Kabanata 6

64 30 6
                                    

Kabanata 6

"Dammit boy, fresh from the shower." Tukoy nila Carla sa huling pumasok na si Sir Mon Roque.

Agad kong iniwas ang tingin bago pa mag tama ang aming mga mata.

Halatang bagong ligo siya sa basa niyang buhok at nakapagpalit na rin siya ng bagong white shirt at khaki shorts with his top sider shoes. Halos mag mukha lang siyang kasing edad namin kung hindi lang mas well-toned ang kanyang katawan kung ikukumpara sa mga lalaking estudyante niya at mas matangkad lang siya ng ilang inches sa mga ito. Given ng mga basketball player rin ang mga kasama niya pero mas nakakalula parin talaga ang katangkaran niya. Hula ko mga anim na talampakan at ilang pulgada ang tangkad niya.

Palakas ng palakas ang kanilang boses hudyat na papalapit na sila.

Bahagya ko silang sinundan ng tingin ng maglakad sila sa harap ng aming table para pumila sa canteen.

Nakapameywang siya habang masinsinang nakikipagusap sa isa sa mga estudyante niya.

Napalingon siya kay Evan ng tinapik siya nito sa dibdib at tinuro ang isang grupo ng kolehiyala na nag papapansin sa kanya.

Nakita kong seryoso siyang umiling at nilingon ang direksyon namin.

Nang makita niyang nakatingin rin ako sa kanya ay mas lalo niya pa'ng pinatagal ang pagtitig sa akin tila walang balak bumitaw sa aking mga mata na hinahamon rin siya.

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at nagawa kong makipagtitigan sa kanya ng matagal pero ako rin naman ang unang nag iwas.

Halos mahingal ako sa uri ng pagtitig niya sa akin na para bang nangungusap.

Come on, Sarah, pull your freaking self together or else you'll be doomed!

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong reaksyon kung magpapanggap ba ako na parang walang nangyari o hayaan kong lumabas ang tunay kong nararamdaman na nababaliw ako sa kaiisip kung bakit niya iyon ginawa sa akin.

Siguro nga pinlano niya ito. Totoo nga siguro na kung gaano karahas lagi ang kanyang ekspresyon ay ganoon rin kagaspang ang kanyang ugali. Sinadya niya sigurong paguluhin ang aking utak dahil parang hindi naman siya nagsisisi o nakokonsensiya.

"Try this one, Sarah, kaya ka nangangayayat dahil hindi naman nakakabusog o masusustansiya ang mga kinakain mo." Pangaral sa akin ni Romer sabay tulak sa akin ang styrofoam niyang hindi pa nakakahalati ang lamang pagkain.

Agad akong umiling.

"Sa'yo 'yan. Akala ko ba gutom ka?" Ani ko sa kanya na nakaupo sa aking harapan.

Maingay ang table namin pero walang-wala sa ingay ng kabila kaya natatabunan rin ang mga tawanan at hagalpakan nila.

"No, I'm okay. Mas kailangan ito ng katawan mo. Kumain ka ba?" Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin ang mga mata niyang nagaalala.

Hindi naman talaga ako payat. Nasasabihan lang akong payat dahil mahina ang katawan ko sa tuwing pisikalan at sports na ang pinaguusapan. Sadyang hindi lang ganoon nababanat ang aking buto pero malaman naman ang aking mga braso.

"Wag ka ngang ano dyan, Romer! Kaya bumababa ang self confidence ni Sarah, e. Nag agahan 'yan, sabay kami kaya wag mo nga siyang ituring na parang isang pulubi!" Saway ni Nelly dito sabay palo sa ere sa harapan ni Romer.

"Panira ka naman ng diskarte dyan, Nelly. Syempre, alam na iyon ni Romer na nag agahan na si Sarah sadyang nagpapakagentleman lang ito. Alam mo na, doon madalas nahuhulog ang mga babae sa tuwing nararamdaman nilang importante o nagaalala sa kanila ang lalaki." Ani Jericho.

Not Alone (Sarah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon