Kabanata 23
Alam kong kung hindi lang siya napilitan ay hindi siya papayag sa gusto ni Miss Helena. Mukha naman itong mabait at walang balak manggulo. Siguro gusto niya lang talaga mapalapit sa aming mga estudyante ni Leonor.
Alam kong may iba pang kahulugan kung bakit siya nag aaksaya ng oras sa amin. Babae rin ako at hindi ako nagkakamali.
Hindi ko na kailangang kwestyunin ang loyalty sa akin ni Leonor at ang tiwala ko para rito. Hindi na kailagan gayong sa akin siya buntot ng buntot. Pero kasi hindi ko mapigilang makaramdam ng ganitong emosyon...
Sa ginagawa niyang ito ay binibigyan niya lang ng pagkakataong makahalata ang mga taong nasa paligid namin. Hindi ko siya magawang sisihin. Natatakot akong baka mapagod siya sa pagtatago namin kaya hindi ko rin siya magawang pagbawalan ng sobra.
Alam kong sa kotse niya ako papasakayan. Nakakapagtaka para sa iba kung sakaling mangyayari iyon gayong may kasama siyang Miss Helena kaya bago pa man 'yon mangyari ay aagapan ko na.
Humawak agad ako sa kamay ni Rina para malaman niyang hindi ako sasabay sa kanya. Iwas ang mga mata ko kay Leonor sa takot na mahalata niyang mailap ako sa kanya.
Sa text na lang ako nagpaalam kay Leonor at agad nang sumabay sa mga kasama kong mag ko-commute patungo sa isa sa sikat na restaurant na malapit lang sa subdivision namin.
Agad siyang nag reply tulad na lamang ng inaasahan ko.
"Bakit pa kung pwede ka namang kasama ko?"
Basa ko sa mensahe niya na nagpapikit sa akin ng mariin.
"Huwag mong sabihin na pagaawayan pa natin ang isang 'to. Sasama lang ako sa kanila at magmamaneho ka lang. Ilang minutong byahe kasama si Miss Helena. Anong mahirap don?"
Hindi ko na alintana kung mahaba at hindi pili ang mga salitang ginamit ko sa aking mensahe. May gusto akong ipunto sa kanya at bahala na siya kung paano niya ito iintindihin.
Ayos lang pero at the same time ay ayaw ko. Pati ako naguguluhan sa sarili ko. What the!
Hanggang sa makarating kami sa tinutukoy nilang restaurant ay hindi na siya nakapagreply. Pasimple na lang akong napairap.
Hinawi ko ang aking buhok nang tuluyan ng makaupo sa aming table. Paniguradong may mahihiwalay sa amin. Masyado kaming marami at walang bakanteng mahabang table sa restaurant na 'to dahil maraming customer ngayon dito.
Naguusap na sila kung anong ioorder nilang dishes nang saktong pumasok sa double doors ng restaurant ang kanina pa naming hinihintay na sila Leonor at Miss Helena.
Umiwas agad ako ng tingin at napairap. Nag kunwari akong abala sa pagtingin ng menu na ibinigay sa amin ng waitress. Narinig ko ang boses ni Miss Helena pero hindi na ako nag abalang mag angat ng tingin. Paniguradong sila ang mahihiwalay na lamesa sa amin dahil sila ang nahuling dumating.
Wala akong pakealam! Ano ba naman ang trenta minutos na hindi ko katabi si Leonor. What the heck. Isa pa hindi ako immature at childish para pagbawalan siya. Magkaibigan lang sila. Simpleng tawanan at kwentuhan lang ang panigurdong magaganap sa table nilang dalawa. You know, just a bit catch up, 'yon lang, for Pete's sake!
Baka isipin niya pa na dahil mas bata ako sa kanya ay masyado akong clingy at possessive. Hindi, ah. Ayokong isipin niya iyon. Kahit mas bata pa ako sa kanya ng ilang taon ay dapat matuto akong lumugar. Uso naman sa mga kaedaran ko ang mature realationship, 'di ba?
Wala akong karapatan na mag pakita ng kahit anong uri ng emosyon sa kanya ngayon lalo pa't may mga kasama kami. Fuck!
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsisiksikan nila Sid at William sa dulo ng lamesa.
BINABASA MO ANG
Not Alone (Sarah)
Teen FictionHere is Sarah Espartinez a girl who's scared to take a risks and to commit a mistakes. She's always been a good and ideal daughter in everyone's eyes. Kahit gaano pa man kaliit na pagkakamali iyan ay iniiwasan niya dahil naniniwala siyang kahit gaan...