Kabanata 15

41 25 0
                                    

Kabanata 15

Seryosong nakaupo sa likod ng malapad at kulay kayumangging lamesa ang aming principal.

Nakayuko lang ako at hindi ko magawang sumingit sa pinaguusapan nila ng aming mga magulang.

Nakaupo lang kami sa mahabang sofa sa gilid ng malaking opisina ng aming principal habang ang mga magulang naman ng mga estudyanteng nasangkot ang pangalan sa gulo ay nakaupo sa vistor's chair sa harap ng principal's table.

Pati ang mga magulang namin ay napapagalitan at napagsasabihan sa kasalanang hindi naman nila ginawa.

Matiim na nakikinig si Mommy habang pinapaliwanag ni Ma'am Vargaz ang aming mga kasalanan.

Ito pa lang naman ang unang pagkakataon na napapunta ako sa principal's office dahil sa isang kasalanan pero kahit ganon ay alam kong hindi nila ito palalagpasin. Naka abala kami sa ibang mga estudyante at isa pa, hindi maganda ang pinakita nila Romer at Evan na dinaan sa rahas at kabayolentihan ang away.

Mga lalaki sila at hindi na maiiwasan na doon nila madalas dinadaan ang kanilang mga away pero kahit saang anggulo ay hindi parin talaga magandang halimbawa. Nasa isa kaming catholic school at partikular sa kanilang patakaran ang mga ganito. Kilalang disiplinado ang mga estudyante dito at nakakasira sa magandang pangalan ng aming paaralan ang ganitong balita.

Napapagitnaan ako nila Evan at mga kaibigan ni Romer baka kasi magkagulo ulit. Nilingon ko si Evan na nakasandal sa headrest habang marahan na nakapikit at minamasahe ang kanyang sentido. Hindi ko malaman kung masakit ba iyon o problemado siya.

"May masakit pa ba sa'yo?" Nag aalala kong tanong.

Isang beses lang siyang umiling at iminulat ang pagod na pagod na mga mata para tignan ako.

"Hindi, ayos na ako. Nag aalala lang. Paano sila Sid kung wala ako bukas." Bakas sa boses niya ang panghihinayang.

Kung kailan naman kasi malapit na ang pinakahinihintay niya ay tsaka pa nagkaganito. Base sa narinig ko ay hindi rin makakasama sa competition sila Romer, Cendrix at Jericho. Mas lalong lumala at nagkagulo ang lahat.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang aking kapatid na may hawak na makapal na libro at nakasukbit rin sa kanyang isang balikat ang aking kulay asul na backpack.

Nagtatakang tinignan ko ang wall clock sa loob ng malamig na opisina.

Alas dose na pala at hindi ko man lang namalayan. Alam kong nanghihinayang rin ang tatlong katabi ko dahil panigurado ay nag hahanda na ang grupo nila para pumunta sa kabilang school na dapat ay kasama rin sila pero heto sila ngayon at nagdudusa.

Narinig ko ang pag buntong hininga nila at bahagyang nagbulungan para mag usap.

Sinundan ko lang ng tingin si Ate Sue Lee nang lumapit siya sa akin at tumayo sa aking harapan.

"Tara na, Sarah, pwede ka ng umuwi. Napagsabihan naman na kayo ng principal. Si Mommy na ang bahala kung ano ang maaaring niyang magawa sa gusot na 'to." Anito sa nagaalalang boses.

Puno ng katanungan ang mukha nito. Hindi niya pa kasi alam ang buong detalye ng kwento at inutusan lang siya ni Mommy na kunin ang mga gamit ko para makauwi na kami.

Nilingon ko si Evan na tinanguan lang ako. Nagpaalam ako dito pati na rin kanila Romer kahit pa medyo naiinis parin ako sa kanila.

Tinignan ko sila Mommy at ang principal na patuloy sa pagsasalita habang nakahilig sa lamesa at nakasalikop ang mga daliri.

"Ma'am Vargaz, mauna na po ako." Magalang kong paalam sa matanda naming principal na medyo nangangayayat na.

Tumikhim ito at tinignan ako sa likod ng kanyang makapal na salamin.

Not Alone (Sarah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon