CHAPTER 13

1.2M 24.9K 3.7K
                                    

CHAPTER 13

MULA NANG makabalik si Ria at Izaak sa lungsod sampung oras na ang nakakaraan, nasa kuwarto lang si Ria at nagkukulong habang hinihintay si Izaak na kaagad na umalis ng makarating sila sa bahay.

He said he has to meet someone and he'll be back later. Pero magmamadaling araw na hindi pa rin nakakabalik si Izaak.

Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng selos sa kung sino man ang katagpo nito. Its Saturday for crying out loud! Ano pang meeting ang pupuntahan nito?

And she has this nagging feeling inside her that Izaak might change after they left the Island. May takot siyang nararamdaman, ayaw niyang bumalik ito sa dating Izaak na may babae at walang pakialam.

She want the sweet Izaak.

At habang naghihintay siya sa pag-uwi nito, unti-unting kinakain ng takot ang puso niya na baka bumalik na naman ito sa pambababae.

Napabuntong-hininga siya saka bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. "Nasaan na kaya 'yon?"

Umalis siya sa kama at palakad-lakad habang panay ang tingin sa wall clock.

Damn it! Nasaan na ba si Izaak? Kinakabahan na siya.

Bumalik ulit siya sa kama saka nahiga. Nilabanan niya ang antok na nararamdaman para hintayin si Izaak pero hindi siya nagtagumpay.

Naka-idlip siya at nagising ng maramdamang parang may nakatitig sa mukha niya kaya nagmulat siya ng mga mata.

Muntik na siyang mapahiyaw sa gulat ng makita si Izaak na nakaupo sa gilid ng kama at titig na titig sa kaniya.

"Izaak!" Mabilis siyang bumangon saka niyakap ito. "Saan ka ba nagpunta—" hindi niya natapos ang sasabihin ng makaamoy siya ng alak. Bahagyan siyang kumawala sa pagkakayakap niya saka pinakatitigan si Izaak. "Lasing ka?"

Umiling ito. "I just drank a bottle of rum or two."

"Izaak!" Pinukol siya ito ng masamang tingin. "Paano kung may nangayaring masama sayo? Nagmaneho ka pa naman, tapos lasing ka pala. Ano ka ba, hindi ka ba talaga nag-iisip—"

"You were worried?" Titig na titig ito sa kaniya na para bang may kakaiba sa mukha niya.

"Oo naman." Hinaplos niya ang pisngi nito saka pabirong sinabunutan ito sa ulo. "Bakit ka ba nagtatanong diyan? Hindi nga ako kaagad nakatulog dahil sa pag-alala kung nasaan ka na e."

Umangat ang kamay nito saka hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha niya, "Sorry, napuyat ka pa ng dahil sakin." Umikot ang mga braso nito sa beywang niya saka hinapit siya palapit dito. "Sorry. I didn't mean to. Sorry."

Kumunot ang nuo niya. Parang iba naman ang hinihingan nito ng tawad.

Kumawala siya sa pagkakayakap nito saka sinapo niya ang mukha nito, "Izaak, Lasing ka no?" Pabiro niyang pinitik ang ilong nito saka hinalikan ito sa mga labi. "Matulog ka na nga. Pahinga ka na."

Hindi ito gumalaw. Basta tinitigan lang siya nito na para bang minememorya ang mukha niya.

"Izaak, matulog ka na." May diing aniya.

Izaak just stared at her.

Napailing-iling siya saka siya na ang naghubad sa damit nitong amoy alak. Pagkatapos ay tinulak niya ito pahiga at hinubad naman ang pantalon nito. At habang tinatanggal niya ang medyas at sapatos nitong suot, titig na titig pa rin sa kaniya si Izaak.

"Izaak, stop staring at me." Inirapan niya ito. "Matulog ka na."

But he didn't listen. He just stared at her intently until she lay beside him.

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon