Kabanata 17
Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan sila na naghahanda. Nakita kong may sari-sariling hawak silang itim na gym bag.
Inaayos nila ang kanilang knee pad at ang kanilang may kahabaang kulay itim na medyas.
Ang ilan sa kanila ay pasipol-sipol lang at pilit tinatakpan ang kabang nararamdaman.
Kinagat ko ang labi ko nang lumapit na sila kay Sir Mon Roque na kanina pa tahimik at nagmamasid lang sa isang tabi. Marami siyang pinaalala at sinabi sa kanila na naging dahilan ng hiyawan nila.
Ilang sandali pa kaming naghintay sa loob bago ko narinig ang malakas na boses ng host at sinabing tatawagin na ang mga maglalaro.
Kahit ako ay biglang kinabahan. Narinig ko mula dito ang hiyawan ng mga tao sa court. Halatang pati sila ay na e-excite na rin.
May huli pang pinagusapan ang buong school basketball team bago sila tuluyang pumila sa harap ng pinto ng locker room para abangan ang pagtawag ng host sa apleyido nila at salubungin ang mga taong sumusuporta sa kanila.
Nakita kong nginisihan ako ni Evan bago tuluyang tinawag ang buong pangalan niya at humihiyaw na ring naglakad palabas, papuntang court.
Binasa ko ang nanunuyong labi nang tuluyang mapagisa kami ni Sir Mon Roque.
Hinarap ko siya at sumalubong sa akin ang seryoso at malamig niyang mukha. Siya ang unang lumapit sa akin at hinapit ako sa baywang.
Napasinghap ako sa biglaan niyang aksyon. Luminga ako ng isang beses bago pilit na pinatatag ang sarili para matitigan din siya ng diretso dahil talagang sobra na lang ang paghataw sa pagsayaw ng aking puso sa loob ng dibdib ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang bahagyang pagpisil niya sa aking baywang.
Wala sa sariling napadaing ako sa pangalan niya. Nakaramdam ako ng kiliti dahil sa ginawa niya kaya napahawak na ako sa malakas at malaki niyang braso na nakapulot sa aking katawan para sana pigilan na siya.
"He touched you here, right?" Tanong nito sabay tapik naman sa aking baywang.
Alam kong si Evan ang tinutukoy niya.
"S-sumunod na tayo sa labas. Baka hinahanap ka na nila. Kailangan ka na nila don." Mahina kong sambit.
Umiling lang siya.
"Sana hinintay mo na lang ako sa labas ng gym pero talagang matigas ang ulo mo and are you trying to escaped, Sarah? Stop pushing me away. You're hurting me." Puno ng kumpyansang umangat ang gilid ng labi niya. "I'm sorry, honey, but I would never, ever let that happen. I won't let you slip. I'm determined to keep you... only for myself."
Marahan akong napapikit sa sinabi niya. Kung alam niya lang kung gaano ko rin kagusto ang sinabi niya. Kung gaano ko kagustong markahan ang sarili ko bilang pagaari niya at kung gaano ko rin siya kagustong angkinin pero tila may invisible na linya sa pagitan namin ang nagbibigay ng limitasyon. Nagsasabing hindi pwede dahil puno ng panghuhusga ang mga tao sa mundo.
I really need to push myself. Kailangan ko munang palakasin ang loob ko para magkaroon ng kumpyansang tuluyan siyang angkinin.
"I know you want that too." Mapanuya ang kanyang sinabi bago niya bahagyang binaba ang kamay para haplusin ako sa aking kamay pataas sa aking braso.
BINABASA MO ANG
Not Alone (Sarah)
Teen FictionHere is Sarah Espartinez a girl who's scared to take a risks and to commit a mistakes. She's always been a good and ideal daughter in everyone's eyes. Kahit gaano pa man kaliit na pagkakamali iyan ay iniiwasan niya dahil naniniwala siyang kahit gaan...