CHAPTER 16
PAGKAGISING ni Ria sa umaga si Izaak kaagad ang hinanap niya. Ilang gabi na itong hindi umuuwi, kung umuwi man, palaging umaga na. Hindi naman niya ito naabutan dahil pagkagising niya, nakaalis na ito papuntang opisina. Sa tuwing pumupunta na naman siya sa opisina nito, ayaw naman siyang papasukin ng sekretarya nito kahit anong pilit niya.
Kaya naman napagdesisyonan niyang hintayin ito hanggang madaling araw, hanggang sa nakatulog nalang siya pero hindi parin ito umuwi.
"Nay Koring," tawag niya sa mayordoma na nasa kusina at nagluluto, "nasa opisina na ho ba si Izaak?"
"Kararating lang niya, ma'am." Magiliw nitong sagot saka tinapos ang niluluto at humarap sa kaniya, "sa katunayan nga ho ay dadalhin ko itong kape sa kaniya. Mukhang may hangover, e. Amoy alak, e."
"Ganoon ho ba?" Napatiim-bagang siya saka kinuha ang kape na nasa platito. "Ako na ho ang magdadala. Nasaan ho siya?"
"Nasa hardin ho, ma'am Syl."
Madilim ang mukha niyang naglakad patungo sa harden at nang makarating doon ay padabog niyang inilapag sa ibabaw ng mesa, sa harap ni Izaak ang kape.
Nalukot ang mukha nito na tiningala siya. Gumuhit ang gulat sa mukha nito ng makita siya kapagkuwan ay kumunot ang nuo.
"Nasaan si Nay Koring?" Tanong nito na iritado. "Siya ang inutusan ko niyan."
"Mag-usap tayo." Aniya, "bakit ba hindi--"
"Ayaw kitang makausap."
"A-ano?" Parang may tumadyak sa puso niya. Ang sakit no'n.
"I dont want to talk to you." His eyes were cold, emotionless. "Hindi pa ba yon obvious sayo? Hindi nga ako nagpapakita sayo diba? Sana nakaramdam ka na."
Napaawang ang labi niya, ang puso niya ay parang kinakatay sa sobrang sakit. "Anong..." namasa ang mga mata niya, "a-ano bang pinagsasasabi mo?" She can feel her heart breaking, "a-akala k-ko okay t-tayo." Gumagaralgal ang boses niya sa sobrang pagpipigil na hindi maiyak.
"Umalis ka na sa harapan ko." Tumayo ito saka napabuntong-hininga na para bang napipilitan lang itong pakiharapan siya, "ayaw kitang makausap."
Tuluyan nang nalaglag ang luhang kanina pa pinipigilan. "Three days, Izaak. Tatlong araw kang hindi nagpakita sakin, tatlong gabi kang hindi umuwi. That's exactly 75 hours, thirty minutes," she looked at her wrist watch, "and nine seconds." Mapakla siyang natawa. "Palagi akong naghintay buong magdamag para sayo kasi nag-alala ako baka napano ka na o baka may nangyaring masama sayo pero ni text wala akong natanggap para manlang mapanatag ako. Ayos lang baka kasi busy ka. " Nag-uunahan nang namamalisbis ang mga luha niya sa kaniyang pisngi, "pinuntahan kita sa opisina mo pero busy ka nga raw, hindi ako nagpumilit. Tapos ngayon, lasing ka at pagsasalitaan ako ng ganiyan. Do you know how worried i was? Do you even have the slightest idea what i had been through these past three days worrying for you?"
Nakatitig lang ito sa kaniya habang nagsasalita siya kapagkuwan ay napabuntong-hininga.
"Hindi ko sinabing maghintay ka o mag-alala ka sakin." Napakalamig ng boses nito. "At saka busy naman talaga ako. I was with Michelle."
Hindi napigilan ni Ria ang kamay na umigkas at malakas itong sampalin. "Gago ka." Mabilis niyang pinahid ang luhang kumawala sa mata niya, "nag-alala ako sayo, hindi ako makatulog, hindi mapakali, ni hindi nga ako nakakain ng hapunan sa kahihintay sayo at sa pag-aalala sayo kung napano ka tapos kasama mo pala ang babae mo? Nagsabi ka nalang sana na nasa kandungan ka ng iba, para hindi ako nag-alala sayong gago ka!"
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)
Fiction générale"You are invited to Temptation Island."