EPILOGUE

2.1M 35.8K 7.5K
                                    

EPILOGUE

One year later…

HINILOT ni Izaak ang sentido habang nakatingin sa magkakapatid na Monasterio na may dalang malalaking regalo. Ang lalakas ng loob ng mga itong mag-presenta na maging Ninong ng anak nila ni Ria tapos ilang minuto naman itong na-late. Napagalitan tuloy sila ng Pari kanina bago nag-umpisa ang binyag.

He glared at Lucas, Loki and Lucifer. “You’re all late!” He hissed at the three. “Where have you fucking been? Nagalit tuloy yong Pari.”

Tinuro ni Lucifer ang krus na nasa likuran niya. “No cussing, Davidson, nasa likod mo si Papa God.”

He gave Lucifer an arched look. "Lumabas ka kaya, bawal sa loob ang pangalan mo.”

Lucifer showed him his middle finger. “Fuck off, Davidson.”

Mumurahin sana niya si Lucifer nang may mga brasong yumakap sa beywang niya.
“Nag-aaway na naman kayong dalawa?” Tanong ni Ria na siyang yumakap sa kaniya at binalingan si Lucifer. “Huwag mo ngang awayin ang asawa ko.” Pinandilatan nito si Lucifer at napangiti siya.

Good.

Napalatak si Lucifer at napailing-iling. “Dati ako pinagtatanggol mo,” umakto itong nasasaktan habang nakatingin sa asawa niya. “Kinasal lang kayo ni Izaak, inaaway mo na ako. Ganoon ka na talaga sakin ngayon? Ang sakit naman, Ria."

Inirapan lang ito ng asawa niya saka tumingin sa kaniya. "Mahal, sa reception na daw tayo sabi ni Mommy. Nagmamadali na sila Mommy at Daddy." Anito na tinutukoy ang mga magulang niya.

Izaak sighed and looked at the Monasterio Brother's with irritation. "Sa bahay ang reception, see yah there."

Sabay silang naglakad pabalik ni Ria palapit sa altar kung saan naroon ang mga magulang niya na karga-karga ang anak nila ni Ria.

Four months after Syl file an annulment, it was approved by the court. He was very happy at the news and a week after that, he married Ria. It was a small and simple wedding na dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan at kamag-anak. And he was happy that his parents actually came to his wedding and apologized to Ria after the reception. At si Ria naman ay madaling napatawad ang mga magulang niya, saying that she was also at fault.

After his wedding and one month honeymoon in Temptation Island, he settled his assets with his lawyer. Binigay niya ang bahay kay Syl dahil alam niyang wala itong matitirhan at binilhan niya ng bagong bahay si Ria para doon sila bumuo ng pamilya, at binigyan niya ng pera si Syl para makapag-negosyo ito at makapag-simulang muli.

Syl should have half of his assets dahil kasal sila pero tinanggihan niyo ang lahat ng 'yon at sinabing gamitin nalang 'yon para sa bubuo-ing pamilya nila ng kakambal nito. He never thought that after his hatred towards Syl, the time has finally come for them to actually talked and settled their issues.

Izaak came out from his reverie when his father went to his side. Karga-karga nito ang isa sa kambal niyang anak.

"Ang cute talaga ng apo ko." May pagmamalaking wika ng ama niya, "manang-mana sa lolo." Binuntutan pa nito iyon ng tawa saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Salamat at binigyan mo na kami sa wakas ng Apo."

Mahina siyang natawa. "Dad, it wont be possible without the love of my life." Sagot niya habang malamlam ang matang nakatingin sa asawa niyang kausap naman ng ina niya.

"You really love her, huh." Anang ama niya saka napailing-iling. "Nahihiya pa rin ako sa batang 'yan." Anito na tinutukoy si Ria. "Kung ano-anong pinagsasasabi namin no'n sa kaniya."

"Dad, napatawad na niya kayo." Wika niya, nakatingin pa rin sa asawa niya. "Saka wala na 'yon sa kaniya."

His father sighed. "She's a nice woman. I like her for you, son."

"So ibabalik mo na sakin ang mana ko?" Tanong niya na nangingiti.

His father snorted. "You wish. Ibinigay ko 'yon sa mga apo ko."

Napangiti siya. "Works for me."

Mas lumapad ang ngiti niya ng makitang naglalakad palapit sa kaniya si Ria at karga nito ang isa pa niyang anak habang nasa tabi nito ang ina niya.

"Ikaw, Ricardo," dinuro ng mommy niya ang kaniyang ama. "Napapansin ko, sinusulo mo si Disney Iza."

Guilty na napangiwi ng ngiti ang ama niya. "Ang cute kasi." Rason nito.

Umingos lang ang ina niya saka hinalikan ang nuo ng kakambal ni Disney Iza na karga ni Ria.

"Puwede bang kami nalang ang magdala ng apo namin sa reception?" Pagpapalam ng ama niya sa kanila ni Ria. "Iinggitin ko lang mga kumpare kong wala pang mga apo hanggang ngayon."

Napailing-iling nalang si Izaak saka tumango. "Okay. See you in the reception."

"Ang guwapo din nitong si Waltz Izaak. Ipapakilala kita sa mga kumare ko, tiyak maiinggit ang mga 'yon." Pinangigilan nito ang pisngi ni Waltz. "Mana ka talaga sa lola, apo."

Nagkatinginan at nakatawanan nalang sila ni Ria. At nang kunin ng ina niya si Waltz sa mga bisig ni Ria, niyakap niya ang asawa saka hinalikan ito sa nuo.

"Did i tell you how much i love you today?" Pabulong niyang tanong sa tainga ng asawa.

Nangingiting yumakap ito sa leeg niya at ginawaran siya ng halik sa mga labi. "Yes. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na, e."

Mahina lang siyang natawa saka mas humigpit ang yakap niya sa asawa. "I love you."

Ngumiti lang ito saka hinalikan siya sa pisngi. "Mahal din kita, Mahal." Tugon nito.

Pinakawalan niya sa pagkakayakap si Ria saka inakbayan ito at ito naman ay nakayakap ang isang braso sa likod ng beywang niya.

Slowly, they walk towards the Church exit.
"I felt like i'm on top of the world." Aniya saka mahinang natawa. "I have you, my perfect wife and son and daughter. Pakiramdam ko wala na akong mahihiling pa."

"Me too." Ria replied and smiled at him softly. "I felt complete."

He kissed her temple. "I love you so much, Ria."

Humigpit ang pagkakayakap nito sa likod ng beywang niya, "i love you too, Izaak."

He, then, remained silent as they walk slowly to the exit. Habang naglalakad, nasa isip niya kung gaano siya kasuwerte na nakilala niya si Ria at naging asawa niya ito.

She gave meaning to his life. She made him happy, responsible and contented. She's like a star that lights up his life and make him feel the happiest man alive.

And he can't lose this woman. He'll do everything to protect her and care for her. She's the love of his life... his happiness and his pride. She's his life line. Without her, he'll sieze to exist.

"I love you, Ria." Ulit niya.

Mahina itong tumawa saka tumugon. "I love you too, Izaak."

"I love you." He said again and he'll never get tired of saying it.

Those three words are his connection to his wife, their relationship's life line, and whatever happens, he wont let go of those three words that made him who he is now. A happy contented man.

I love you, Ria.

-C.C.-

#LaNaAkongHashtag

I'll invite you again to Temptation Island in Book 5. See yah there, innocents.

AND TO RIA DESCARTIN: This story is for you, baby. Hindi ko man nasunod ang pangalan na gusto mo, sana nakabawi ako sa mga ibang scene sa story na 'to. I hope you enjoy reading this one. Stay beautiful, witty, smart and simply amazing. I love you and take care always. - Your baby.

🎉 Tapos mo nang basahin ang TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM) 🎉
TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon