CHAPTER 11
KINAUMAGAHAN, masayang nag-agahan si Izaak at Ria sa Eroticafe. Natutuwa si Ria dahil simula ng magising siya kaninang umaga, hindi na siya nito tinawag na Syl. He called her Ria and it somehow made her feel happy.
"What's your order ma'am?" Tanong ng waiter na nagbigay sa kanila ng Menu.
Binasa niya ang Menu saka ibinaba iyon at tumingin kay Izaak na abala rin sa pagbabasa ng Menu.
"Anong sayo?" Tanong niya rito.
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya, may pilyong kislap sa mga mata nito, "puwede bang ikaw ang gawin kong agahan?"
Pabiro niya itong inirapan saka bumaling sa waiter. "Ahm," sinilip niya ulit ang menu bago umorder, "isang Fuck Cake at isang Semen-tea."
Tumikhim naman si Izaak saka umorder. "Black coffee for me at isang Fuck Cake din."
"Is that all, ma'am, Sir?" Tanong ng waiter habang sinusulat ang order nila.
"Yes." Sagot ni Izaak.
Tumango naman ang waiter. "Your order will be here shortly." Pagkasabi niyon ay umalis na ito.
Napangiwi naman siya habang binabasa ulit ang Menu. "These food names are weird. Parang napaka-awkward orderin." Napailing-iling siya. "I'll talk to Lucifer about this." She mumbled.
"Ganun kayo ka close?"
Natigilan siya sa tanong ni Izaak. She can hear annoyance in his baritone voice.
Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ito sa mga mata. "Oo. Close kami. He's a friend."
"Just a friend?" May pagdududa sa boses nito.
Inirapan niya ito. "Hoy, Izaak, huwag mo akong gagawan ng issue." Ini-amba niya ang kamao rito saka tinarayan ito. "Kaibigan ko lang si Lucifer, walang labis at walang kulang kaya huwag kang magselos diyan."
He snorted. "You two were hugging yesterday—"
"Kasi pinapatahan niya ako kasi gago ka dahil pinaiyak mo ako." Pinukol niya ito ng masamang tingin, "buwesit ka. Dapat nga ako tong nagagalit sayo kasi may Michelle ka kahapon. Sapakin kita riyan, e."
Izaak just shrugged and asked. "Paano naman kayo naging magkaibigan ni Lucifer Monasterio."
"Magkatabi kami ng apartment sa Chicago. We're both Filipino and we both have the same likes and hobbies." Hindi siya natatakot na baka mabuko siya nito, nasisiguro niyang hindi alam ni Izaak ang educational background ni Syl. He dislikes Syl so much, that means he would never bother to know anything about her. "Tapos parehas pa kami ng pinag-aaralang University, kaya naging close kami."
Tumango-tango ito habang matamang nakatingin sa kaniya, "sa Chicago ka pala nag-aral?"
"Yep." She said while popping the 'p'. "Self-supporting ang drama ko nuong nag-aaral ako. Buti na nga lang nakapasa ako sa isang scholarship kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral."
"That's impressive." Komento nito habang titig na titig pa rin sa kaniya, "anyway, kailan mo nakilala si Ream?"
She stilled and frowned. "Sinong Ream?"
An emotion flashed through his blue eyes before he shook his head. "Never mind. Hindi mo pala 'yon kilala."
Kinunutan niya ito ng nuo at akmang kukulitin itong sabihin sa kaniya kung sino ang Ream na tinutukoy nito ng dumating ang order nila.
Pasimple niyang inirapan ang waiter saka sumimsim ng semen-tea na unang nilapag nito at tinikman ang Fuck Cake na Pancake naman talaga.
"Ang sarap." Dinilaan niya ang ibabaw ng pancake na natatakpan ng chocolate syrup, "hmm. Yummy!"
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)
General Fiction"You are invited to Temptation Island."