"ALAM MO ang daya mo, Lindsey! Ayaw mong mag-share ng info!" nakasimangot na sabi niya sakin at tinawanan ko lang sya habang umiiling. Kanina pa niya ako pinipilit na sabihin sakaniya lahat ng nangyari samin ni Micko. And as if naman na sasabihin ko sakaniya. That's too much information.
"Uy sige na parang hindi mo 'ko best friend," pagpilit niya habang nakanguso.
I sighed.
"Sinabi ko naman sa'yo na natulog kami ng magkatabi at iyon na iyon,"
"Hindi ako naniniwalang natulog lang kayo ng gabing iyon," sabi niya sabay irap sakin. Napailing nalang ako ulit.
Ang kulit talaga ni Lara.
Binilisan ko nalang sa paglalakad at iniwan siya doon. Nasa mall kaming dalawa ngayon habang nagpapalipas ng oras dahil wala rin naman kaming pasok dahil may two-weeks break pa kami bago magsimula ang susunod na sem."
"Wait lang naman!" sigaw ni Lara, habang hinahabol ako.
Pumasok ako sa National Bookstore at dumiretso ako sa teen fiction section at doon nagtitingin ng pwedeng mabili. I love reading fictional stories dahil para akong nagkakaroon ng isa pang mundo.
I always imagine that I'm a fictional character in a book that I'm reading, where I can enjoy the teenage life that I never had in real life.
Minsan naiinggit ako sa iba na na-enjoy at nasulit nila iyong teenager life nila. Iyong wala silang iniintinding malaking problema. Iyong hindi nila kailangang magtrabaho para may maipakain sa pamilya nila. Iyong tipong gigising ka sa umaga ng walang iniisip kung saan ka kukuha ng pera para sa susunod na pampa-gamot ng may sakit mong tatay.
Iyong wala kang mabigat na pasanin na iniisip...
And that I can freely live the life that I want...
But as much as I want to have a normal life, I can't. I can't just leave my whole family to be able to enjoy my own life. They are my family, and I will always prioritize them no matter what. I will always choose them over myself...
"Uy, ayos ka lang? Tulala ka na naman," Lara said. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya.
"A-Ahh... Wala. May iniisip lang ako," sagot ko.
She gave me a sly smile, "Sinong iniisip mo? Si Micko ba?" pang-aasar niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Tumigil ka nga r'yan! Mamaya may makarinig sa'yo na kakilala niya,"
"Bakit? Siya lang ba ang Micko sa buong mundo?" masungit na sabi niya habanag naka-pameywang pa sa harapan ko. Tapos bigla siyang ngumisi, "Kung sabagay.... baka siya lang ang Micko sa puso mo!" dagdag pa niya tapos nag-'Ayieee' pa siya na parang sya pa iyong kinilig sa sinabi niya.
"H'wag ka nga maingay! Baka palabasin tayo dito," saway ko sakaniya dahil may ibang customer na napatingin sa pwesto namin. Ang ingay kasi ni Lara, e! Napaka-kulit pa!
BINABASA MO ANG
Dusk To Dawn (Published Under Immac PPH)
Romance(Mature Content Warning) Kristella Lindsey Samson gave up her lively and exciting adolescent life at such an early age to support her family. She didn't have a choice but to take a stripper's job. She is willing to go to any length in order to assis...