CHAPTER 4

1.5M 29.5K 3.6K
                                    

CHAPTER 4

WALA NA si Izaak sa kama nang magising si Ria kinabukasan na ipinagpasalamat ng dalaga ng malaki. It would be awkward to wake up beside him.

Akmang aalis na siya sa kama para ayusin ang sarili ng bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Izaak na naka jogging pants at muscle short na basa ng pawis sa likod at dibdib.

At hindi lang 'yon ang gumulat sa kaniya, dala din kasi nito ang mga shopping bags na pinamili niya kahapon at ilang damit na nasa closet ng guest room na inukupa niya nuong isang araw.

"Bakit dala mo ang mga yan?" Mataray na tanong niya sa lalaki. "Bakit mo pinapakialaman ang damit ko?"

Izaak dropped all the clothes and shopping bags on the bed. "What? Wala man lang akong good morning?" Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Woke up in the wrong side of the bed?" May panunudyo sa mga mata nito.

Inirapan niya ito saka nagmamartsang pumasok sa banyo. Nakakainis ang lalaking 'yon! Pinangungunahan siya ng desisyon! Ipakain kaya niya rito ang mga pinamili niyang damit? Antipatiko! Buwesit!

Naiinis na hinubad niya ang pantulog saka pumailalim sa shower. Habang naliligo, si Izaak pa rin ang laman ng isip niya at ang pangingialam nito sa mga damit niya. Hanggang sa matapos siyang maligo, naiinis pa rin siya.

Binuksan ni Ria ang sliding door na siyang tanging naghihiwalay sa paliguan at banyo para kunin ang tuwalya na nakasabit sa towel rack sa likod ng pinto. She was mumbling to herself how annoying and irritating Izaak is, kaya naman hindi niya napansing may tao sa loob maliban sa kaniya.

Namilog ang mga mata niya at matinis na napahiyaw ng makita si Izaak na nagto-tooth brush.

Mabilis na nagmumog si Izaak at bumaling sa kaniya. "What are you—" tumigil ito sa pagsasalita at bumaba ang tingin sa katawan niyang walang saplot.

Napahiyaw ulit siya saka tinakpan ang katawan niya gamit ang mga kamay.

"Eyes up here, Mr. Davidson!" She glared at the brute.

Mabilis naman itong nag-angat ng tingin saka bumalik sa pagto-toothbrush na parang hindi nito nakita ang hubad niyang katawan!

Gago!

"Paabot ng tuwalya." Nag-iinit ang pisnging sabi niya, nakatakip pa rin ang kamay at braso sa masisilang parte ng katawan niya.

Kaagad namang tumalima si Izaak at kinuha ang tuwalya sa towel rack at inabot iyon sa kaniya. Parang ayaw nitong magdikit ang kamay nila dahil kaagad nitong binitawan ang tuwalya dahilan para mahulog iyon sa sahig dahil hindi siya naging mabilis para kunin 'yon sa pagkakahawak nito.

Nilukob siya ng iritasyon. "Bakit mo binitiwan kaagad na parang nandidiri ka sakin?" Sikmat niya rito.

Izaak blow a loud frustrated breath. "Ayaw mong tumingin ako sayo dahil nakahubad ka at ayaw mo ring dumistansiya ako baka mahawakan ko yang hubad mong katawan." Iritadong humarap ito sa kaniya. "Ano bang problema mo, ha?"

Sa halip na sumagot, isinara niya ang sliding door ng shower. "Gago! Don't look at my nudity!"

Izaak groaned in irritation. "Ano naman ngayon kung tingnan ko ang hubad mong katawan?" Puwersahan nitong binuksan ang sliding door. "Asawa naman kita, so anong mali do'n?"

Tinakip niya ang braso sa mayayamang dibdib saka ang isang kamay ay sa pagkababae niya. "Izaak!" Pagalit niyang tili habang ang dibdib niya ay parang sasabog sa halo-halong emosyong nararamdaman. "Isara mo ang pinto! Don't you dare look at me—"

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon