Kabanata 22
Mulat na ang mga mata ko at nakatitig na lang sa kisame. Tamad na tamad akong bumangon dahil alam kong wala na naman akong gagawin sa araw na 'to. It's already thursday at ilang araw na lang ay mag tatapos na ang buwan ng Oktubre. Malapit na ang November na nangangahulugang malapit na rin ang balik eskwela.
Nag simula na rin ang October fest sa syudad namin. Kung hindi ko pa siguro nakita ang post ng mga kaklase ko sa news feed ng facebook account ko ay hindi ko malalaman na nag simula na ang Mardi Gras.
One hour ago ang pinost na mga pictures nila Nelly. Kahit kailan hindi pa ako nakadalo sa ganon kaya hindi ako maka-relate. May hawak silang mga alcoholic drinks habang namumula ang kanilang mga mukha pero kahit ganoon ay abot tainga parin ang mga ngisi nila.
Narinig ko ang ilang katok at boses ni Ate Dori sa labas ng aking kwarto. Hindi naman ako mahilig mag lock ng pinto at alam iyon ng ibang mga tao sa bahay kaya hindi na ako nagulat nang pagkatapos ng ilang beses na katok ay sumilip ang ulo ni Ate Dori sa nakaawang na pinto ng aking kwarto.
Nakalatag sa kanyang likod at balikat ang maikling buhok na medyo kulot.
"Sarah, may bisita ka. Mga kaibigan at kaklase mo." Maikling wika nito.
Tumango lang ako kahit wala naman akong inaasahan na mga bisita. Sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok kahit pa hindi naman ito nagugulo dahil natural ng malambot at makintab ang mga hibla nito.
Hindi na ako nag tagal at agad ng bumaba sa living room. Kahit nakatalikod sila ay alam ko na agad kung sinong mga kaklase at kaibigan ko ang nakaupo sa aming couch.
Mga mata agad ni Rina ang sumalo sa paningin ko dahil siya lang ang nakaharap sa gawi ko.
Mas binilisan ko pa ang pagbaba sa hagdan at sinalubong ang may malaking ngiti sa mukha na si Rina.
Awtomatiko namang napalingon din sa akin sila Nelly, Evan at ang iba pang mga kaibigan ko. Bahagya pa akong nagulat kung paano sila nakapasok sa amin gayong ayaw tumanggap muna nila Mommy ng mga kaibigan ko sa bahay lalo na kung mga lalaki.
"Sarah... " magiliw na ngiti nito at tumayo.
Tinignan ko ang ibang mga kaibigan ni Evan.
"Walang practice game?" Taka kong tanong bago tinanggap ang mga beso nila Carla sa aking pisngi.
"I texted you last night pero di ka naman nag reply... " inosenteng sambit niya at halatang walang alam na sinadya ko munang huwag makipag komunikasyon sa kanya.
Masama na ba ako nun? Alam ko masasaktan ko siya pero mas mabuti ng ganito. At least masasaktan ko siya ng mas maaga pero hindi kasing lalim kung patatagalin ko pa ito. Naniniwala akong hindi pa ganon kalalim ang nararamdaman ni Evan para sa akin at alam kong ako ang magiging dahilan ng sakit na mararamdaman niya pero ako rin ang mayroong kakayahan para isalba siya rito.
"Sa covered court kami ng subdivision niyo mag pa-praktis, Sarah. Para bagong tanawin naman." Usal ni Sid na nangingibabaw sa mga katabing kababaihan na grupo nila Nelly.
Kumunot ang noo ko.
"T-talaga? Kayo lang?" Wala sa sariling tanong ko.
"Nasa may covered court na ang iba. Tara, nood ka ng praktis namin para pampasuwerte na rin." Halakhak pa nila.
Napakurap ako at nilingon ang isang katulong na abala sa pag punas ng muwebles sa tabi ng aming hagdan.
BINABASA MO ANG
Not Alone (Sarah)
Novela JuvenilHere is Sarah Espartinez a girl who's scared to take a risks and to commit a mistakes. She's always been a good and ideal daughter in everyone's eyes. Kahit gaano pa man kaliit na pagkakamali iyan ay iniiwasan niya dahil naniniwala siyang kahit gaan...