Kabanata 16

37 25 0
                                    

Kabanata 16

I was crying the whole night. Pinili ko na lang na bukas na lang kausapin sila Mommy at Daddy pag kalmado na sila. Baka kasi doon lang nila ako mas pakinggan.

Alam kong si Mommy ang pinakanagdesisyon kahapon. Wala lang magawa si Daddy sa takot na pati iyon ay pag awayan nila.

Mas naiyak ako dahil hindi ko rin alam kung makakapunta pa ba ako sa laro ng mga basketball varsity.

Alas sais pa lang ng umaga. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi tapos ngayon ay ang aga kong nagising.

Panigurado ngayon pa lang ay naghahanda na sila. Ni hindi ko nga alam kung makakalaro ba si Evan mamaya. Hindi ko siya nakamusta kagabi dahil okupado ang utak ko sa sinabi nila Mommy na hindi na ako makakapagbakasyon sa Cavite.

Medyo namumula pa ang mga mata ko sa pagiyak kagabi. Inabot ko ang aking cell phone sa bedside table at naisipang kontakin sila Malou at kamustahin kung ano ang naging resulta ng laban nila kahapon. Maswerte na rin ako dahil hindi kinolekta nila Mommy ang mga gadgets ko. Hindi pa siguro talaga sila sobrang higpit sa akin.

Nahihiya ako sa mga myembro ng dance troupe dahil hindi ko natupad ang pangako ko. Lahat ng plano ko sa mga araw na 'to ay hindi na mangyayari dahil sa grounded ako sa buong semestral break.

Pag bukas ko pa lang ng cell phone ko ay sumalubong na agad sa akin ang mensahe ni Sir Mon Roque. Awtomatikong humataw ang aking puso sa pinaghalong tuwa at kaba.

"Balita ko ay kinausap na ni Ma'am Vargaz ang Mommy mo, Sarah. What happened, honey? Ayos ka lang ba?"

Napapikit ako ng mariin dahil kagabi pa ang mensahe na 'to. Hindi ko napansin na nag text pala siya. Siguro sobrang laki talaga ng epekto sa akin ng mga nangyari kahapon. Halong lungkot, dismaya para sa sarili at panghihinayang ang naramdaman ko.

Mabigat parin naman ang dibdib ko pero kahit papaano ay gumaan ito sa pag asang mapapapayag ko sila Mommy na manood ako ng basketball game mamaya. Sa school lang naman iyon at naniniwala akong hindi nila ako magagawang tiisin. Siguro nasabi lang nila Mommy iyon kahapon dahil sa sobrang galit sa akin.

Gusto ko silang suportahan mamaya. Alam kong kahit hindi niya sabihin ay gusto niyang makita ako mamaya sa gym na nanonood sa laban nila habang sinusuportahan ang team niya.

"Ayos lang po ako, Sir. Kita na lang tayo mamaya."

Reply ko sa mensahe niya kagabi kahit hindi pa naman ako sigurado. Ayokong mabigo siya tsaka isa pa hindi rin naman sigurado kung hindi ako makakapunta mamaya. May natitira paring kumpyansa sa akin na makakapunta ako mamaya. Sisiguraduhin ko.

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin siya nag rereply. Sigurado naman akong maaga siyang nagising. Sadyang abala lang siguro siya sa paghahanda sa sarili para sa laban nila mamaya. Alam kong pati siya ay kabado. Syempre, malamang. Siya ang ulo ng basketball team kaya karangalan niya kung mananalo sila at pagkasawi niya rin kung sakaling matalo sila.

Gusto ko pa sanang i-text siya para itanong ang tungkol kay Evan pero napagdesisyunan kong 'wag na lang sa kanya mag tanong nang maalala ang pinagusapan namin kahapon sa school. Sa iba na lang siguro ako magtatanong.

Humiga lang ako sa kama ng ilang oras hanggang sa maramdaman ko na ang nakakapasong sikat ng araw na nagmumula sa malaking bintana ng aking kwarto kahit pa mayroong nakatakip dito na makakapal na kurtina.

Not Alone (Sarah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon