CHAPTER 15

1.2M 25.2K 5.7K
                                    

CHAPTER 15

NAPATIGIL sa paglalakad si Ria ng may madaanang Jewelry Store habang paikot-ikot siya sa City Mall. Kanina pa siya nagwi-window shopping habang hinihintay si Izaak na makarating sa Mall. Tinawagan kasi siya nitong i-meet siya sa City Mall ng five p.m. dahil gusto nitong mamili.

Tiningala niya ang pangalan ng Jewelry Store na nakakuha sa atensiyon niya.

Reaveros Jewelry.

Hmm... tumuon ang mata niya sa isang kuwentas na naka-display sa loob ng box na salamin.

Beautiful. Iyon ang kumuha sa atensiyon niya ng dumaan siya. She fell in love with the pendant. Isa iyong maliit na gold na eroplano.

Pumasok siya sa loob ng jewelry shop saka nilapitan ang kuwentas na kumuha sa atensiyon niya.

"Ang ganda..." mahina niyang sambit habang nakatitig sa nasabing necklace. "Magkano kaya 'to?" Luminga-linga siya, naghahanap ng sales lady, nang makakita ng babae na naka uniform, kinuha niya ang atensiyon nito sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay. "Excuse me." Medyo may kalakasan niyang sabi.

Kaagad namang lumapit sa kaniya ang babae na may ngiti sa mga labi. "Good afternoon, Ma'am. How may i help you?" Magalang nitong tanong.

Sinuklian niya ang ngiti nito saka tinuro ang necklace na nagustuhan niya. "Magkano 'yan?"

Nanatili ang ngiti sa babae. "Mura lang po 'yan, Ma'am. Tamang-tama, bagay po sa inyo."

Gusto niyang umirap sa hangin. Binula pa siya. "Magkano?"

"Thirty-five thousand po, Ma'am.." Iminiwestra nito ang kamay sa necklace. "Do you want to touch it, Ma'am?"

Mabilis siyang tumango. "May I?"

"Yes, ma'am." Gamit ang susi, binuksan ng babae ang salamin saka kinuha ang kuwentas. "Here, ma'am."

Akmang hahawakan na niya ang kuwentas ng tumunog ang cellphone niya. Nakangiwi siyang ngumiti sa sales lady, "wait lang," aniya saka sinagot ang tawag. "Hey."

"Nasaan ka?" Iyon kaagad ang binungad sa kaniya ng nasa kabilang linya na si Izaak.

"Nasa isang jewelry shop." Mabilis niyang sagot. "Bakit? Nandito ka na sa Mall?"

"Kaka-park ko lang ng kotse ko." Naririnig niya sa sa background ang mahinang tunog ng pagsara at pagbukas ng pinto ng sasakyan. "Nasaang Jewelry store ka ba?"

"Sa Reaveros Jewelry Shop."

Ilang segundong natahimik ang kabilang linya na para bang natigilan ito.

"Hello?" Tiningnan pa niya ang screen ng phone niya para i-check ang tawag baka naputol, pero hindi naman, "hello? Izaak? Nandiyan ka pa?"

She was frowning and getting worried when he spoke.

"Anong ginagawa mo riyan?" Tanong nito sa walang emosyong boses. "Lumabas ka riyan ngayon din, Ria."

"Huh?" Napakurap-kurap siya sa pagtataka. "Ewan ko sayo, Izaak. Puntahan mo na nga lang ako rito." Pagkasabi no'n ay pinatay niya ang tawag saka inabot ang necklace na hawak parin ng sales lady. "Ang ganda naman." Komento niya habang sinasalat ang pendant. "I'll take it."

"Cash or Credit Card?" Kaagad na tanong ng babae.

Ibinalik niya ang pendant sa babae saka kinuha ang pinakatago-tago niyang pitaka kay Izaak saka kinuha doon ang Credit Card niya.

"Here." Aniya sabay abot ng Card sa babae, "pakibilisan lang, darating na kasi ang--" natigilan siya at nag-isip bago nagpatuloy sa pagsasalita, "--asawa ko."

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon