Kabanata 5
"We don't allow the students to wear very revealing clothes and used makeup. Alam kong alam mo 'yon." Galit na galit niyang wika.
Nagtatagis ang kanyang bagang. Halos mapaatras ako. Buti na lang talaga na sa pinakadulo ang comfort room ng gym at hindi masyadong makakapukaw ng pansin ang nakikinikinita ko ng pagpapahiya.
Nakayukong tumango lang ako. Kahit gusto kong dipensahan ang aking sarili ay hindi ko na ginawa sa takot na baka mas lumala pa ito.
Kahit gustong-gusto kong ikatwiran na bakit sila Lilet, Nelly at ang iba ko pang mga kasamang babae na naka tattered shorts ay hindi niya sinaway. Bakit ako, mukhang espesyal at sinadya pa talagang lapitan dito para pagalitan.
Nang humakbang siya palapit sa akin ay mas lalo akong na intimidate. Nag mumukha akong tuta sa tuwing katabi ko siya. Pakiramdam ko ang hina-hina ko pag nararamdaman ko ang kanyang presensiya sa aking tabi. Tila sinasadya niyang iparamdam sa akin na mahina ako para katakutan ko siya.
Wala akong magawa kundi ang yumuko at paglaruan ang aking mga daliri.
"You disappoint me once again, Miss Espartinez." Naiiling niyang wika.
Napatitig na lang ako sa aking flat shoes na suot habang ramdam na ramdam ko ang tahip ng aking puso. Hindi ko alam para saan ang biglang pagkasigla ng aking puso. Alam kong sa pagiging kabado iyon, ang hindi ko mahinuha kung para saan, para ba sa kaba na mapagalitan o sa kaba dahil ramdam ko ang tila matalim na espadang mga mata niyang titig na titig sa aking mukha.
He has this rough features that making me always tremble in fear. Para siyang isang matigas na bato na kayang kaya mandurog ng damdamin ng tao. Para bang sanay siyang manakit at doon siya magaling. Isa siyang nagbabagang apoy na hindi dapat pinaglalaruan, isa siyang delikadong bagay na hindi dapat sinusubukan.
Ramdam ko ang paghaplos ng hangin sa aking tiyan, isang patunay na exposed ang aking balat. Marahan kong ginalaw ang aking kamay para ibaba ang aking crop top.
Nakita ko ang bahagyang pagsunod doon ng mga mata ni Sir Mon Roque. Tumikhim siya at humakbang ulit palapit sa akin.
Naestatwa ako ng humawak ang matigas at malalaki niyang kamay sa magkabila kong baywang para ipirmi ito. Dahil hubad ang balat ko banda doon ay ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palad. Halos mapaatras ako sa sunod niyang ginawa. Hinila niya pataas ang waistband ng aking skirt upang matakpan ang aking pusod. Napamura naman siya ng makitang umikli ang aking palda.
"Fuck this clothes, mas maganda kung mag palit ka na lang ng damit." Bulong niyang ubos na ang pag-asa at pasensiya habang nakadungaw sa akin.
Nang tuluyang makapasok sa aking utak ang kanyang ginawang aksiyon ay naghihilakbot ko siyang marahas na tinulak ngunit tila hindi siya tinablan.
"W-what the hell are you doing?" Bumaba at taas ang aking aking dibdib dahil ramdam ko parin ang bahagyang paghaplos ng kanyang hinlalaking daliri sa himaymay ng aking sistema.
Halos mag harumentado ako sa kanyang ginawa kahit na para ba'ng normal lang ang ipinaramdam niya sa akin at hindi man lang siya nakonsensiya.
"I'm punishing you."
Umatras ako upang maharap at makausap siya ng maayos dahil nalulula ako sa lapit niya sa akin at sa mabango niyang amoy.
"Bakit ako lang ang pinaparusahan mo kung ganoon? Bakit sila Nelly na mas grabe pa kung ikukumpara sa akin ay ganyan ka." Mahinahon ang aking boses pero hindi nakatakas ang sakit sa tono ng aking pananalita.
Totoo nga ang sinabi ni Romer na may favoritism itong si Sir Mon Roque and that's making me mad. Biglang kumulo ang aking dugo sa aking naisip. Gusto ko siyang sigawan pero tulad ng madalas na nangyayari ay lagi kong nakokontrol ang aking nararamdaman sa tuwing nag uumapaw ang aking emosyon.
BINABASA MO ANG
Not Alone (Sarah)
Teen FictionHere is Sarah Espartinez a girl who's scared to take a risks and to commit a mistakes. She's always been a good and ideal daughter in everyone's eyes. Kahit gaano pa man kaliit na pagkakamali iyan ay iniiwasan niya dahil naniniwala siyang kahit gaan...