Kabanata 9

56 28 12
                                    

Kabanata 9

Agad kong iniwas ang tingin sa kanyang mukha ng makita ko ang hindi maipaliwanag na pagdaan ng hindi mapangalanang emosyon sa kanyang mga mata.

"Gusto mong ipaliwanag ko sa'yo ng mas malinaw, kung ganoon hahayaan mo rin bang makita ng maraming tao ang mga bagay na gusto kong gawin sa'yo ngayon sa kinatatayuan mo?" Biglang napaos ang kanyang boses.

Kinagat ko ang aking ibabang labi sa mga salitang namutawi sa kanyang bibig na hindi ko ganoon naintindihan, paano niya pa kaya ipapaliwanag ang isang bagay na gusto kong maintindihan kung ito ngang puno ng laman niyang mga salita ay sobra ng nagpapagulo sa aking utak.

"Kung alam mo lang kung gaano kita kagustong hawakan ngayon, halikan at yakapin ay panigurdong mag papanik ka. So, tell me how could I explain this and my damn feelings without an actions. Please, tell me if you have any advice or suggestion, honey, 'cause this is too hard to handle, too much emotions to make me calm the fuck down."

Naririnig ko ang mga kaklase kong tinatawag na ang aming atensyon para simulan na ulit ang laro pero tila walang pakealam ang aking kaharap at talagang nagawa pang humakbang palapit sa akin.

Kumalat ang takot sa aking sistema sa pagaakalang hahawakan niya nga ako sa harap ng aming mga kakilala tulad ng sinabi niya kanina na gusto niyang gawin sa akin kaya napaatras ako ng isang beses mula sa kanya.

"See, how could I explain if you keep on moving and making a distance between us? Paano ko gagawin kung pakiramdam ko ang layo layo mo sa akin, na para bang ayaw at diring-diri ka sa akin." Binitawan niya ang hawak na raketa na nag dulot ng kakaibang ingay sa pagitan namin.

Mas lumakas ang pagtawag ng aking mga kaklase sa pangalan naming dalawa gamit na ang naiinip na boses.

"Hey! Anong nangyayari?!" Sigaw ni Carla.

"Baka naman binibigyan ng instraksiyon ni Sir si Sarah." Rinig kong singit ni Nelly.

Nanginginig na ang aking tuhod sa mga salitang binibitawan niya at sa mga galaw na ginagawa niya ngayon.

Sige nga, paano ako hindi magugulat o magpapanik sa bigla-biglaang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Sino ang hindi malilito at kakabahan. Nababaliw na ba talaga siya.

"L-let's just play, please. Stop making me quiver, stop doing this." Pahina ng pahina ang aking boses kabaliktaran ng aking puso na palakas ng palakas ang tahip sa bawat segundong lumilipas.

"Okay, I'll stop later but answer me first. How could I make you nervous if this is just nothing for you? Does it mean that we feel the same thing because you're making me nervous too, hmm?"

Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya ng sabihin niya iyon.

"Sarah!"

Agad kong nilingon si Evan ng marinig ko ang boses niya. Ewan ko ba pero parang gusto kong magpasalamat kay Evan sa ginawa niyang pagistorbo sa nagaganap naming usapan dito. Pakiramdam ko iniligtas niya ako sa bingit ng kamatayan ng hindi man lang niya napapansin.

Pinaglalaruan niya ang hawak na bola sa kanang kamay habang patakbong lumalapit sa akin galing sa mga kaibigan at teammates niya.

"Mamaya, ah. Kukuhanin na lang kita sa room niyo mamaya. Lunch." Aniya at napalingon sa aking kaharap ng mapansing hindi lang kami nag iisa.

"Hi, coach. Nandiyan ka po pala." Pangisi-ngisi niyang wika.

Nakita kong nagpamulsa ito at sinulyapan lang ako ng isang beses. Bigla akong napaiwas ng tingin. Nakokonsensiya ako dahil salungat ng aking nararamdaman ang nararamdaman niyang pagiistorbo sa amin ni Evan.

Not Alone (Sarah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon