CHAPTER 22

1.2M 24.2K 3.3K
                                    


CHAPTER 22

"HOW ABOUT this one?" Tanong ni Izaak kay Ria habang nasa Kitchen wares Department sila ng Mall, namimili ng mga kagamitan sa kusina para sa bagong biling penthouse ni Izaak. "Parang maganda 'to."

Sinuri niya ang hawak nitong Rice Cooker. "Yeah. Mukha namang magtatagal."

"So we'll buy this?" Tanong sa kaniya ni Izaak na parang nanghihingi ng permiso niya.

"Sure." Aniya.

Mabilis na inilagay ni Izaak ang Rice Cooker ang push cart saka tinulak iyon patungo sa may mga pinggan, baso at utensils.

"Anong gusto mong kulay?" Tanong na naman sa kaniya ni Izaak habang namimili ng pinggan.

She rolled her eyes. "Izaak, puwede namang ikaw ang mamimili ng kulay, e. It's your penthouse." Paalala niya rito.

Inakbayan siya nito saka hinalikan sa pisngi, "Baby, I bought that penthouse for you para hindi ka do'n nakikitira kay Lucifer. I don't like the thought of you living with Monasterio." Halata sa mukha nito ang selos. "I don't like it. I'm jealous."

"Aww..." pinanggigilan niya ang matangos nitong ilong. "Ang mahal ko talaga, napaka-seloso." Hinalikan-halikan niya ang mga labi nito saka nginitian ito, "And anyway, may I remind you na hindi lang ako ang titira sa penthouse na 'yon kahit na nga panay ang tanggi ko."

Naglalambing na niyakap siya nito sa beywang, mula sa likuran, saka ipinatong ang baba sa balikat niya. "Alam kong nag-usap tayo na hindi muna tayo magsasama sa iisang bubong at pumayag ako kahit alam mong ayoko. I tried sleeping in my house for a week, baby, and I just couldn't sleep a wink! I need to smell you, to see you, to feel you. Hindi ako mapakali sa bahay."

Niyakap niya ang mga braso nito na nakayap sa beywang niya saka binalingan ang mukha nito na nasa balikat niya.

"Pumayag naman ako, diba?" She said and kissed his cheek. "Kaya nga ayokong palaging ako ang pumipili ng gamit para doon sa penthouse. Titira ka rin naman kasi do'n, e."

He sighed and kissed her neck. "Fine." Tinuro nito ang isang klase ng desenyo ng pinggan. "I want the plain white one."

"Okay." Bahagyan siyang umuklo saka kumuha ng apat na piraso ng pinggan at inilagay sa push cart nila, pagkatapos ay humarap siya kay Izaak na nakayakap pa rin sa beywang niya, "Anyway, naisip ko lang ngayon, asikasuhin mo kaya muna yong pagpili at pagbili ng refrigerator para maipabalot mo kaagad at maisakay doon sa truck na inupahan mo na magdadala no'n sa penthouse. While I'll stay here and pick some utensils and stuff."

Halatang napipilitang tumango ito. Maybe he also realize that it's more fast than sticking together.

"I'll be fast." Paalam sa kaniya ni Izaak saka hinalikan siya sa mga labi at malalaki ang hakbang na umalis na para bang nagmamadali.

Mahina nalang siyang natawa dahil sa pagmamadali nito. Ever since they confess their felling to each other, ayaw na nitong umalis sa tabi niya. Ang gusto nito palagi silang magkasama kaya naman natutuwa siyang umayon ito sa gusto niya ngayon.

Gusto kasi niyang maka-uwi kaagad kasi nararamdaman niyang medyo masama na naman ang pakiramdam niya at tinatamad siya.

Huminga siya ng malalim saka tumingin sa mga basong nakahelira na may iba't-ibang uri ng desenyo.

"Hmm..." she tapped her chin and she choose a design. "Mukhang maganda 'to." Aniya saka kinuha ang simpleng baso na medyo nagko-curve sa gitna.

Maingat siyang kumuha ang anim na piraso na nasa loob na ng karton saka tinulak niya ang cart patungo sa mga kutsara at tinedor. Hindi siya nahirapang mamili do'n. Pagkatapos ay tinulak niya ang cart hanggang sa makarating sa susunod niyang bibihin.

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon