Kabanata 24
"Pagod ka na ba? Gusto mo ng umuwi? You look bothered." Tanong sa akin ni Rina sa nagaalalang tono.
Tumango agad ako at na una ng tumayo. Tumingala sila sa akin.
"Uuwi na ako." Paalam ko sa kanila.
Tumayo na rin sa tabi ko si Rina at nagpaalam na rin sa kanila.
"Agad? Wala pa ngang alas tres y medya, a." Bigong tanong sa amin ni Nelly.
"Sabi ko kasi kanila Manang ay hindi ako magtatagal." Palusot ko pero kahit papaano ay may katotohanan rin naman.
Ilang sandali ay wala na rin silang nagawa kundi ang pakawalan kami ni Rina.
Narinig ko pa ang malambing na boses ni Rina na nag pasalamat kay Miss Helena.
"Samahan ko na kayo mag hanap ng masasakyan, Sarah." Prisinta ni Evan at inalalayan na ako sa siko nang akmang tatalikod na ako sa kanila.
"Hindi na, Evan. Ako na lang maghahatid sa kanila. Sumunod na lang kayo sa covered court." Singit ni Leonor.
Ayoko ng makipagtalo sa kanya. Kahit gusto ko man tanggihan ang alok niya ay hindi ko magawa dahil paniguradong pag ginawa ko iyon ay mas lalo niya lamang pagpipilitan ang gusto niya.
Nakita kong tiningala siya ni Miss Helena.
"Sasamahan ko na rin kayo."
Sambit nito at binitawan ang hawak na kubyertos.Tumaas ang kilay ko at pinanood ang ekspresyon ni Leonor. Hindi ko alam kung na iirita na rin ba siya o ano. Wala siyang puso kung tatanggihan niya ito pero hindi na nakakagulat kung sakali mang gawin niya nga iyon kay Miss Helena.
"Huwag na, mag commute na lang kami kung ganon naman pala." Ani ko at iniwasang mahaluan ng pait ang aking tono.
"Hindi na. Sa kotse ko kayo. Helena, sumabay ka na lang kanila William. Hindi ka pa tapos kumain. Sumunod kayo after fifteen minutes, William." Iyan na naman siya at ginamit na naman ang madalas niyang tono sa tuwing nasa school kami.
So, ano? Balik na rin ba kami sa student and teacher relationship namin. Balik na ba kami sa kung ano naman dapat talaga kami.
Hindi ko na sila hinintay mag talo at nauna ng naglakad palabas ng restaurant. Sumunod na rin sa akin si Rina at hinintay na lang namin si Leonor.
Nang makalabas siya ay agad niyang pinatunog ang kanyang car alarm.
"Front seat, Sarah." Matigas niyang sambit nang akmang susunod ako kay Rina sa likod.
Napairap ako at padabog na lumipat sa tabi niya. Alam ko na agad na si Rina ang una niyang ihahatid hindi lang dahil mauuna naming madadaanan ang bahay nito patungo sa covered court ng subdivision namin kundi dahil nararamdaman ko ng bubugahan niya pa ako ng apoy mamaya kapag kaming dalawa na lang.
Binaba ko ang bintana ng kotse sa gilid ko at kumaway na kay Rina bago ito tumakbo papasok sa loob ng subdivision nila.
Naging tahimik ang pagitan namin nang matulin ulit niyang pinaandar ang kanyang Audi. Diretso ang tingin ko sa daan at hindi nakaiwas sa paningin ko ang mariin niyang pag hawak sa manibela na nagiging dahilan ng paglabas ng ilang ugat niya sa braso pati na rin ang pag flex ng kanyang biceps.
Kahit galit ako ay hindi ko parin maiwasang purihin siya. Damn his perfect muscles.
Dinilaan ko ang ibaba kong labi at hinawakan na ang handle ng pinto ng kotse nang huminto siya ilang layo sa tapat ng gate namin. Alam niya kasi na ayaw kong may makakitang kasambahay namin sa aming dalawa. Kaya ko naman mag palusot ngayon kanila Manang Korita pero siguro nagmamadali lang siyang makababa ako sa kotse niya. Kumurot ang puso ko sa ideya na 'yon pero pilit kong tinaboy.
BINABASA MO ANG
Not Alone (Sarah)
Teen FictionHere is Sarah Espartinez a girl who's scared to take a risks and to commit a mistakes. She's always been a good and ideal daughter in everyone's eyes. Kahit gaano pa man kaliit na pagkakamali iyan ay iniiwasan niya dahil naniniwala siyang kahit gaan...