Kabanata 10

60 28 8
                                    

Kabanata 10

Nang mag lunch ay kinuha pa ako ni Evan sa room namin.

"Sarah, gusto ko sanang sa coffee shop tayo mag lunch. Lagi na lang kasi sa canteen baka nagsasawa ka na." Untag niya at mukhang nahihiya.

Napakamot siya sa kanyang batok at tila hindi mapakali na pasulyap sulyap sa akin para tignan ang aking mukha.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang biglaang pagdiin ng hawak niya sa strap ng kanyang itim na backpack.

"Ayos lang, wag lang tayo ma-late."

Malapit lang naman ang coffee shop sa school kayalang nababahala parin akong baka mahuli sa klase namin.

"Babalik tayo ng maaga... " nakita kong napakamot naman siya ngayon sa kanyang noo. "Kasama ko rin kasi ang mga ka-teammates ko. Ang kukulit nila." Mas dumoble ang hiya sa tono ng boses niya.

Bahagya rin akong nagulat. Akala ko dalawa lang kami. Nasanay kasi ako nitong mga nakaraang araw na walang umaaligid na mga kaibigan niya sa tuwing magkasama kaming dalawa.

"Tinataboy ko pero alam mo naman ang mga iyon... " iling niya.

Natatawa akong umiling.

"Ayos lang... " ani ko bago ko makita ang isang tumpok niyang mga kaibigan at teammates na nagaabang sa amin sa gate. Puro matatangkad at may ipagyayabang rin sa itsura. Tawanan ng mga baritonong boses ang pumupuno sa aking tainga.

Tulad ng iba kong mga kaklaseng lalaki ay puro usaping personal na sila lamang nakakaintindi ngunit halatang may halong pagkapilyo ang pinaguusapan nila.

Naghahagalpakan at pabirong nagsasapakan sila sa balikat. Puro lalaki sila at ako lang ang nag iisang babae. Medyo nakakailang pero agad din iyong nabura sa aking pakiramdam ng binati ako isa-isa ng kaniyang mga kasama.

Nag uunahan silang pumara ng tricycle habang ako ay inaalalayan pa ni Evan sa siko habang yumuyuko papasok sa tricycle na pinara niya para sa amin. Ang ilan naming kasama ay nauna na sa coffee shop sakay ng iba pang tricycle.

Akmang iikot si Sid para sana sumakay sa likod ng driver ng bigla agad siyang pinigilan ni Evan na nakatayo parin sa labas. Nakasilip lang ako sa labas habang hinihintay silang matapos sa pagaasaran.

"Back off, dude. Kanila William ka na lang sumabay. Eksklusibo para sa aming dalawa lang ito. For sure ayaw mong mag mukhang thirdwheel o di kaya personal bodyguard."

Malutong siyang minura nito at pabirong tinulak sa dibdib.

"Ang corny mo, De Janio. Lakas ng loob mo. Sabihin mo 'yan kung sinakay mo siya sa mamahalin niyong limousine."

Napakagat labi ako ng magsalitan sila ng mga mura. Nakita ko pang bago yumuko si Evan para umupo sa tabi ko ay lumitaw ang gitnang daliri ni Sid at parang nababaliw na pabirong pinagmumura ang kaibigan habang papalayo ang sinasakyan namin.

Narinig ko ang marahan na halakhak ng aking katabi habang pinapasadahan ng daliri ang buhok at nakatingin sa salamin ng tricycle na nasa harap ng aming inuupuan.

Sinulyapan niya ako ng isang beses habang may pilyong ngiti sa labi.

"Pasensiya na, ganoon lang talaga kami magbiruan magkakaibigan." Sabi niya na para bang nahihiya sa nangyari kanina.

Sa sobrang hinhin ko ay iniisip niyang masyado akong sensitibo. Kahit naman sa room ay sanay ako sa mga kaklase kong mapalalaki man o babae ay mahihilig talagang magmurahan kaya nasanay na rin ako.

Madalas nilang tinatanong sa akin kung minsan na ba sa buhay ko ay nagawa ko ng mag mura. Ang madalas kong sinasabi ay, oo, nasubukan ko na. Parang ayaw nilang maniwala.

Not Alone (Sarah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon