Prologue

93.6K 743 38
                                    

"WE WILL just call you back

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WE WILL just call you back."

"We will call you if you make it into the cut."

"Tatawagan ka nalang po namin."

Napabuntong hininga nalang ako dahil paulit ulit ko nalang naririnig 'yan sa lahat ng ina-applyan kong trabaho. Parating "tatawagan ka nalang po namin", pero miski isa ay wala akong natanggap na tawag mula sa mga in-apply-an kong trabaho sa nakaraang dalawang linggo. Nag-apply ako sa fast food bilang kahera, sa restaurants bilang waitress o kahit na anong makita kong pwedeng applyan, pero wala talaga.

Hindi ko naman sila masisisi. Sino nga ba ang tatanggap sa isang 17 years old na kagaya ko... Syempre, mas gusto nila 'yong may natapos at experience na.

Hindi ko alam. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil nakakapagod...

Nakakapagod mabigo.

Nakakapagod umasa.

Bukod tanging high school lang ang natapos ko bago mawala ang lahat sakin... samin ng pamilya ko. Before that man stole everything from my father, from us... and he didn't even have a heart to leave us a single penny! He literally took everything away from my family!

They were best friends, and yet he was able to do that to my father.

Dahil sa pagod, naisipan ko munang bumili ng tinapay sa isang bakery dahil gutom na gutom na talaga ako. Pagod na ako, pero alam kong hindi ako pwedeng sumuko sa paghahanap ng trabaho. Dahil kapag pati ako ay sumuko, ano nalang ang mangyayari sa pamilya ko? Ano nalang ang mangyayari kay Papa? Hindi ko kayang makitang mamatay kaming lahat sa gutom... Ang bata pa ng kapatid ko. Ni wala siyang kamalay-malay sa lahat ng nangyayari ngayon sa pamilya namin.

Naupo ako sa gilid ng kalsada habang kinakain 'yung isang pirasong monay na binili ko. Hanggang mamaya ko na 'to pagkain. Hindi ko alam kung aabutin pa ba hanggang sa susunod na buwan ang natitirang pera na naitabi ni Papa at Mama para samin. Naibenta na din namin lahat ng pwede naming ibenta para lang magka-pera. Yong ibang pera naman na naitabi nila Mama at Papa ay napunta lang sa pang-hulog ng apartment na tinitirhan namin ngayon.

Ang sabi ni Papa, kaya niyang mag tiis nang gutom, basta h'wag lang niya kaming makikitang nagugutom.

Kaya kailangang kailangan ko ng makahanap ng trabaho, dahil ayaw kong gutumin ni Papa ang sarili niya para lang samin.

"Hi." nagulat ako nang may biglang lumapit sa pwesto ko na isang may edad na lalaki. Nakangiti siya habang nakatingin sakin. Nakasuot siya nang puting long sleeve at itim na dress pants siya. Mukha naman siyang disenteng tignan sa itsura at pananamit niya.

Agad akong napatayo sa pagkaka-upo. Mukha siyang mabait, pero hindi pa rin ako nakakasigurado lalo na sa panahon ngayon.

"Hello po," alangan na bati ko pabalik. Tipid lang akong ngumiti sakaniya.

Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon