Kabanata 1

118 33 62
                                    

Kabanata 1

"Mission... To produce graduates who are equipped with Christian values, knowledge, and skills to excel in life and to serve others... Goal... "

Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang senior highschool na nakatayo sa harapan habang ni re-recite ang Vision, Mission, and Goals ng school.

Oh, Crap! Dinungaw ko ang aking necktie na hindi maayos na naisabit sa aking leeg.

Bitbit ko ang isang makapal na libro kaya bahagya akong nahirapan sa pag ayos nito.

Halos samaan ko ng tingin ang ibang mga lalaking senior highschool na nakapila rin sa gilid nang pagalitan sila ng Presidente ng SSG dahil sa pagiingay. Baka mas mapatagal pa kami rito dahil sa mga kagagawan nila, e!

Mainitin at strikta pa naman ang pinuno ng Student Council.

May exam pa naman at ngayon pa ako na-late! Wrong timing talaga.

Hindi naman ako madalas nahuhuli sa klase pero tila kakaiba ito sa normal kong mga araw sa tuwing pumapasok sa school.

Gawain na ito ng mga estudyanteng nahuhuli sa tamang oras ng pagpasok, ang pumila sa harap ng faculty room para doon mag flag ceremony.

Hindi tulad noong mga nakaraang araw ay mas kaonti ang late dahil na rin siguro lunes at exam ngayon. Ang masaklap pa ay kasama ako sa kakarampot na mga estudyanteng nakapila dito ngayon.

Tahimik na ang buong campus at wala ng pagala-galang mga estudyante kahit pa sa canteen.

Nalipat ang atensyon ko sa pinto ng faculty office nang mag bukas at sara ito dahil sa pabalik balik na pagpasok ng mga faculty staff na halatang abala. Some of them is teachers from Basic Education Building.

Napadiretso ako ng tayo at napasunod ng tingin sa bagong guro namin sa Physical Education.

I saw him glanced at our direction. May naramdaman akong hiya kaya bahagya akong gumalaw at pilit nagtago sa ka-schoolmate kong matangkad at malaking katawan na nakapila rin sa aking harapan.

Hindi malayong mapansin niya ako dahil tulad nga ng sabi ko kanina ay kaonti lang ang late sa araw na ito.

Some of the girls behind me giggled shamelessly in a girly tone tila nahagip rin ng kanilang atensyon ang aking nakita.

I cleared my throat and tried to looked away. Mas nilakasan ko pa ang aking boses at sumabay na sa lead sa harap nang inawit niya na ang huling refrain ng aming school hymn.

Our school is known in our city because of its name and image. Isa sa mga kilala at matagal na naitayong gusali ang aming paaralan sa buong syudad kaya sa tuwing nakikita ang isang estudyanteng suot ang uniporme ng aming paaralan ang naiisip agad ng mga tao ay matalino at kagalang-galang ito kaya lubos na mahigpit ang mga patakaran sa aming eskwelahan.

Tunay ang kalidad at produktibo ang mga estudyante dito lalo na ang mga estudyanteng pinuno ng buong campus.

Hindi ko maiwasang sumulyap ulit sa kulay dark brown na hard wooden door ng faculty office nang lumabas ulit ang makisig at matipunong guro.

Ilang buwan pa lamang siya sa pagtuturo at base sa mga haka-haka ay hindi niya prayoridad ang trabahong ito, marami raw itong pinapasukang trabaho. Isa lamang daw ito sa mga part time job niya. Time management at likas na talaga siyang magaling kaya napagsasabay-sabay niya ang maraming bagay.

Not Alone (Sarah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon