na mga sapatos sa gym floor ng mga estudyanteng abala sa paglalaro.

"Sarah!" Rinig kong sigaw ulit ng kung sino mula sa mga taong nakaupo sa bleachers.

Tinukod ko ang magkabilang kamay sa hita habang hinahabol ang hininga at pilit paring pinipigilan ang pagtulo ng kung anong mainit na likido mula sa ilong ko.

Pumikit ako ng mariin ng makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Pakiramdam ko binibiyak ng unti-unti ang ulo ko sa sobrang sakit, dagdagan pa ng tuhod kong panigurado may sugat na ngayon.

'I'm not really into it.' Bulong ko sa aking sarili.

Bigla ko tuloy nakalimutan ang rason kung bakit pinilit ko parin mag laro.

Naramdaman kong may lumapit sa akin. Bahagya kong ibinaba ang tingin habang nakatingala parin. Nakita ko ang pamilyar na kulay puting running shoes na may patayo at tatlong guhit na kulay itim sa magkabilang gilid nito.

Tinukod niya ang magkabilang kamay sa tuhod at dinungaw ako. Ramdam ko ang paghingal niya dahil sa bahagyang nakikita kong pagtaas at baba ng kanyang dibdib.

"What's wrong, Miss Espartinez?" Tanong niya sa matigas na ingles.

Hinawakan niya ang baba ko at biglang na lang akong nakaramdam ng pagkailang, hindi ko alam kung bakit.

Ininspeksiyon niya ang buong mukha ko. Iginilid niya ang mukha ko tila may hinahanap sa kaliwa kong pisngi.

"Kulang ka sa stretching at warm up, Ms. Espartinez. Ilang minuto ka ba umikot sa buong gym?"

My gosh, kung sabihin ko kaya sa kanya kung umikot pa ako ng ilang beses sa gym baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkahilo ko.

"Mga 10 minutes lang, Sir." Ani ko sa nahihiyang boses.

Alam kong hindi niya naman ako pagagalitan sadyang nahihiya lang ako dahil laging mababa ang nakukuha kong grado sa subject niya.

"My god, physical education lang 'yan imposibleng hindi pa ako pumasa."

'Yan ang madalas na linya ng mga kaklase ko. Para sa kanila ang larong basketball, volleyball at soccer ay isang bagay na lahat ng estudyante ay magaling.

Kahit ako hindi ko mapagtanto kung bakit mahina ako sa sports siguro dahil hindi talaga sa akin ang linyang 'yan.

Hinawakan niya ang magkabila kong siko bago pinatayo. Nakatingala parin ako at halos hindi makatingin sa kanya.

Ilang sandali siyang tumahimik, siguro dahil tinitignan pa ang natamo kong sugat pati na rin sa tuhod kong kumikirot.

"Evan!" Tawag niya sa isa sa mga estudyante niya. "Ikaw magdala sa kanya sa clinic tutal ikaw naman ang nakatama ng bola." Aniya.

Not Alone (Sarah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon