CHAPTER 8

1.5M 28.6K 3.6K
                                    

CHAPTER 8

NAPABALING si Izaak sa kapatid ng sikuhin siya ni Izrael. "What?" Iritado niyang tanong. Kanina pa masama ang mood niya, simula nang umalis siya sa Cabin at iniwan doon si Syl.

Itinuro nito ang Yacht na papalapit na may nakasulat sa gilid na 'Lucifer Monasterio'.

His jaw tightened. Ito ang lalaking kausap ng asawa niya kaninang umaga. Ito ang lalaking niyakap ng asawa niya.

"Minsan lang siya pumunta rito sa Isla." Wika ni Izrael.

"Yeah." Sang-ayon ni Odysseus, ang kaibigan ni Izrael na kasama nila sa speed boat na kinalululanan. "Same shares lang naman sila ni Lucas sa Isla pero hindi talaga yan naglalagi rito."

"How about Lucian "Loki" Monasterio?" Tanong ni Izrael.

"He have thirty percent share." Sagot ni Odysseus.

Bumalik ang tingin ni Izaak sa malalaking alon na ilang metro rin ang layo sa kanila. Medyo kakaiba ang alon dahil sa isang bahagi lang 'yon lumalabas, hindi sa buong parte ng dagat kaya naman safe sila sa speed boat.

He had always been a fan of surfing, but he's not good at it. Hanggang ilang feet lang ang kaya niyang alon.

"Is that Syl?"

Natigilan siya at mabilis na sinundan kung saan nakatingin si Izrael.

Kumuyom ang kamao niya ng makitang kasama na naman nito si Lucifer.

Is she cheating on him again?

"Teka, bakit niya kasama si Lucifer?" Nagtatakang tanong ni Izrael saka napatingin sa kaniya. "You okay?"

Namulsa siya, ang mga mata ay matalim. "Why wouldn't I be? She's just my wife in paper."

"You sure?" Izrael was eyeing him suspiciously. "Bakit parang galit ka?"

Napatiim-bagang siya. "I'm not."

He's angry as he stared at his wife and Lucifer talking. Parang napaka-close ng dalawa habang nag-uusap.

He was glaring at his wife as she dove into the water.

Pero ang galit na nararamdaman niya ay napalitan ng pagtataka at gulat ng sumakay ito sa surfboard at nakita niyang sumasagwan ang magkabilang kamay nito patungo sa malaking alon.

"Holy shit!" Malakas na bulalas ni Izrael ng makatayo si Syl sa surf board. "She knows how to surf?"

Hindi maalis ni Izaak ang mga mata sa asawa niyang parang isang pro kung mag-surf sa ibabaw at ilalim ng malalaking alon na sumasalubong dito.

His jaw went slack when he saw her twirl her board mid-air!

"Holy fuck!" Izrael cussed in shock. "She's fucking good."

Izaak was staring at her wife dumbfounded at what he just saw. He didn't know that she surf like a pro.

Hindi pa rin niya maitikom ang nakaawang niyang mga labi sa gulat kahit na tapos na mag-surf ang asawa niya. Nakasunod lang ang mga mata niya rito hanggang sa lumapit ito kay Lucifer at biglang niyakap ang lalaki.

He can see happiness in her beautiful face.

Anger rose inside him.

Hindi pa niya nakita ang kasiyahang 'yon sa mukha nito kapag kasama siya.

Just now. With another man.

Mahigpit na kumuyom ang kamao niya. "Let's get out of here."

He doesn't want to see his wife happy with another guy. It's making him nuts!

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon