CHAPTER 1
"THIS is Captain Maria Descartin; we have landed safely. You may now remove your seatbelt and move around the aircraft to secure your carry-on luggage. Thank you for choosing AirJem Airlines and again, thank you for flying with us." Pagkatapos sabihin 'yon ni Ria, pinatay niya ang mikropono na naka-konekta sa loob ng aircraft saka tinanggal ang headset na nakatakip sa magkabilang taenga niya.
"Nakarating din tayo." Aniya ng co-pilot niyang si Timothy. "Ang tagal din ng flight natin mula Turkey. Ang sakit sa katawan."
Ngumiti siya. "Thank God pinermahan na ng big boss ang dalawang buwan kong pahinga."
Napalatak si Timothy. "Damn. Mukhang mawawalan ng magaling ng Piloto ang AirJem ng dalawang buwan." Napailing-iling ito. "Nakaka-inggit naman."
"Anong nakakainggit do'n?" Tinaasan niya ito kilay. "Nakunsumo mo na ang leave mo nuong nanganak ang asawa mo. Saka naipon ang leave ko sa tatlong taon na hindi ako nag-leave. Buti nga pinayagan ako, eh. Hindi ako umaasa na pi-permahan ang dalawang buwang leave ko na 'yon."
Bumagsak ang mga balikat ni Timothy. "I miss my wife and son." Kapagkuwan ay bumadha ang lungkot sa mukha nito. "Bukas ko pa sila makikita kasi may Domestic flight ako isang oras mula ngayon. Nakakapagod!"
Tinapik niya ang balikat nito saka tinanggal ang seatbelt na suot. "Mauna na ako sayo, kailangan ko mag check in bago umalis. Kailangan ko makauwi kaagad e."
Nginitian siya ni Timothy at sinaluduhan. "Yes, Captain."
Inirapan niya ito saka natatawang umalis sa pagkakaupo. "Ikaw na muna bahala rito." Kinindatan niya ito. "See yah after two months."
Timothy chuckled before saluting at her once again. Inirapan na naman niya ito saka lumabas ng cockpit.
"Hello, Captain," Halos sabay-sabay na bati sa kaniya ng mga Stewardess. "Aalis na po ba kayo?"
Tumango siya. "Yes. Take care. All of you." She smiled. "See yah after my vacay."
"Ingat, Captain."
Lumabas siya ng eroplano at ipinalibot ang paningin sa kabuonan ng Airport bago naglakad palabas. Damn. Matagal na rin simula ng umapak siya sa Pilipinas. Ni minsan ay hindi siya tumanggap ng flight na patungo sa bansang ito dahil iniiwasan niya ang kaniyang Pamilya, pero ngayon, hindi lang siya tumanggap ng flight patungong Pilipinas, uuwi pa siya sa bahay nila at mananatili roon ng ilang buwan.
Damn it!
Ria took a deep breath and put her pilot cap on. Nasa regulasyon ng kompanya na isuot palagi ang pilot cap nila kapag nasa loob siya ng Airport o Airlines. And Pilot cap makes her look hot, kaya naman isinusuot niya iyon palagi pagkalabas niya ng eroplano.
Nawala ang ngiti niya ng maalala ang rason kung bakit humingi siya ng dalawang buwang bakasyon samantalang wala naman siyang balak na magbakasyon ng ganoon katagal.
Her twin sister needs her. At sa buong-buhay niya, tanging ang kambal lang niya ang mahalaga sa kaniya at wala nang iba. She is the black sheep of their family after all. Sa edad na dese-otso, naging independent na siya. Naglayas siya sa bahay nila at nagtungo sa Amerika gamit ang savings niya. Doon, nakipagsapalaran siya. Nagta-trabaho habang nag-aaral.
Ria thought that leaving her beloved twin sister behind is a wise move. Mas maalagaan ng mga magulang niya ang kakambal na siyang paborito naman talaga ng mga ito. Kaya hindi na siya nagtaka nang hindi manlang siya pinahanap ng mga magulang niya ng mawala siya. Siguro pinahanap pero hindi iyon matatawag na A for Effort.
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)
General Fiction"You are invited to Temptation Island."