CHAPTER 14
IBINUKA nga ni Ria ang bibig pero hindi naman siya makapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung ano lang ba ang dapat sabihin kay Izaak. Ayaw niyang malaman nito ang totoo dahil siguradong paaalisin siya nito sa bahay kapag nalamang hindi siya ang asawa nito.
"Tell me, Ria. Why did you lie to them?" Lumapit ito sa kaniya habang ang mga mata ay para bang inaarok ang emosyon sa mukha niya, tumigil lang ito ng ilang dangkal nalang ang pagitan nila. "Narinig ko ang mga sinabi mo at walang katutuhanan sa mga 'yon."
Kumislap ang pag-asa sa mga mata niya. "May tiwala ka na sakin?"
Sinabi niya sa mga magulang na walang tiwala si Izaak sa kaniya at ngayon sasabihin nito na walang katutuhanan 'yon.
Does he trust her now?
Napabuntong-hininga ito. "Hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan. Kung babasihan ang mga ginawa mo noon, hindi ka na dapat pagkatiwalaan pa. You stole from me. You cheated on me. But then... you changed, just like that. At sapat na ang mga kasinungalingang sinabi mo sa mga magulang mo para kahit kaunti lang, pagkatiwalaan ulit kita."
Sapat na ang kaunting tiwala na yon para sa kaniya. Sobra-sobra pa nga. Sa ginawa ni Syl kay Izaak, hindi siya umasang pagkakatiwalaan siya nito ulit kahit pa ipakita niyang nagbago na siya.
Hinawakan niya ang kamay ni Izaak, "i don't want to steal from you, Izaak." Pinisil niya ang kamay nito, "ayoko... kasi ayoko nang bumalik ka sa dati na walang pakialam, na nambababae, tapos galit sakin. Ayoko nang ganun Izaak. Natatakot ako na baka bumalik ang dati mong pakikitungo sakin."
Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito ng makita ang isang butil ng luha niya na namalisbis sa pisngi niya.
"Hey," he whispered as he dried her tear, "don't cry." He softly gathered her in his arms. "Huwag ka nang umiyak. I promise I won't go back to being an asshole." Humigpit ang yakap nito sa beywang niya. "Just promise me too, na hindi ka na babalik sa dating Syl. I don't like that Syl. Gusto ko yong Syl na nakasama ko sa Isla, no, scratch that, gusto ko ang Ria na nakilala ko sa Isla. I don't like Syl, I like Ria more."
Bumilis ang tibok ng puso niya at lihim siyang napangiti. Nawala ang mga inaalala niya mula ng makabalik sila sa lungsod dahil sa mga sinabi nito.
"Then I'll be Ria," Mahina niyang bulong dito saka yumakap siya sa leeg nito. "And you will be my sweet Izaak."
Bahagyang kumawala sa yakap niya si Izaak para pagmasdan ang mukha niya.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Naiilang na tanong niya ng mas tumiim ang titig nito sa kaniya.
"Nothing." Gumuhit ang makalaglag panty nitong ngiti, "I was just thinking that 'yes, i'm one hundred and one percent sure, i like Ria more.'"
Parang tumalon-talon ang puso niya sa tuwa kaya hindi niya napigilang siilin ng halik ang mga labi nito na kaagad naman nitong tinugon.
Why does it felt so good to kiss him? Na para bang kompleto na siya dahil lang sa halik na pinagsasaluhan nila? God! She got it bad. Hindi na yata niya kaya pang pigilan ang nararamdaman para kay Izaak.
Nakapikit pa rin siya ng maghiwalay ang mga labi nila ni Izaak.
"Open your eyes, baby," bulong nito sa mga labi niya, "or I'll be tempted to kiss you again."
Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. "Then kiss me."
A smirk made its way to his lips. "Kapag hinalikan kita, baka hindi ako makapagpigil, maangkin kita rito sa harden."
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)
General Fiction"You are invited to Temptation Island."