CHAPTER 2
MAINGAT ang mga hakbang ni Ria palabas ng walk-in closet habang nakasuot ng tanging pantulog ni Syl na hindi siya pagpapawisan. It's a very simple lingerie. Maikling short na satin saka spaghetti strap na pang-itaas. At itinago niya iyon sa ilalim ng bath robe na kulay itim.
Ayaw niyang rumampa sa harap ng asawa ng kakambal niya na ganoon ang suot niya. Oo nga at sinabi ni Syl sa kaniya na sa isang taong pagsasama nito at nang asawa nito, hindi man lang sinubukan ng asawa nito na hawakan o halikan si Syl, ilag daw ito sa kakambal niya, pero mabuti na ang nag-iingat.
"Aalis na ako." Anang baritonong boses.m na pumukaw sa pag-iisip niya.
Napaigtad siya sa gulat at napabaling sa nagsalita. Nakatayo si Izaak at nakasandal sa nakasarang pinto ng silid nila.
He looks so handsome in his ragged jeans and white shirt. At hindi lang iyon, he has the bluest eyes she had ever seen. Parang nakakakapos nang hininga na tumitig sa mga mata nitong nagpapahina sa tuhod niya.
Shit!
Paano nasabi ni Syl na hindi nito kayang pakisamahan ang lalaki, e ang guwapo nito at napakakisig pa ng katawan.
Wala sa sariling napahawak siya sa pagkakabuhol ng kaniyang roba. "Ahm, okay. Ingat ka." Ano naman ang pakialam niya? Buti nga mag-isa lang siya sa kama ngayong gabi.
Tumaas ang kilay nito. "What? No crying?" May gulat sa mukha nito. "No making me feel guilty? No annoying speeches?"
Kumunot ang nuo niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Nagtatakang tanong niya. "E di umalis ka." Walang pakialam niyang sabi. "Ingat."
Tinalikuran niya ang lalaki saka nagpunta sa Vanity mirror at sinuklay ang mahaba niyang buhok. Akala niya umalis na ito kaya naman napaigtad siya ng marinig na naman niya ang baritonong boses nito.
"I'm going to see my mistress." Anito na parang nang-uuyam at sarkasmo ang boses. "Still not going to call Dad for help?"
Tumigil ang paghinga niya sa narinig. Mistress? Nasaktan siya para sa kakambal. This is the reason why her sister couldn't take it anymore... kaya hiningi nito ang tulong niya.
Good God. For a wife, it's a torture to know that your husband is with someone else. Hindi lang iyon sa puso masakit, kundi sa ego din bilang babae. Sigurado siyang tinatanong ni Syl ang sarili kung anong mayroon ang babaeng 'yon na nawala siya at nakakapagpababa 'yong ng self-esteem.
Humigpit ang hawak niya sa suklay. Ang gagong lalaking 'to! Sinasaktan ang kakambal niya, tapos ang lakas ng loob pang ipamukha sa kaniya ngayon na pupunta ito sa kabit nito.
Paano nalang kung ang kakambal niya ang narito ngayon at hindi siya? Hindi niya ma imagine kong anong sakit ang maidudulot no'n sa kakambal niya na masyadong mabait at soft spoken.
"Have fun." Sabi nalang niya habang nagsusuklay pa rin ng buhok niya.
Hindi na umimik ang lalaki at narinig niya ang pagbukas saka pagsara ng pinto.
Ibig sabihin ay umalis na ito.
Kaya naman nagmamadali siyang kinuha ang cellphone niya sa walk-in closet kung saan niya iyon tinago saka tinawagan ang kakambal niya pero palaging cannot be reach ito.
Gusto niya itong makausap tungkol sa asawa nito.
Bakit hindi nito sinabi sa kaniya na nangangaliwa pala ang asawa nito? E di dapat alam niya kung anong magiging reaksiyon niya at kung anong i-aakto niya sa harapan nito.
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)
General Fiction"You are invited to Temptation Island."